Sino ang susunod na magdedeklara ng kandidatura sa pagka-Pangulo pagkatapos ni Manny Pacquiao?

Iginuhit ba ng tadhana na magiging First Lady si Jinkee Pacquiao?
by PEP Troika
Sep 20, 2021
Manny Pacquiao declares his candidacy for President in 2022 elections: “Ako po ay naniniwala, even the impossible can happen if it is ordained by the Lord. Walang imposible kung ito ay itinakda ng ating Panginoon. Kaya lalaban tayo! Samahan niyo po ako!"
PHOTO/S: Manny Pacquiao Facebook

JERRY OLEA

Who’s afraid of Senator Manny Pacquiao?

Facebook post ni Pacman nitong Setyembre 19, Linggo ng gabi:

“Today, I boldly accept the challenge of running as PRESIDENT of the Republic of the Philippines, with a message to those who are taking advantage of the Filipino people: YOUR TIME IS UP!

“I AM A FIGHTER.

“Sa buong buhay ko, wala akong laban na inatrasan. Ang Manny Pacquiao na kilala ninyo bilang pambansang kamao, ay walang ipinagkaiba sa Manny Pacquiao na kasama ninyo laban sa kahirapan at katiwalian. Higit sa sarili, bayan dapat ang mauna.

“Dama ko ang nararamdaman ninyo. Alam ko ang hirap na nararanasan ninyo at alam ko pagod na pagod na kayo. Mga kababayan, we need progress. We need to win against poverty.

“We need government to serve our people with integrity, compassion and transparency.

“The time is now. We are ready to rise to the challenge of leadership.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“Panahon na upang manalo naman ang mga naa-api. Panahon na upang makabangon ang bayan natin na lugmok sa kahirapan. Panahon na ng isang malinis na gobyerno, kung saan bawat sentimo ay mapupunta para sa bawat Pilipino.

“Ako po ay naniniwala, even the impossible can happen if it is ordained by the Lord. Walang imposible kung ito ay itinakda ng ating Panginoon.

“Kaya lalaban tayo! Samahan niyo po ako!

“Maraming salamat po at Mabuhay ang Pilipinas!”

Iginuhit ba ng tadhana na magiging First Lady si Jinkee Pacquiao?

Abang-abang tayo sa susunod na hakbang nina Senator Bong Go, Bongbong Marcos, Mayor Isko Moreno, Mayor Sara Duterte, Representative Alan Cayetano, Senator Grace Poe, at Vice President Leni Robredo…

NOEL FERRER

At a certain point, katulad ng isang malapit kay Manny Pacquiao na si Bernard Cloma, nagbakasakali ako na, sana, puwedeng mag-tandem sina VP Leni Robredo at Manny Pacquiao sa susunod na elections.

Taga-Bicol (Luzon) si VP Leni samantalang taga-Mindanao si Manny.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Pero ayun, Presidente pala ang tatakbuhan ni Manny.

Good luck na lang po! Regards din sa kaibigan kong si Jinkee at ang kanilang mga anak.

Sa politika sa Pilipinas, abangan talaga ang susunod na kabanata!!!

GORGY RULA

Sa tingin ko, marami pang mababago bago matapos ang filing of candidacy sa susunod na buwan.

Kung talagang itutuloy ni Senator Pacquiao ang pagtakbo niya bilang Presidente ng bansa, dapat sigurong maging maingat siya sa mga taong makakasama niya.

Malamang na magdagdag ng kulay sa panahon ng kampanya kapag sumali si Mommy Dionisia. Kumusta na kaya siya? Okay pa kaya ang kalusugan niya

Malaking bagay rin si Jinkee Pacquiao na halos iisa ang komento sa kanya ng mga taong nakakasalamuha niya. Mabait at napaka-humble.

Pero tila mas gusto ni Jinkee ang tahimik lang at hindi kasinggulo ng pulitika.

Kaya nga isang term lang siya bilang vice governor ng Saranggani dahil hindi raw talaga niya linya ang pulitika. Hindi na siya tumakbo uli dahil mas gusto niyang mag-focus sa pagsubaybay sa mga anak nila ni Senator Pacquiao.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Samantala, maraming nagsasabing nakini-kinita na raw nilang mas magulo itong ngayong eleksyon. TIyak na maraming batuhan ng paninira sa isa’t isa, pero huwag na lang sana madugo.

Sana, walang masayang na buhay, lalo na’t nakikita naman kung ano ang tipo ng ilan sa mga nanunungkulan sa ngayon.

Sana, mapanatili ang mapayapang halalan. Hindi lang natin matiyak ang malinis na halalan.

HOT STORIES

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Manny Pacquiao declares his candidacy for President in 2022 elections: “Ako po ay naniniwala, even the impossible can happen if it is ordained by the Lord. Walang imposible kung ito ay itinakda ng ating Panginoon. Kaya lalaban tayo! Samahan niyo po ako!"
PHOTO/S: Manny Pacquiao Facebook
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results