PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Vilma Santos tatakbong senador sa 2022 elections?

Vilma Santos, mami-miss sina Luis Manzano at Jessy Mendiola.
by PEP Troika
Published Sep 22, 2021
Batangas Sixth District Representative Vilma Santos on possibility that she will be a senatorial candidate: "Isa po yun sa kinu-consider ko. Kaya lang, there are a lot of things na kailangan kong bigyan ng kunsiderasyon.
PHOTO/S: Luis Manzano YouTube

GORGY RULA

Sa vlog ni Luis Manzano na in-upload nitong Martes, September 21, malungkot na ang Momski niyang si Congressman Vilma Santos-Recto.

Uuwi na kasi ang mag-asawang Luis at Jessy sa bahay ng mga ito sa Linggo, September 26.

Halos dalawang buwan na silang nag-stay kay Cong. Vi, pero kailangan na raw umalis nina Luis dahil may schedule na ng trabaho ang actor-TV host, at nakatakda na siyang i-quarantine bago magpa-RT-PCR test.

Sa tsikahan ng mag-ina, sinabi ni Cong. Vi na pursigido na siya sa kanyang YouTube channel.

Sa darating na Linggo, September 26, ipu-post niya ang kanyang first vlog.

At kapag may time siya, susugurin niya ang mag-asawang Luis at Jessy para siya naman daw ang mag-interview sa couple.

Balak di ni Cong. Vi na mag-house tour sa bahay ng kanyang anak.

Sa usaping pulitika, sinagot muli ni Cong. Vi ang paulit-ulit na tanong ng fans kung itutuloy na nito ang pagtakbo bilang senador sa 2022 elections.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Sa kasalukuyan ay representante siya ng sixth district ng Batangas.

Ramdam ko ang sinserong sagot ni Cong. Vi kaugnay sa tanong na ito.

Aniya, "Isa po yun sa kinu-consider ko. Kaya lang, there are a lot of things na kailangan kong bigyan ng kunsiderasyon.

"Puwede ho akong mag-file ng candidacy sa pagtakbo sa Senado—or baka depende naman po sa time o sagot sa pagdarasal ko—baka puwedeng mag-retire na rin po ako sa politics.

"Pero alam kong marami pa po akong puwedeng i-contribute at magagawa. Kaya lang po, yung panahon ngayon, e...

"Hindi po ako makaikot sa Pilipinas para maharap ko po yung mga kababayan natin para maipaliwanag ko po yung mga programang puwede ko pong gawin o batas.

"Kasi siyempre, hahanapin ka rin, e, physically.

"But with the present situation ng COVID and the variants, it’s kinda scary. Baka mamaya po, gusto niyo akong lapitan, tapos may hihila sa inyo, ilalayo kayo sa akin, iyon ang hindi ko po kaya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"Kasi, hindi puwedeng akapin, hindi puwedeng halikan, hindi raw puwedeng makipagkamay.

"Gusto ko po kayong puntahan. Gusto ko po kayong harapin. Gusto ko po tayo mag-usap, lalo nagtiwala kayo sa akin ng napakahabang panahon.

"Pero dahil sa mga kinu-consider ko, e… Help me pray."

Kung itutuloy ng congresswoman ng Lipa City ang pagtakbo bilang senador, totoo bang sa ilalim daw ito ng ticket ni Yorme Isko Moreno?

JERRY OLEA

Sey ni Momski Vi, mami-miss niya sina Luis at Jessy dahil talagang solid iyong halos dalawang buwan na nag-stay sa kanyang tahanan ang kanyang panganay at maybahay nito.

"I’ve learned a lot, and I enjoyed yung lahat nating ginawa," sambit ni Momski Vi.

Nagbiro si Luis na feeling niya, sa Pebrero 2022 ang susunod niyang dalaw sa kanyang ina.

Umalma agad-agad si Momski, "Ano?! Sobra ka, hindi, ahh!!!"

Kuwelang himutok kunwari ni Luis, "Anong ipapakain ko sa pamilya ko kung hindi ako magtrabaho?! Didighay ako ng alikabok sa gutom?

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

"Huwag mo akong pigilan!!! May pamilya ako! Kailangan kong pakainin ang pamilya ko!"

Ang cute ng pose nina Luis at Momski Vi na inspired ng poster ng pelikulang Anak (2000) na pinagbidahan nina Vilma at Claudine Barretto.

NOEL FERRER

Suportado natin ang pagba-vlog ni Ate Vi lalo pa’t limitado ang mga galaw hindi lang ng celebrities kundi ng mga lingkod-bayan in general.

Maganda rin ang ginagawang pagtulong nina Luis at Jessy sa Momskie Vi nila.

Kasi, ngayong panahong mahirap mag-ikot sa pangangampanya, isang malakas at mabisang tool ang social media.

Basta walang tinatapakang iba, support tayo diyan!

Use these foodpanda vouchers when you shop or order online. Marami pang ibang coupons dito.

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Batangas Sixth District Representative Vilma Santos on possibility that she will be a senatorial candidate: "Isa po yun sa kinu-consider ko. Kaya lang, there are a lot of things na kailangan kong bigyan ng kunsiderasyon.
PHOTO/S: Luis Manzano YouTube
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results