PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Janet Bordon: favorite leading lady of action stars, comedians

Mga dating kasamahan ni Janet Bordon, inalala ang yumaong aktres.
by PEP Troika
Published Sep 24, 2021
Si Janet Bordon ay itinuturing na isa sa may pinakamagandang mukha sa showbiz. Inilunsad ang kanyang showbiz career noong 1977 hanggang sa maging paborito siyang leading lady ng action stars at comedians noong '80s.
PHOTO/S: Janet Bordon Facebook

JERRY OLEA

Flop ang launching film ng yumaong aktres na si Janet Bordon na Ako Si Emma, Babae!, na ipinalabas noong Hunyo 3, 1977.

Hindi kinagat ng moviegoers ang pelikula na adaptation ng nobela ni Elena Patron tungkol sa lalaking si Noli na nagpaopera upang maging babae, si Emma.

Nabigo ang Crown Seven Productions ni Jesse Ejercito na mapakinang ang bituin ni Janet bilang First Star ‘77.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Ini-relaunch ng Agrix Films si Janet sa pelikulang Biyak Na Manyika (1979), na idinirek ni Emmanuel H. Borlaza.

Nagkasunud-sunod kapagkuwan ang mga pelikula niya, at tuluy-tuloy na ang kanyang pag-aartista.

Sa Star? (1979) na idinirek ni George Rowe, gumanap si Janet bilang solterang anak ng producer (Vic Silayan) na pumatay sa pasaway na bida (Rudy Fernandez) gamit ang FAMAS trophy.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Ang istorya nito ay hawig sa Hollywood film na The Oscar (1966).

Sa 4 Na Maria (1980) na idinirek ni Maryo J. de los Reyes, magkakapatid sila nina Charo Santos, Julie Ann Fortich, at Lorna Tolentino na may kani-kanyang love life.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

“Janet was a very quiet sweet lady—walang yabang, walang angas. No feeling of entitlement,” sabi ni Direk Arman Reyes, na credited scriptwriter ng Star? at head ng Creative Department ng Agrix Films.

Paggunita ng scriptwriter-talent manager na si Tom Adrales, “Janet Bordon was the beautiful actress of Agrix Films.

“I remember the day Mr. Blando called a meeting to announce the contract signing of Janet to Agrix Films.

“Mabait si Janet. Laging naka-smile. That time kasi, parang baby siya ng Agrix. Unang artista na ibi-buildup namin.

“Alagang-alaga namin si Janet. Si Tita Lilian Laing ang naka-assign sa kanya. Binigyan pa siya ng acting coach ni Direk Maning Borlaza sa shooting.

“Si George Vail Kabristante ang gumawa ng marketing kit, parang souvenir program na ni-layout ni Arman Reyes. Sa kanya lang namin ginawa iyan.

“All out ang relaunching ni Janet. Lahat ng press, invited. Si Chito Alcid ang in-charge.”

Sa launching movie ni Dina Bonnevie na Katorse (1980, Regal Films, directed by Joey Gosiengfiao), gumanap si Janet bilang ate ni Dina.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Binosohan ni Dina ang lovemaking nina Janet at Domingo Sabado.

Kontrobersiyal ang pelikula nina Janet, Myrna Castillo, at Pepsi Paloma na Virgin People, sa direksyon ni Celso Ad. Castillo.

Ipinalabas iyon during the 2nd Manila International Film Festival noong Enero 1983, at pila-pila ang mga manonood kahit doble o triple ang bayad ng tiket sa takilya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Sensational ang breast exposure doon ng tatlong bidang babae bilang virgin sisters na nagkagulo dahil sa isang lalaki (Ernie Garcia). Tipi-tipi-tin, tipi-tin!

Pepsi Paloma, Myrna Castillo, and Janet Bordon in Virgin People

Naging paboritong leading lady ng comedians at action stars si Janet.

Kabilang pa sa mga pelikula niya ang Sa Pagitan ng Dalawang Diablo (1980) with Jess Lapid Jr.; Batang Pasay (1980) with Ace Vergel; Tatlong Hari (1980) with Bembol Roco, Phillip Salvador, and Robin Aristorenas; Rocky Tulog (1981) with Chiquito; Hanapin Si… Jake Romano (1981) with Anthony Alonzo; Boy Ulo ng Tondo (1981) with Boy Ulo Jr.; Labag sa Batas (1982) with Ramon Revilla; Totoy Saudi (1982) with Boy Fernandez; Sabayan (1982) with Jun Aristorenas and Dante Varona...

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Ninong (1982) with Rhene Imperial; Johnny Tanggo Rides Again with Redford White (1983); MPD Manhunt Parulan (1983) with Eddie Fernandez;Tatak ng Yakuza (1983) with Rudy Fernandez; Porontoy (1983) with Ramon Zamora; Diegong Bayong (1984) with Anthony Alonzo; Mga Paruparong Buking with Eddie Gutierrez, Eddie Garcia, and George Estregan (1985); at Moises Platon (1988) with Ramon “Bong” Revilla Jr.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Pumanaw si Janet Bordon noong Miyerkules, September 22, sa Amerika pagkatapos ng mahabang pakikipaglaban sa cancer. Siya ay 61 taong gulang.

NOEL FERRER

Sa aking pagkabata, naaalala ko si Janet Bordon bilang sexy star na may nunal. Nakikiramay tayo sa pamilya at mga kaibigan niya.

Sa ngayon, sino ang Janet Bordon sa bagong henerasyon, Tito Gorgs?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

GORGY RULA

Ewan kung makaka-relate ang readers natin sa mga kuwento ni Direk Arman Reyes, lalo na yung pamamayagpag noon ng Agrix Films.

Kung hindi ako nagkakamali, base sa naalala ko noon, naikuwento rin sa akin ni Direk Arman na dating staff noon ng Agrix celesi Becky Aguila, na manager na ngayon ni Jennylyn Mercado at nag-handle dati kay Angel Locsin.

Ang gaganda ng mga pelikula noon na launching vehicle ng mga magagandang stars na dumaan din sa pagpapa-sexy.

Bukod sa Agrix ay ang sipag din ng Crown Seven na nagpasikat kina Lorna Tolentino, Amy Austria, Anna Marin, at iba pang mga aktres na hindi na active ngayon.

Isa na rito si Janet Bordon na nalinya sa mga magagandang aktres noong kanyang panahon.

Bago nag-Amerika si Janet, pinasok din niya ang pulitika. Hindi ko lang tiyak kung nanalo siyang konsehal ng San Juan City.

HOT STORIES

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Si Janet Bordon ay itinuturing na isa sa may pinakamagandang mukha sa showbiz. Inilunsad ang kanyang showbiz career noong 1977 hanggang sa maging paborito siyang leading lady ng action stars at comedians noong '80s.
PHOTO/S: Janet Bordon Facebook
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results