Rhen Escaño, hindi kumportableng pag-usapan ang nakaraan nila ni Kokoy de Santos

by PEP Troika
Sep 24, 2021
Rhen Escaño on Kokoy de Santos: “Okay po kami ngayon, nag-uusap naman kami ng family, kahit papa'no. Pero masaya kasi siya, e, yun naman ang importante ngayon. Matagal na rin po 'yan, siguro mga four years ago, o five, ganun.”
PHOTO/S: Instagram

GORGY RULA

Nahalata kong hindi kumportable si Rhen Escaño na sagutin ang tanong ko kung naging sila ba ni Kokoy de Santos nang nagkasama sila sa Walang Tulugan With The Master Showman sa GMA-7.

Nakapanayam ko si Rhen sa radio program namin sa DZRH noong Huwebes, September 23, para sa promo ng pelikula niyang Paraluman na nagsimula na ang streaming ngayong September 24, Biyernes, sa Vivamax.

Nasa Singapore pa si Rhen dahil may tinatapos siyang isang international movie na pinamagatang Sunday.

Kasama niya rito ang kilalang Vietnamese actor na si Ho Thanh Trung, at si Michelle Saram na gumanap bilang Ye Sha sa Meteor Garden II (2002).

Sinabi ni Rhen na mas naka-focus siya ngayon sa trabaho, kaya naisasantabi ang love life.

Pero nang binalikan ko ang love life niya nung nasa GMA-7 pa siya, isang makahulugang ngiti ang sagot niya nang binanggit ko si Kokoy.

“Ang tagal na po nun… pero nakikita ko po ngayon na masaya siya.

Continue reading below ↓

“Masaya siya, so masaya po ako na masaya siya,” sagot niya.

Hindi lang idinetalye ni Rhen kung ano ang kanilang relasyon noon. Kaya tinanong ko uli, kung parang puppy love lang ba yun dahil masyado pa silang bagets nung nagkasama sila sa Walang Tulugan ni Kuya Germs.

“Hindi ko po masasabi na puppy love, e, kasi once na na-hurt ka, parang hindi mo siyang matatawag na puppy love.

“Siguro hindi lang talaga para sa amin,” makahulugan niyang sagot sa amin.

Pero ayon kay Rhen, “Okay po kami ngayon, nag-uusap naman kami ng family, kahit papa'no.

“Pero masaya kasi siya, e, yun naman ang importante ngayon. Matagal na rin po 'yan, siguro mga four years ago, o five, ganun.”

Okay naman kay Rhen sakaling may offer siya na project na posibleng pagsasamahan nila ni Kokoy.

“Pag work naman po, wala naman pong problema yun, and for sure yun naman po ang isasagot niya.

Continue reading below ↓

“Pareho po kami, alam ko po yun, sure po ako dahil ang focus talaga namin pareho is yung career.

“Sa tingin ko, yes. Okay naman po sa akin yun.

"And pareho naman po kaming masaya sa mga buhay namin, career, di ba?

"Wala naman akong nakikitang problema," pahayag ni Rhen.

JERRY OLEA

Sa nakaraang pinagsaluhan nina Rhen at Kokoy, sumagi sa isip ko ang Seiko movie na Huwag Mong Buhayin Ang Bangkay.

Entry iyon sa MMFF 1987, at tampok sa pelikula sina Jestoni Alarcon, Charito Solis, Ricky Davao, Rita Avila, Romnick Sarmenta, Jennifer Sevilla, at Pinky Suarez.

Busy pa si Kokoy sa Pepito Manaloto: Ang Unang Kuwento ng GMA-7, kaya malabo pa sa lababo na magkatambal sila ni Rhen.

Sakaling magpa-presscon na ang Season 2 ng Pinoy BL series na Gameboys, meron kayang mangahas na magtanong kay Kokoy tungkol sa “past is past” nila ng maalindog na paraluman?

OK lang kaya iyon sa KoRhen, este, CaiReel Nation?

Continue reading below ↓

NOEL FERRER

Move on na! Hindi makakatulong sa career ni Kokoy ang KoRhen!

Mas maganda nang magkaiba o kani-kanya ng projects sina Kokoy at Rhen para hindi na magkahawahan ng starlet status, at umalagwa pareho ang career ng dalawa.

Game!!!

HOT STORIES

We are now on Quento! Download the app to enjoy more articles and videos from PEP.ph and other Summit Media websites.
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Rhen Escaño on Kokoy de Santos: “Okay po kami ngayon, nag-uusap naman kami ng family, kahit papa'no. Pero masaya kasi siya, e, yun naman ang importante ngayon. Matagal na rin po 'yan, siguro mga four years ago, o five, ganun.”
PHOTO/S: Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results