Royce Cabrera, crush ng Nagbabagang Luha co-star na si Claire Castro

by PEP Troika
Sep 27, 2021
Royce Cabrera on Nagbabagang Luha co-star Claire Castro: "Nakakatuwa lang, kasi sa ilang araw na magkasama kaming magkatrabaho, naging close din talaga kami. Tapos may mga ilang eksena pa na kailangang mukha talagang kinikilig kami sa isa’t isa. Kaya kung kinilig si Claire, well… malaking tulong yun para magawa namin nang maayos yung eksena.”
PHOTO/S: Instagram / GMA Network

JERRY OLEA

Inamin ni Claire Castro na crush niya si Royce Cabrera.

Kinikilig si Claire na katrabaho si Royce sa GMA afternoon drama series na Nagbabagang Luha.

“Nakakakilig din! Hahaha!” reaksiyon ni Royce nitong Setyembre 27, Lunes ng hapon, via Messenger.

“Pero nakakatuwa lang, kasi sa ilang araw na magkasama kaming magkatrabaho, naging close din talaga kami.

“Tapos may mga ilang eksena pa na kailangang mukha talagang kinikilig kami sa isa’t isa.

"Kaya kung kinilig si Claire, well… malaking tulong yun para magawa namin nang maayos yung eksena.”

Sabi ni Royce, marami pang dapat abangan sa mga eksena nila ni Claire sa Nagbabagang Luha.

“Mas titindi at iinit pa ang mga eksena lalo na sa binabalak nina Cielo [Claire Castro] at Sherwin [ako],” saad ni Royce.

Maraming pinapirmang bagong artists ang GMA Artist Center, at may mga papipirmahin pa. Na-threaten ba siya o na-insecure?

Tugon ni Royce, “Masaya ako para sa mga bagong artist na naging Kapuso na dahil alam kong dito mas mae-enhance talaga nila ang kani-kanyang talento.

Continue reading below ↓

“Wala naman po akong naramdaman na threat or insecurity dahil, para sa akin, mas masaya na lalong lumalaki ang samahan dito sa Kapuso network.”

Na-excite ang fans ng Pinoy BL series nila ni Kyo Quijano na Quaranthings dahil magkakaroon ito ng Season 2. Excited din ba siya?

“Excited po kasi, almost a year na rin ang lumipas bago kami mag-resume para sa season 2.

“Kaya dapat talaga nilang abangan ang mga level-up na eksena na lalong magpapanabik ng kanilang panonood linggu-linggo sa Quaranthings The Series.”

Wala ba siyang takot sa mga lock-in taping? Andami ng mga bagong kaso ng COVID-19. Andaming namamatay.

“Sa totoo lang, meron pa rin naman po akong takot lalo pa ngayon na napakabilis kumalat ng mga new variants of COVID,” pag-amin ni Royce.

“Pero siyempre, kailangan pa rin nating magpatuloy sa buhay kaya kailangan nating labanan at ma-prevent ang takot na yun sa pamamagitan ng pagpapabakuna at pagsunod sa mga safety protocols na binibigay ng bawat productions and government natin.”

Continue reading below ↓

GORGY RULA

Noong presscon pa lang ng Nagbabagang Luha ay napansin na si Royce dahil direktor niya rito si Ricky Davao, na naka-bed scene niya sa Cinemalaya 2019 film na Fuccbois.

Bilib si Direk Ricky sa kanya, at tamang-tamang kinuha si Royce ng GMA Artist Center. Kailangan ang tipo ni Royce na kayumanggi, hunk, at magaling pang umarte. Kaya mukhang marami pang puwedeng gawin sa indie actor.

Kinuha nga si Royce sa isang pelikulang pagbibidahan ni Jeric Gonzales. Sa pelikulang yun, kay Royce nakatoka ang mga sexy scene dahil wala siyang kiyeme sa paghuhubad.

Malamang, hindi lang si Claire ang kinikilig sa morenong aktor. Meron pa riyan.

Si Claire lang ang nag-open na crush niya at kinikilig siya nang nakaeksena si Royce.

NOEL FERRER

Parang well loved talaga si Royce Cabrera at ultimo ang in-charge ng social media campaign ng grupo na si Madz Aguilar ay nahumaling sa kabaitan at pagkamapagbigay ng aktor.

Continue reading below ↓

Kuntodo pictorial si Madz at feature kay Royce sa social media. Feeling ni Madz, ka-level niya si Myrtle Sarrosa sa shoot, at vamp ang dating niya sa tikas ni Royce.

At least… mabait na, may ibubuga pa sa pag-arte!

Sana nga, magka-premium talaga si Royce at mas mabigyan pa ng varied at mapanghamong mga papel.

HOT STORIES

Use these Lazada vouchers when you shop or order online. Marami pang ibang coupons dito.

We are now on Quento! Download the app to enjoy more articles and videos from PEP.ph and other Summit Media websites.
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Royce Cabrera on Nagbabagang Luha co-star Claire Castro: "Nakakatuwa lang, kasi sa ilang araw na magkasama kaming magkatrabaho, naging close din talaga kami. Tapos may mga ilang eksena pa na kailangang mukha talagang kinikilig kami sa isa’t isa. Kaya kung kinilig si Claire, well… malaking tulong yun para magawa namin nang maayos yung eksena.”
PHOTO/S: Instagram / GMA Network
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results