Squid Game: brutal at madugo pero may kurot sa puso

by PEP Troika
Sep 27, 2021
Squid Game director on his hit Netflix series: “As a survival game it is entertainment and human drama. The games portrayed are extremely simple and easy to understand. That allows viewers to focus on the characters, rather than being distracted by trying to interpret the rules.”

JERRY OLEA

Dugyut-dugyutan si Player 456 o Seung Gi-hun sa 2021 South Korean TV series na Squid Game (9 episodes).

Sa unang eksena pa lang niya ay mukhang malibag siya, mabantot, at patapon ang buhay.

Ang gumanap bilang Player 456 ay ang dating fashion model na si Lee Jung-jae, na kaykisig at simpatiko bilang leading man sa South Korean film na Il Mare (2000).

Continue reading below ↓

Lee Jung-jae in Squid Game

Ang Il Mare ay ni-remake sa Hollywood bilang The Lake House (2006), kung saan si Keanu Reeves ang leading man.

Ang istorya niyon ay mukhang inspirasyon din ng Pinoy film na Moments of Love (2006), kung saan ang bidang lalaki ay si Dingdong Dantes.

Lee Jung-jae in Il Mare

Pogilicious din si Lee Jung-jae sa South Korean film na The Housemaid (2010), kung saan pinarangalan siyang best actor sa Director’s Week na Fantasporto.

Sa Philippine adaptation ng The Housemaid (2010), ang papel ni Lee Jung-jae ay ginampanan ni Albert Martinez.

Lee Jung-jae in The Housemaid

Ilang araw nang number 1 ang Squid Game sa Netflix Philippines, magmula nang mag-streaming ito noong Setyembre 17. Ito ang unang K-drama series na nag-number 1 sa Top 10 ng Netflix USA.

Continue reading below ↓

Isinulat at idinirek ito ni Hwang Dong-hyuk, na nagdirek ng kontrobersiyal na 2011 South Korean film na The Crucible (Silenced), starring Gong Yoo and Jung Yu-mi.

Markado ang cameo ni Gong Yoo sa episodes 1 at 9 ng Squid Game.

Sa mga hindi nakakaalam, bida si Gong Yoo sa pelikulang Train To Busan (2016), maging sa mga K-drama series na Coffee Prince (2007) at Goblin aka Guardian: The Lonely and Great God (2016).

Continue reading below ↓

Gong Yoo and Lee Jung-jae in Squid Game

Si Hwang Dong-hyuk din ang nagdirek ng pelikulang Miss Granny. Ang Philippine adaptation ng Miss Granny ay pinagbidahan ni Sarah Geronimo.

Rated 18+ ang Squid Game dahil sa Violence, Sex, Nudity, Violence, Suicide. Naglampungan sa cubicle ng CR ang gangster na si Jang Deok-so (Player 101) at ang mahaderang si Han Mi-nyeo (Player 212).

Bagamat brutal, madugo o nakakawindang ang mga bardagulan sa Squid Game, maraming eksenang humahaplos, kumukurot o lumalamuyot sa puso, partikular ang Episode 6 na naglaro ang 32 finalists ng holen.

Ang ganda ng pagkakalatag ng ilang karakter kung bakit lumahok sila sa mga palaro kung saan nakataya ang kani-kanyang buhay.

Pumupukaw sa diwa ang dynamics sa pagitan ni Seung Gi-hun at ng matalinong si Cho Sang-woo (Player 218) na noong bata pa ay inihahatid niya sa school.

Tila pinaglaruan din ng tadhana ang turingan ni Seung Gi-hun at ng dalagang magnanakaw na si Kang Sae-byeok (Player 067).

Continue reading below ↓

Jung Ho-yeon plays Kang Sae-byeok in Squid Game

Iyong papel ng Pakistani na si Abdul Ali (Player 199), pwedeng iyon ang papel para kay Carlo Aquino.

May twists and turns na maaaring ikagulantang ng ibang manonood.

Kapuri-puri ang production design, mula sa hagdanan na inspired ng lithograph print ng Dutch artist na si M. C. Escher entitled Relativity hanggang sa malaking manyika na ginamit sa unang palaro na Red Light, Green Light; mula sa paintings sa mga pader ng dorm na natatakpan noong una ng mga kama, hanggang sa maskara ng mga sundalo na kung maglakad ay parang ant colony.

Continue reading below ↓

Ang timpla ng piniling musika ay mas nagpatingkad sa mga kaganapan.

Swak ang klasikong "The Blue Danube," ang waltz na nilikha ng Austrian composer na si Johann Strauss II noong 1866.

Maging ang awiting "Fly Me To The Moon" (1954) na nagpapahiwatig ng pag-ibig, ay bumalot sa hilakbot.

Malalim ang usapin ng moralidad sa Squid Game.

Continue reading below ↓

NOEL FERRER

Pinaratangan si Direktor Hwang Dong-hyuk na nag-plagiarize sa Japanese films na As the Gods Will (2014) ni Miike Takashi, at Battle Royale (2000) ni Kinji Fukasaku, maging sa Hollywood film na The Hunger Games film series (2012, 2013, 2014, at 2015).

Sa artikulo ni Patrick Frater na nalathala sa Variety noong Setyembre 24, sinabi ni Direk Hwang na noong 2008 pa niya na-conceive ang Squid Game bilang pelikula.

Paliwanag ni Direk Hwang, “I freely admit that I’ve had great inspiration from Japanese comics and animation over the years.

“When I started, I was in financial straits myself and spent much time in cafes reading comics including ‘Battle Royale’ and ‘Liar Game.’

“I came to wonder how I’d feel if I took part in the games myself. But I found the games too complex, and for my own work focused instead on using kids’ games…

“I wanted to write a story that was an allegory or fable about modern capitalist society, something that depicts an extreme competition, somewhat like the extreme competition of life.

Continue reading below ↓

“But I wanted it to use the kind of characters we’ve all met in real life.

“As a survival game it is entertainment and human drama. The games portrayed are extremely simple and easy to understand.

“That allows viewers to focus on the characters, rather than being distracted by trying to interpret the rules.”

Matagal bago nabuo ni Direk Hwang ang istorya ng seryeng Squid Games.

Aniya, “In my earlier days, I’d drink half a bottle of soju to get the creative juices flowing. I can’t do that any more.

“Writing was harder than normal for me as it was a series, not a film. It took me six months to write and rewrite the first two episodes.

“Then I consulted verbally with friends, and picked up clues for improvements through my own pitching and from their responses.”

GORGY RULA

Ang bilis ngang sumikat ang seryeng ito. Pero di ko na muna pinanood dahil umiiwas muna ako sa mga nakaka-stress na panoorin.

Continue reading below ↓

May ibang nagku-comment na lalong lumala ang anxiety nila matapos mapanood ang Squid Game.

Mas pinanood ko na lang ang nagna-number 2 sa trending na Hometown Cha-Cha-Cha (16 episodes) nina Kim Seon-ho, Shin Min-a, at Lee Sang-yi.

Ewan ko kung eto rin ang nararamdaman ng iba, na bawat episode, napapangiti ka na lang. Nakaka-relax at ang chill lang itong panoorin.

Hindi ko maiwasang mapangiti at mapabuntung-hininga bago matapos ang bawat episode.

Saka ko na siguro panoorin ang Squid Game kapag ready na ako emotionally.

HOT STORIES

The PEP REVIEW section carries the views of individual reviewers, and does not necessarily reflect the views of the PEP editorial team.
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Squid Game director on his hit Netflix series: “As a survival game it is entertainment and human drama. The games portrayed are extremely simple and easy to understand. That allows viewers to focus on the characters, rather than being distracted by trying to interpret the rules.”
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results