Jennylyn Mercado at Dennis Trillo, may ilalabas na good news?

by PEP Troika
Sep 28, 2021
Interesting pag-usapan ngayon ang magkasintahang Dennis Trillo at Jennylyn Mercado.Mas mabuti sigurong hintayin na lang natin ang good news, kung may ilalabas man ang GMA o ang kampo nila.
PHOTO/S: @mercadojenny on Instagram

JERRY OLEA

“Sometimes things get complicated.”

Facebook post iyan sa official Facebook fan page ni Jennylyn Mercado nitong Setyembre 27, Lunes ng gabi, kalakip ang dalawang litrato nila ni Xian Lim sa Kapuso series na Love. Die. Repeat.

Noong Setyembre 8, Miyerkules, nag-umpisa ang lock-in taping ng nasabing TV series na nagtatampok din kina Myrtle Sarrosa, Mike Tan, Gardo Versoza, Valerie Concepcion, Samantha Lopez, Shyr Valdez, at Victor Anastacio.

Continue reading below ↓

Mula ito sa direksyon ni Irene Villamor.

Out-of-the-box concept ang konsepto ng serye, kung saan ang papel ni Jennylyn ay si Angela, na paulit-ulit na nararanasan ang araw na pumanaw ang asawa niyang si Bernard (karakter ni Xian).

Sa Oktubre 2, Linggo, nakatakda ang huling araw ng lock-in taping.

Kaso, na-pack up ang taping nila nitong nakaraang weekend dahil sa medical emergency ni Jennylyn.

Abang-abang tayo kung magbibigay ng pahayag ang GMA kaugnay sa medical condition ni Jennylyn, o sa kung ano ang kahihinatnan ng Love. Die. Repeat.

GORGY RULA

Interesting pag-usapan ngayon ang magkasintahang Dennis Trillo at Jennylyn. Basta, happy kami para sa kanila.

Mas mabuti sigurong hintayin na lang natin ang good news, kung may ilalabas man ang GMA o ang kampo nila.

Huwag na nating pangunahan. Mas mabuting manggaling sa kanila.

NOEL FERRER

Basta, magagaling silang artista at mabubuting tao, kaya kung anuman ang blessing sa kanila, maligaya tayo at nandoon ang suporta natin lagi!

Continue reading below ↓

Sa gitna ng maraming malulungkot na balita sa ating lipunan, bukas na bukas ang ating puso sa good news!!!

HOT STORIES

Use these Shopee vouchers when you shop or order online. Marami pang ibang coupons dito.

We are now on Quento! Download the app to enjoy more articles and videos from PEP.ph and other Summit Media websites.
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Interesting pag-usapan ngayon ang magkasintahang Dennis Trillo at Jennylyn Mercado.Mas mabuti sigurong hintayin na lang natin ang good news, kung may ilalabas man ang GMA o ang kampo nila.
PHOTO/S: @mercadojenny on Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results