JERRY OLEA
Last shooting day ng launching film ni Christine Bermas na Moonlight Butterfly ngayong Setyembre 29, Miyerkules, sa Angeles City.
Maayos ang daloy ng shooting nila, na nag-umpisa noong Setyembre 22, Miyerkules.
“OK si Christine, na naidirek ko before sa Silab at Ang Huling Baklang Birhen sa Balat-Lupa,” sabi ni Direk Joel Lamangan nang makausap namin sa cell phone nitong Wednesday afternoon.
“Siya ang makabagong mahusay na batang aktres na aabangan. Ipinagkakapuri kong sabihin na meron na naman akong nadiskubre na bagong aktres na pakikinabangan ng industriya sa mahabang panahon!”
Bumilib din si Direk Joel sa leading men ni Christine na sina Kit Thompson, Albie Casiño, at Ivan Carapiet. Magaang katrabaho ang mga ito.
Sa storycon ng Moonlight Butterfly ay inusisa si Albie kung hanggang saan ang kaya niyang ipakita sa movie.
Napangiti si Albie, “Let’s just say na may gagawin ako rito na first time ko siyang gagawin.”
Opo! May butt exposure si Albie sa Midnight Butterfly. E, makinis ba naman ang wetpaks ni Albie?
“Super!!!” sey ni Direk Joel.
Si Kit, kahit sa Instagram ay pwetmalu kaya hindi na big deal kung may pa-puwet siyang muli. Ginawa na iyon ni Kit sa Cinemalaya 2019 film na Belle Douleur.
Naikuwento sa amin ng isang insider na kamag-anak si Ivan ng isang kilalang personalidad sa showbiz.
Nagpaalam daw si Ivan na magpapakita ito ng puwet sa movie.
Inusisa raw ng kilalang personalidad kung sino ang direktor. Nang sabihin ni Ivan na si Joel Lamangan, umokey raw ang kilalang personalidad.
Walang frontal ang leading men ni Christine sa Moonlight Butterfly. Katuwiran ni Direk Joel, hindi ito gay film.
Siyanga pala, naimbitahan si Direk Joel na maging hurado sa Asian Film Festival Barcelona (Oktubre 27-Nobyembre 7) sa Spain.
E, di ba, kalahok doon ang pelikula niyang Lockdown?
“Sa ibang section naman ako na-invite na mag-judge!” paglilinaw ni Direk Joel.
“At pinag-iisipan ko pa kung tatanggapin ko. Kasi, after that, may 14-day quarantine. Ako pa ang magbabayad sa hotel para sa quarantine-quarantine na iyan!”
Kabilang din ang Lockdown sa siyam na finalists ng 28th FACINE o Filipino Arts & Cinema, International (Nobyembre 4-7) sa San Francisco, California.
Kalaban nito ang isa pang obra ni Direk Joel na Isa Pang Bahaghari, ganoon din ang Hayop Ka: The Nimfa Dimaano Story; Ikaw at Ako at ang Ending; Kung Saan Man Tayo; Love and Pain in Between Refrains; Nerisa; Midnight in a Perfect World; at On Vodka, Beers and Regrets.
NOEL FERRER
If only for the new material and the new actors of Direk Joel Lamangan, kaaabang-abang ang Moonlight Butterfly na hybrid ng love story at espionage thriller.
Pero teka, sex and comedy ang bumebenta ngayon… bakit kaya?
Good luck, Direk Joel, sa mga international filmfests mo!
Alam kong kung meron lang talagang mahusay at matapang na project na gagawin mo, gusto mo talaga yun. Sana, dumating na yun muli!
GORGY RULA
Natapos sila on time, at nasunod ang schedule. Mukhang organized ang kabuuan ng production ng Moonlight Butterfly.
Sana huwag madala ang co-producer nitong si Melanie Uy dahil marami pa siyang gustong i-produce. Balak ni Melanie gumawa ng BL project dahil naging fan siya ng ibang BL series.
Kuntento na siya sa mga negosyo niya, at challenge sa kanya ang itong pinasok nyang movie production na matagal na raw niyang gustong subukan.
Use these foodpanda vouchers when you shop or order online. Marami pang ibang coupons dito.
