Sharon Cuneta may mensahe sa pagtakbong pangulo ni VP Leni Robredo

by PEP Troika
Oct 7, 2021
Sharon Cuneta (right) to Vice President Leni Robredo: "Bise Leni, Mabuhay po kayo at para niyo na pong awa, ayusin na po natin ang buhay ng ating mga kababayan. God be with you Ma’am."
PHOTO/S: Jerome Ascano / @reallysharoncuneta on Instagram

NOEL FERRER

Nag-react ang ating mahal na Megastar Sharon Cuneta sa aking post ukol sa paghahain ni Vice President Leni Robredo sa pagkapangulo bilang isang independent candidate.

Ang sabi ni Shawie: “Praise God!

"Bise Leni, Mabuhay po kayo at para niyo na pong awa, ayusin na po natin ang buhay ng ating mga kababayan.

"God be with you Ma’am.”

Napakaganda ang pagkakasabi ni Sharon ng "NATIN."

Kasi, totoo naman na tayo-tayo ang nagtutulungan ngayong pandemya, at si Mega ay taos at tahimik na umayuda sa mga nangangailangang Pilipino.

Wala pang comment si Shawie sa napapabalitang pagtakbo ng asawa niyang si Senator Kiko Pangilinan bilang bise presidente ni Ma’am Leni Robredo.

JERRY OLEA

“Natawa ako ng mga bente,” sabi ni Atorni Ton ng DZRH sa Facebook nitong Setyembre 7, Huwebes ng hapon.

Patungkol iyon sa shout out na “It will be a presidential race of the children. Anak ni Duterte, Anak ni Marcos, at ang Anak ni Kuya Germs. At humahabol pa anak ni Aling Diyonesia!”

Continue reading below ↓

Anak ng tipaklong! Hanash pa ni Atorni Ton this Thursday afternoon, “Pink is not just a COLOR, it's an ATTITUDE.”

Ngayon ding Huwebes ng hapon, tatlong magkakasunod ang FB shout outs ng kaibigang Ogie Diaz kaugnay sa kandidatura ni Leni:

“Wala namang nagawa si Leni, kaya si ____ang iboboto ko.”

“So kung feeling mo, tamad si Leni, ano tawag sa kandidato mo? Patay?”

“Bayaran” daw ako ni Leni. Ok lang. Basta wag lang akong “bayagan” ni Leni. Move on na kayo sa “Dilawan.” Ang uso po ngayon ay “Lenawan” — Leni, Walang Iwanan.

Panawagan ng writer, composer, musical director at actor na si Vincent de Jesus sa Facebook, “H&M, UNIQLO, Bench, Penshoppe — ILABAS NIYO NANG LAHAT NG KULAY PINK SA BODEGA NINYO. BILIS!!!”

Ni-repost ni Vincent ang FB post ni John Michael V. Austria, “Hirap na sila tawaging delawan kasi di na nila alam tagalog ng pink.”

Ang katotong Bikolano na si Dindo Balares, namangha sa isang litratong kuha ni Renz Adrian Ronda sa Bulkang Mayon, “Pati si Daragang Magayon, nakikiuyon...”

Continue reading below ↓

Nakakaantig ang tweet ni Jillian Robredo, “Since I was 12, I’ve been looking forward to the day where my Ates and I have Mama all to ourselves again, but I guess that would have to wait.

“Mama, I’ve never been more proud to be your daughter. Happy I get to cast my vote for you this time around.”

Siyempre, meron ding nagmumura sa fuchsia pink… Putcha Pink!!!

GORGY RULA

Huwag munang magpapaniwala sa mga nasasaksihan nating nag-file ng kanilang Certificate of Candidacy.

Marami kasi ang naintriga sa nagmumurang kulay pink na dala ni VP Leni. Ang sabi ng ilan, “magenta 'yan!”

Hindi mai-post ng iba ang fuchsia pink dahil hindi sila sure sa tamang spelling nito.

Pero ang daming nagugulumihanan, bakit iniwan na ni VP Leni ang kulay dilaw, pati ang partido nito.

Kaya abangan ang mga susunod pang magaganap, na malamang matatalo ang mga sinusubaybayang teleserye sa mga susunod na twist ng kuwento.

Continue reading below ↓

Samantala, natutuwa ang Eraserheads fans dahil aabangan daw ang kanilang reunion.

Di ba, sabi ni Ely Buendia, magkakaroon ng reunion concert kapag tatakbong Pangulo si VP Leni?

HOT STORIES

We are now on Quento! Download the app to enjoy more articles and videos from PEP.ph and other Summit Media websites.
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Sharon Cuneta (right) to Vice President Leni Robredo: "Bise Leni, Mabuhay po kayo at para niyo na pong awa, ayusin na po natin ang buhay ng ating mga kababayan. God be with you Ma’am."
PHOTO/S: Jerome Ascano / @reallysharoncuneta on Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results