PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Mocha Uson posts photo with Robin Padilla; denies she's a mother

Party-list ni Mocha, para raw sa mga ina kahit hindi pa naman siya ina.
by PEP Troika
Published Oct 8, 2021
Parehong tatakbo sa 2022 elections ang die-hard Duterte supporters na sina Mocha Uson at Robin Padilla. Naugnay noon ang dalawa dahil sa kumalat na balitang nabuntis umano ni Robin si Mocha, pero pinabulaanan nila ito.

JERRY OLEA

“Idol Robin!”

Iyan ang caption ni Mocha Uson sa ipinost niyang litrato nila ni Robin Padilla nitong Oktubre 8, Biyernes ng hapon, sa kanyang official Facebook page.

Ngayon na lang uli nag-post si Mocha ng litrato nila ni Robin, na kagaya niya ay masugid na supporter ng Presidente Rodrigo Roa Duterte.

Kung si Robin ay tatakbong senador, si Mocha ay first nominee para sa party-list na MOCHA (Mothers For Change).

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Pasakalye ni Mocha nitong Biyernes ng dapithapon sa Facebook nang ipaliwanag ang party-list na tatakbuhan niya: “Hindi naman ako INA? Wala akong asawa, wala akong anak.. Tama po kyo... Pero meron akong INA... si DRA. Estrellita J. Uson.”

Pagkatapos ng ilang oras ay may dagdag paliwanag si Mocha sa kanyang pagtakbo, at iyon muli ang kanyang pasakalye.

Matatandaang bago nagtapos ang 2020 ay natsismis na nabuntis ni Robin si Mocha. Itinanggi iyon ni Mocha, maging ng asawa ni Robin na si Mariel Padilla.

Hindi ni-repost ni Robin ang litrato nila ni Mocha. Bagkus, ni-repost ni Robin sa Facebook ang pagsuporta sa kanya ni Mariel at ng iba pang naniniwala sa kakayahan niya.

Post ni Mariel sa Facebook at Instagram nitong Friday night kaugnay sa kanyang asawa: “Robin is not hungry for money or power. He is at a point in his life wherein he just wants to make a difference.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“Put action to all his complains. Speak for the muslims. Behind you, beside you and with you all the way @robinhoodpadilla”

GORGY RULA

Lahat ay may karapatang tumakbo. Pero kailangan lang mag-ingat at baka madapa.

Hindi ko na pansin ang mga tumaas ang kilay kung bakit Mothers for Change, kung hindi pa naman siya ina. Para maisingit lang talaga ang Mocha.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Pero mas marami ang tumaas ang kilay at nagtataka bakit sumali riyan si Michele Gumabao.

Dating congressman ang ama niyang si Dennis Roldan, at siguro si Michele ang nagmana sa kanya.

Ang dami pang bagong party-list ang nag-file sa Comelec. Bahala na ang taumbayan.

Hay, buhay!

NOEL FERRER

Tama ka, Tito Gorgy! Lahat naman ay may karapatang tumakbo. Pero sana, may minumum test.

Kung driver nga, bago ka magkalisensiya, kailangang may driving test. O bago ka maging doktor, may medical board.

Sana may minimum requirement ang mga mambabatas na dapat may alam sa batas at parliamentary procedures para hindi sila nag-o-on the job training.

Oh well, bahala na ang mga tao na pumili, pero sorry, wala sa listahan ko ang party-list ni Mocha o mga gustong maging mambabatas na kasamang nagpapahirap at nanloloko sa ating mga Pilipino—at ang pinaglilingkuran ay ang kanilang amo at hindi ang nakararaming taumbayan.

Sorry.

HOT STORIES

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Parehong tatakbo sa 2022 elections ang die-hard Duterte supporters na sina Mocha Uson at Robin Padilla. Naugnay noon ang dalawa dahil sa kumalat na balitang nabuntis umano ni Robin si Mocha, pero pinabulaanan nila ito.
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results