PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Alden Richards on father's dream for him to get a college degree

Ano ang kursong nais aralin ni Alden Richards sa kolehiyo?
by PEP Troika
Published Oct 15, 2021
Alden Richards on what course he wants to take up in college: "Ang gusto ko kasi i-major is Business Economics, like stock market. Anything that involves yung ekonomiya ng isang bansa."
PHOTO/S: @aldenrichards02 Instagram

GORGY RULA

Muling pumirma ng exclusive contract si Alden Richards sa GMA-7, at idineklara niyang mananatili siyang Kapuso hanggang sa katapusan ng kanyang career.

Hindi pa naibabahagi kung ano ang susunod niyang proyekto sa Kapuso network, pero sa ngayon ay masaya at proud si Alden sa The World Between Us na tinatapos na nila ang taping.

Definitely, tuloy ang pelikulang gagawin nila ni Bea Alonzo.

Pero ang isa pa raw sanang gustong matupad ng Asia’s Multimedia Star ay ang makapagtapos ng pag-aaral.

"Ang gusto ko pang ma-add sa ginagawa ko is to finish school. I’ve been working on [it] lately. I’ve been studying and collecting data kung magkaroon man ako ng free time is to really finish school," pakli ni Alden.

"Ang gusto ko kasi i-major is Business Economics, like stock market. Anything that involves yung ekonomiya ng isang bansa. It’s very interesting to see.

"Parang with those knowledge kasi, I will know that my country and other countries are performing well. Isa yun sa mga plans ko in the near future."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Ang sabi pa ni Alden, natupad ang pangarap ng pumanaw niyang ina na si Rosario Faulkerson na maging artista siya.

dNgayon naman ay gusto raw niyang sundin ang hiling ng daddy niyang si Richard Faulkerson Sr. na mabigyan ito ng diploma.

"Kung yung mom ko po is yung dream niya sa akin is to be successful in the field of entertainment, yung dream naman ng diploma is for my dad. Siya naman ang may gusto.

"RJ po kasi ang tawag niya sa akin. Sabi niya, 'J, kahit anong mangyari, tapusin mo ang pag-aaral mo.’

"Ako naman, bilang anak na mahilig mag-fulfill ng dreams ng magulang, ibigay ko na sa ‘yo," napapangiting pahayag ni Alden.

Noon pa man ay naniniwala ang aktor na sumunod ka lang sa magulang at mga mahal sa buhay, hindi ka maliligaw at mapapahamak.

"Anything you do, and you do it for your family and your loved ones, and you put the Lord in it, you will be successful in that field," saad ng Kapuso actor.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

NOEL FERRER

Nasabi pa ni Alden, "Loyalty begins with gratefulness and ends with gratefulness.

"Kasi our life is made up of choices, and no matter what choices we make, when it comes to loyalty, we just always have to be grateful to the people who have been there, that helped us, that guided us, that’s been [part] of our journey.

"So, parang with that kind of attitude, there’s no mistake na dun, e. Wala ka nang pagkakamali dun, e.

"The thing is that you are grateful. And even though that you are saying goodbye to them, you are still grateful to those people.

"So, I think loyalty begins and ends with gratefulness po."

Ang galing at parang pang-Hallmark card ang quote na ito.

Pero ano kaya ang katumbas sa entertainment ng quote sa politika na “My loyalty to my party ends when my loyalty to my country begins."

Ito ba ang masasabi ngayon ng isang Kapuso rin na si Manny Pacquiao?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

JERRY OLEA

Beinte-nuwebe anyos na si Alden. Marami na siyang naranasan at natutunan sa buhay, kaya keribel niyang magpakawa ng quotations na mala-Hallmark.

Mula sa puso, tagos sa puso.

Nakakatuwa na pangarap niyang makapagtapos ng pag-aaral. Nasa time management iyan.

Napagsabay ng ibang artista ang career at pag-aaral, basta handa kang magsakripisyo.

Kung iwawaksi ni Alden ang gaming, magkakaroon siya ng panahon para sa pag-aaral, pati na sa pag-ibig.

Sa edad ni Alden, gusto na rin siguro ng kanyang ama na magkaapo rito.

Ano ba ang ideal marrying age para sa isang katulad ng Asia’s Multimedia Star?

Aba! Sina Maine Mendoza at Arjo Atayde, lalong tumitibay ang pagmamahalan. Any moment, magkakaroon na ng pamamanhikan!

Sa kabilang banda, isang buwan na lang at matutunghayan na natin muli ang teledramang The World Between Us sa GMA Telebabad.

Gaya ng nasabi ko before, inaasam ko na mag-guest dito si Bea Alonzo para masubukan ang chemistry nila.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

HOT STORIES

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Alden Richards on what course he wants to take up in college: "Ang gusto ko kasi i-major is Business Economics, like stock market. Anything that involves yung ekonomiya ng isang bansa."
PHOTO/S: @aldenrichards02 Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results