PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Actress turns down Rita Avila's role in Walker

Rita Avila, hindi alintana kung second choice lang siya sa Walker.
by PEP Troika
Published Oct 20, 2021
Rita Avila on vulgar words in her dialogue as Dolores in the movie Walker: Actually, nakaka-excite. Kasi, yun yung… para sa isang artista, ang gumanap ng isang karakter na malayo talaga sa tunay na buhay, yun talaga yung challenge, di ba?... Kasi, yung bastos talaga na hindi ko naman talaga sinasabi araw-araw, ganyan!”
PHOTO/S: @msritaavila on Instagram

JERRY OLEA

OK lang kay Rita Avila kung second choice man siya para gumanap na Dolores sa pelikulang Walker, na ididirek ni Joel Lamangan.

Nawindang kasi ang unang aktres na kinausap sa mga linya ni Dolores sa script, kung saan namumutiktik iyon ng mga mura at salitang kanto gaya ng k*nt*t.

Si Dolores ay dating prosti. Nang mabiyuda, napilitan siyang ibugaw ang kanyang mga anak.

“Matagal-tagal akong hindi gumawa ng pelikula!” excited na bulalas ni Rita sa virtual storycon nitong Oktubre 19, Martes ng gabi.

“Nagtataka na nga ako kung bakit hindi ako naka-cast. Pero… parang bagyo naman ang sagot ng Diyos sa dasal ko.

“Kaya pagtawag sa akin ni Direk Joel, ni hindi ko na natanong kung ano yung role ko. Kasi, parang… Direk Joel, may pelikula! Ha! Ha! Ha! Ha!

“Alam ni Direk Joel yun, naka-book ako for a vacation pero inisip ko, ‘Ano, kung nakahiga ako sa buhangin, e, anong klaseng konsensiya meron ako na pinakawalan ko ang napakagandang script at mga co-stars ko.’ At yun na nga, Direk Joel pa!”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Gaganap bilang mga anak ni Rita sa Walker sina Sunshine Dizon, Elora Españo, Alex Agustin, at Barbara Miguel.

Nasa cast din ng pelikula sina Allen Dizon, EA Guzman, Dave Bornea, Tabs Sumulong, Jim Pebanco, Dincent Lujero, Rico Barrera, AJ Oteyza (dating Neil Suarez), at Dorothy Gilmore.

Handa na ba si Rita na banggitin ang malulutong na dialogue sa script ng Walker na isinulat ni Troy Espiritu?

Nakangiting tugon ni Rita, “Kailangang banggitin. Actually, nakaka-excite. Kasi, yun yung… para sa isang artista, ang gumanap ng isang karakter na malayo talaga sa tunay na buhay, yun talaga yung challenge, di ba?

“Kaya okey na okey sa akin. May mga iba na natatawa ako. Yung iba, talagang tinatandaan ko.

“Kasi, yung bastos talaga na hindi ko naman talaga sinasabi araw-araw, ganyan!” natatawang saad ng aktres.

GORGY RULA

Paglilinaw ni Direk Joel kaugnay sa aktres na tumanggi sa papel ni Dolores, “Hindi pa siya naka-cast noon. Wala pang naka-cast.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“Pinag-aaralan pa kung sino yung mga tao. Isa siya sa mga natanong. Pero hindi pa siya naka-cast, natanong pa lang.

“Natanong pa lang. Ang isang limitasyon niya, hindi niya masabi iyong ibang sasabihin nung karakter.

“Ibig sabihin nun, hindi niya naiintindihan na hindi naman siya yung nagsasalita dun kundi yung karakter.

“Ibig sabihin, mababaw siya!”

Naku! Mahigit apat na dekada nang artista ang nasabing aktres, at ilang beses na siyang nagkamit ng tropeyo! Mababaw pala siya?

“Mababaw nga! Mababaw. Kasi, hindi niya naiintindihan. Hindi naman siya yun, e!” pagdidiin ng multi-awarded director.

“Hindi niya naiintindihan na hindi naman siya ang nagsasalita kundi yung karakter. Gumaganap lang siya.

“Kaya nga nag-aakting. Kaya nga ang sabi, AKTING!

“Diyos ko, sinasabi naman talaga yun! Sinasabi naman talaga yung mga salitang yun doon sa neighborhood na ganun.

“Sinasabi naman talaga sa mga squatter na pagkahihirap, wala namang ibig sabihin yun. Yun talaga ang sinasabi nila.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

“Sinasabi nila, k*nt*t! O, yun nga… ayaw daw masabi yung k*nt*t! O?! E, karakter yun, e! Hindi naman siya.

“Kaya tinanggal na lang siya. Huwag na siya!”

Tawang-tawa ang line producer na si Dennis Evangelista sa hanash ni Direk Joel.

Sabi pa ng beteranong direktor, “Bakit?! Totoo naman!”

NOEL FERRER

Wow, bakit ba ganyan, mga Ka-Troiks? Sayang naman ang opportunity sa aktres na yun.

Her loss is Rita’s gain!!! So… go, go, Rita!!!

Magandang reunion ninyo ito ni Direk Joel Lamangan na nagdirek sa iyo sa The Flor Contemplacion Story (1995) at Muling Umawit ang Puso (MMFF 1995).

Aabangan natin ang pelikulang ito!

HOT STORIES

Use these Klook promo codes when you shop or order online. Marami pang ibang coupons dito.

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Rita Avila on vulgar words in her dialogue as Dolores in the movie Walker: Actually, nakaka-excite. Kasi, yun yung… para sa isang artista, ang gumanap ng isang karakter na malayo talaga sa tunay na buhay, yun talaga yung challenge, di ba?... Kasi, yung bastos talaga na hindi ko naman talaga sinasabi araw-araw, ganyan!”
PHOTO/S: @msritaavila on Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results