GORGY RULA
As of last week, No. 2 na sa iTunes ang bagong single ng Kapuso actor-singer na si Kelvin Miranda na "Slow Dance."
Natawa si Kelvin nang tinanong ko kung itong "Slow Dance" ba ang pantapat niya sa hit single nina Daniel Padilla at Moira dela Torre na "Mabagal."
Napakinggan ko sa Spotify ang "Slow Dance" at iba ito sa "Mabagal" dahil may pagka-dreamy ballad ang kanta ni Kelvin.
Nagpapasalamat ang Kapuso actor sa tuluy-tuloy na magagandang projects na ibinibigay sa kanya ng GMA-7.
Pagkatapos siyang ilunsad sa The Lost Recipe katambal si Mikee Quintos, nasundan agad ito ng maganda ring project na Stories From The Heart: Loving Miss Bridgette katambal si Beauty Gonzalez.
Pawang magagandang feedback ang nakakarating sa kanya, lalo na raw ang mga tita niya na gustung-gusto ang naturang mini-series. Kaya ang latest ngang balita ay magkaka-book two raw ito.
“Ang daming nagsasabing gusto nila ng book two, kahit yung mga tita ko,” pakli ni Kelvin nang nakatsikahan namin sa virtual mediacon ng GMA Music nung nakaraang linggo.
“Naabot ko rin yung standards nila, yung expectations nila, na-meet. Hindi lang sa kaedad ko, sa mas higher na age, nanood din ng Loving Miss Bridgette.
"Kaya nakakatuwa dahil pati sila, nakikilala ako bilang si Marcus.
“Sana, bigyan kami ng chance ng management na magkaroon ng book two para sa mga taong humihiling ng pangalawang libro.”
Obvious na mas tinanggap ang tambalan nila ni Beauty kesa sa kanila ni Mikee sa The Lost Recipe. Pero ayaw niyang pagkumparahin ang dalawa dahil sa GTV, ang sister network ng GMA-7, ipinalabas ang sa kanila ni Mikee.
Pero nagpapasalamat si Kelvin sa bumuo ng The Lost Recipe dahil iyon daw ang nagbigay sa kanya ng magandang break sa TV.
Saad ng Kapuso actor, “Thankful naman ako na yun ang kinalabasan na sinasabi nilang mas nag-hit o mas nag-click kami ni Beauty.
“Siguro po, ang nakikita kong rason, yung dati po naming palabas, e, nasa GTV siya, hindi lahat ng tao napapanood siya, kasi limited lang po yung mga GTV channels.
“Siguro yun lang po ang malaking reason.”
Base sa mga sagot ng mga napagtanungan namin, mukhang tuloy na ang book two ng Loving Ms. Bridgette sa Stories From the Heart.
Tuluy-tuloy na si Beauty sa Kapuso network dahil may isa pa siyang series na gagawin kung saan ay makakatambal niya ang isa sa pinakamalaking Kapuso actor.
NOEL FERRER
Naninibago pa rin hanggang ngayon si Kelvin dahil pang-leading man na raw ang trato sa kanya.
“Na-overwhelm po ako, kasi parang tinawag na talaga nila akong leading man. Parang nalilito pa ako na dapat bang tawagin nila akong leading man o actor…parang nagkaroon ako ng confusion.
“Medyo nag-adjust po ako sa part na yun, kasi simula talaga yung mga role ko, e… nagsimula ako sa mga characters talaga, then support.
“Dun po siguro ako na-overwhelm na ako na talaga ang bida. Nagugulat po ako pag nakatanggap ako ng trabaho na 'Ikaw yung leading man.' 'Talaga lang? Sige po…' parang ganun.”
Sana, with this supposedly hit teleserye, mas maging confident na si Kelvin sa kanyang premium.
JERRY OLEA
If ever, matatagalan pa iyang Book 2 ng Loving Miss Bridgette dahil makikipagtambal muna si Beauty sa sikat ng Kapuso actor.
Good luck kay Kelvin. Sana’y ma-sustain niya ang momentum sa mga susunod na project.
Nagkakaroon na siya ng sariling identity, hindi basta look-alike lang nina James Reid, Daniel Padilla, at Alden Richards.
Use these Nike promo codes when you shop or order online. Marami pang ibang coupons dito.
