GORGY RULA
Masaya ba kayo sa exclusive interview ni Jessica Soho kay Kylie Padilla na napanood sa Kapuso Mo, Jessica Soho nitong Oktubre 24, Linggo ng gabi, sa GMA-7?
Mukhang inabangan ng karamihan ang interbyung ito dahil mataas ang rating ng programa. Nakapagtala ito ng 18.5%, na mas mataas kumpara noong nakaraang Linggo (October 17), na nakakuha ng 17%.
Ang hinihintay ng iba ay talagang pasabog ang mga isisiwalat ni Kylie, pero hindi niya ito ginawa.
Walang binanggit na pangalang na-involve kay Aljur Abrenica, at obvious na pinuproteksyunan pa rin ni Kylie ang ama ng kanyang mga anak.
Marami rin ang pumuri dahil nagpakita raw si Kylie ng maturity kung paano niya na-handle ang problema nila ni Aljur.
Gusto pa rin daw niyang manatili silang magkaibigan para hindi maapektuhan ang kanilang mga anak na sina Alas at Axl.
Kahit si Aljur ay hindi na rin daw magsasalita pagkatapos nitong magbigay ng statement sa nakaraang presscon ng pelikula niyang Manipula.
Sinubukan ko pa ring tanungin si Aljur pagkatapos ng presscon, pero tumanggi na ang aktor. Hindi na raw talaga siya magsasalita.
Nabanggit ko rin sa kanya na nakapag-tape ang The Boobay and Tekla Show ng interview kay Kris Bernal, at nagbigay raw ito ng komento tungkol kay Aljur. Pero ayaw na itong pansinin ng aktor.
Abala naman siya sa trabaho, at ganun din si Kylie.
Patuloy ang pagpu-promote ni Kylie sa social media ng GL series nila ni Andrea Torres sa WeTV na BetCin, at hinihintay na lang kung ano ang teleseryeng gagawin niya sa GMA-7.
Na-excite nga siya sa IG post ni Direk Mark Reyes na kung sakaling gagawin ng GMA-7 ang Pinoy adaptation ng K-drama na My Name, bagay na bagay raw si Kylie ang gumanap sa lead character.
So, mabuting sa trabaho na sila mag-focus at manahimik na sa isyu nilang mag-asawa para matapos na ito.
JERRY OLEA
Nakaka-touch ang Instagram post ni Kylie noong Sabado, kung saan sinamahan siya ng panganay na si Alas sa pagme-meditate.
Noong araw ring iyon ay nag-mediacon naman si Aljur para sa pelikulang Manipula.
In-address lang ni Aljur ang “Breaking Silence” post niya, at kapagkuwan ay nagsabing mananahimik na siya kaugnay sa isyu.
Kahapon na ipinalabas ang Kapuso Mo, Jessica Soho ay nag-post si Kylie sa IG:
"Excited for things that are coming! Life is good and I’m thankful for every single lesson. Ready to close this door and open new ones."
Alin kayang project ang mas tatangkilikin ng mga tao—ang BetCin ni Kylie with Andrea Torres, o ang Manipula ni Aljur with Ana Jalandoni?
Puwede kayang magsama-sama sa isang pelikula sina Kylie, Aljur, at AJ Raval? If ever, may maisa-suggest ba kayong title?
NOEL FERRER
SHHHHHHH… SHUT UP! NO MORE TALKING. DON’T WASH YOUR DIRTY LINEN IN PUBLIC.
At may blurb na… Think of your children, your family.
#EnoughSaid
Use these Shopee vouchers when you shop or order online. Marami pang ibang coupons dito.
