PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Kylie Padilla on why she ended her marriage to Aljur Abrenica

Kylie on split with Aljur: "Yung cheating was just the last straw."
by James Patrick Anarcon
Published Oct 25, 2021
Kylie Padilla on why she broke up with husband Aljur Abrenica: "I felt, like, for the longest time, I felt alone from the marriage. Yung cheating was just the last straw, ang daming nangyari."
PHOTO/S: Kapuso Mo, Jessica Soho (GMA-7) / @ajabrenica on Instagram

Isa-isang sinagot ni Kylie Padilla, 28, ang mga paratang sa kanya ng estranged husband na si Aljur Abrenica, 31.

Inamin ni Kylie na totoong siya ang nag-initiate na makipaghiwalay kay Aljur matapos ang dalawang taon at apat na buwang pagsasama bilang mag-asawa.

Pero wala raw katotohanang niloko niya si Aljur noong sila pa.

Sa panayam ng veteran broadcaster na si Jessica Soho kay Kylie sa Kapuso Mo, Jessica Soho, na ipinalabas gabi ng October 24, sinagot ni Kylie lahat ng katanungan ng publiko tungkol sa kanilang paghihiwalay ni Aljur.

Ayon kay Jessica, si Kylie mismo ang gustong magkuwento ng kanyang pinagdadaanan, na siyang tinugunan naman ng Kapuso actress.

Paliwanag niya, “Yes, yung lumabas na statement, medyo nagulat din ako. It’s unfair.

“I don’t have a say because I was part of the marriage, dalawa kami. Gusto kong matapos yung nangyari sa amin na friends kami, but parang nag-iiba ata ang ihip ng hangin.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Ang tinutukoy na statement ni Kylie ang Facebook post ni Aljur noong Martes, October 19.

Inudyok ni Aljur na magsabi raw si Kylie ng totoo: kung sino ang unang nag-cheat at nanira ng kanilang pamilya.

Ayon kay Jessica, “medyo mabigat” ang mga salitang binitiwan ni Aljur.

Ngayon, si Kylie naman ang nagsalita ng saloobin niya.

Pahayag ni Kylie: “Ang dami kong puwedeng sabihin na ikakasira niya because we were both in the marriage.

"But I choose to keep quiet na lang about the details. Hindi naman makakatulong sa amin, e.

“He knows what he did wrong and I know what I did wrong.”

“PAREHAS KAMING HINDI MASAYA.”

Ayon kay Kylie, nag-umpisa ang pinagdadanaan nila noong Pebrero 2021.

Si Kylie ang nagbukas nito sa publiko nang magsimula siyang mag-post sa Instagram ng mga matalinhagang mensahe tungkol sa mga pinagdadaanan.

Pero noong panahon daw na yun, hindi pa alam ni Kylie kung paano i-handle ang pinagdadaanan niya. Natuto na raw siya sa maling nagawa niya noong inilabas ang problema nila sa publiko.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Sabi ngayon ni Kylie, “If we do want to blame each other maybe we can do it in the right place, not in social media.

“If I say my side, hindi siya makakatulong. So, in some way, I’m still trying to protect what I can kasi ayoko talagang tuluyan nang gumulo kasi lalaki yung mga anak ko, mapapanood nila ito and ayokong makita nila.”

Ayaw na raw ni Kylie na magsisihan pa sila at magpatutsadahan sa social media dahil wala rin naman daw silang mapapala sa mga nangyayaring kaguluhan.

Ang alam lang ni Kylie, pareho na silang hindi masaya ni Aljur sa kanilang relasyon bago pa mangyari ang gulo sa social media.

Patuloy niya, “I know my truth, e. I know what I went through and I know what he went through. Ang alam ko lang, parehas kaming hindi masaya.

“And if we play the blaming game, what are we gonna get with trying to attack each other online? I mean, who is it helping?”

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Nakangiting hamon pa ni Kylie: “Let’s do it in court na lang kung gusto mo ng ganyang labanan.”

KYLIE claims she did not cheat on aljur

Aminado si Kylie na nasaktan siya sa paratang ni Aljur, lalo pa’t may mga napag-usapan na silang kondisyon.

“Na-hurt ako sobra sa sinabi niya that I wrecked the family. Hindi ko in-expect yun because we had an agreement.

“Sabay tayong magpapa-interview para at least, after nito, kahit maghihiwalay na tayo, we’re still united, inisip pa rin namin na family kami.”

Nang tanungin na si Kylie ni Jessica kung dedepensahan pa niya ang kanyang sarili, dito na sinabi ni Kylie na wala siyang ibang naging lalaki sa panahong “formally married” sila.

Paliwanag ng aktres: “In my defense, while we were formally married, I never had any extra-marital relationships with other men. That is my truth.

“Okay sana kung ginawa ko, e. I would say I’m sorry pero hindi talaga, e.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"That’s what they keep throwing at me, paano ako aabot sa bagay na hindi ko naman ginawa?

“Siyempre, when we say 'cheated,' ang unang iniisip ng mga tao, nanlalaki. Talagang in their minds ginawa ko yun, and may mga blind item that said that.

“Saan galing ang mga ito? Kasi kung totoo talaga, aamin ako. But, like, hindi talaga siya totoo, e! Natatawa na lang ako.”

Imposible raw na mangaliwa si Kylie dahil, una sa lahat, wala siyang oras at busy siya sa pag-aalaga sa bunsong anak nila ni Aljur na si Axl.

Si Axl ay one year and nine months old, habang si Alas ay four years old.

Ani Kylie, “Paano ako magkakaroon ng oras, I was breastfeeding my second?! Paano ako aalis? Kung gusto niyo ng ebidensiya, tanungin niyo mga yaya ko.

“I’m angry kasi I’m raising my children. They don’t see that. Sobrang unfair, but you have to be strong in our society din.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“Kung hahayaan ko lang na maapektuhan ako sa sinasabi nila, hindi ko mapapalaki iyong mga anak ko na sane ako and ayokong makita nila yun.

“Gaya nga ng sinabi ko kanina, humuhugot talaga ako sa kanila. Kailangang makita nila na, 'Kaya ng mom ko, kaya ko rin.'”

ON JM DE GUZMAN AND ACTRESSES LINKED TO ALJUR

Isa rin sa mga napag-usapan ang diumano'y relasyon ni Kylie at ng ABS-CBN actor na si JM de Guzman.

Unang lumabas ito noong July 2021, kung saan sinabi na rin ni Kylie sa isang Instagram comment na walang namamagitan sa kanila ni JM.

Muli itong sinagot ni Kylie sa panayam sa kanya ni Jessica.

Sagot ni Kylie dito, “Natatawa na lang din ako kasi nag-usap na kami ni JM diyan, e. Natatawa din kami.

“’Wow, paano nasabi yung pangalan ko diyan?’ ‘Di ko alam. Pasensiya na. Sorry.’”

Bago pa lumabas ang pangalan ni JM de Guzman, may ilang mga aktres na ring nadawit sa pagiging third party sa hiwalayan nina Aljur at Kylie.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Sabi lang ni Kylie tungkol dito, “There are three women that came out. Yun na lang yung sasabihin ko. Hahaha!”

Ilan sa mga pangalang na-link kay Aljur ay sina Maika Rivera, Erin Ocampo, at Cindy Miranda.

Parehong itinanggi nina Maika at Cindy na sila ang third party sa hiwalayan nina Aljur at Kylie.

Si Erin naman, bagamat walang pahayag tungkol sa pagkakadawit niya sa isyu, ay ini-reveal sa kanyang social media na siya ay may karelasyon, ang basketball player na si Henry Lloka.

Bagamat walang tuwirang sinabi si Kylie tungkol sa mga naugnay kay Aljur, tila may kinalaman ito sa desisyon niyang tapusin ang kanilang relasyon.

“It shows you a lot why I chose to end it," simpleng saad niya.

Sinundan ito ni Kylie ng pag-amin na siya ang nag-initiate na tapusin ang marriage nila ni Aljur dahil sa kung anumang tunay na dahilan ng pagkasira ng kanilang pagsasama.

"Kasi I want to grow, I want to grow as a person and I want to be a better mother. The circumstances sa marriage namin, parang feeling ko di ko magagawa yun.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“Yung sinabi niyang I wrecked the family, it’s because I decided na ayoko na and I want to be a better person. I want to be happy and I want him to be happy. Kaming dalawa yung iniisip ko when I decided that.

“And if you ask him now, he agrees. Okay yung mga nangyari kasi happy na siya, happy na ako. So, I’m confused about why he’s doing this because we both agreed.”

ON aljur's new ladylove AJ RAVAL

Hiningan din ng komento si Kylie tungkol kay AJ Raval. Si AJ Raval ang sinasabing karelasyon ngayon kay Aljur.

Unang inamin ni AJ sa PEP.ph na may espesyal silang pagtitinginan bagama’t wala pa silang pormal na relasyon.

Lumikha rin ng ingay ang pagre-repost ni AJ ng statement ni Aljur sa Facebook, pero di kalaunan ay binura rin niya ito.

Ayon kay Kylie, gusto pa niya sanang makausap si AJ.

Saad ni Kylie, “I actually wanted to talk to her kasi napagdaanan ko rin 'yan, yung bina-bash ako dahil nililigawan ako.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“I wanted to talk to her to help her out on how to handle it para maiwasan lang yung nangyari ngayon.

"But my help’s not being asked so I will not give it na lang.”

Ayon pa kay Kylie, naiintindihan niya kung ang pagtirang ginagawa sa kanya ni Aljur ay dahil sa pamba-bash sa magandang pagtitinginan nila ni AJ.

Pero sana raw ay iningatan na lang din ng dalawa ang paglalantad sa kanilang relasyon.

Sabi ni Kylie, “I totally understand kung doon sila nanggagaling kasi siyempre, siya yung bagong nililigawan, e. Naba-bash na sila.

"I’ve been on that side and I know how scary and confusing and sobrang nakakasira siya ng mental health, di ba?

“But I wish na iningatan na lang nila.

"They can’t blame me for that too because we had an agreement din that we can both see other people.

"I wish you guys are more careful. Don’t blame it on me."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

kylie: “I FELT ALONE FROM THE MARRIAGE.”

Hindi rin daw naging madali para kay Kylie na tapusin ang relasyon nila ni Aljur.

Ayon sa aktres, “last straw” na ang “cheating,” pero marami pa raw nangyaring problema sa kanilang pagsasama.

Saad ni Kylie, “The decision to end the marriage was hard on me. I believe in making it work, e.

“But I felt, like, for the longest time, I felt alone from the marriage. Yung cheating was just the last straw, ang daming nangyari.

“Which is why I can’t say kung anong lahat ng nangyaring yun because I’m trying to protect nga what I can. Mahirap sa akin, but okay, it’s enough.”

Ang pahayag din daw ni Aljur ang nag-trigger kay Kylie na mag-post ng cryptic quote sa social media na nagsasabing, "Never underestimate a man's ability to make you feel guilty for his mistakes."

Natatawang sinabi pa ni Kylie, “Oops. Napagalitan ako diyan!

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“In that moment, that was reckless for me to post that. It‘s just how I felt because sinabi niyang akong unang nag-cheat.

“It’s so unfair because people don’t know what happened. Talagang maniniwala sila and so I posted that. He’s just trying to blame me again.”

Kahit papaano raw ay naiintindihan ni Kylie na kailangan ding ipagtanggol ni Aljur ang sarili.

Lalo na't naunang nagsalita ang ama ni Kylie na si Robin Padilla na ang pagkakaroon ni Aljur ng "third party" ang mitsa ng hiwalayan ng dalawa.

Pero sana raw ay alam din ni Aljur kung paano niya dapat hinandle ang sitwasyon.

“I understand saan nanggagaling yung ex ko because my daddy cares, nakita niya na malungkot ako noong time na yun, so nakapagsalita siya.

“Naramdaman ni Aljur na kailangan niyang sabihin yung side niya, and he’s entitled [to that], pero it boils down kasi kung paano natin iha-handle yung sitwasyon, e.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“Noong pinasok nila yung sitwasyon na yun, alam naman nila kung anong sasabihin ng mga tao. Kasi on paper, we’re still married even though we’re separated. Sana iningatan na lang.”

kylie still hopes to stay friends with aljur

Kung si Kylie ang masusunod, mas gugustuhin niyang manatili silang magkaibigan. Ito raw ay para hindi maapektuhan ang dalawa nilang anak na sina Alas, 4, at Axl, 2.

Paliwanag ni Kylie, “Iniisip ko pa rin yung relationship namin as friends, e, kasi we have kids. We need to co-parent and ayokong maranasan nila na toxic yung parents nila kahit hiwalay na.

“Kung mase-save ko pa sana yung friendship namin ‘tapos tuwing magkikita kami para kunin yung mga bata, okay kami.

"Ayokong tuluyang sirain ko siya or magbatuhan kami, hindi 'yon yung gusto kong mangyari, e.

“At saka hanggang ngayon, kahit tanungin ako ng mga tao, I still want him to be happy. Sana talaga, we move forward from this and we both end up happy.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“Ayoko na ng toxic kasi pinagdaanan ko na yun when I was younger, alam ko yung pakiramdam. Gusto kong protektahan yung mga anak ko sa ganung set-up.”

Natanong din ni Jessica kung kamusta ang dalawa nilang anak, na nasa pangangalaga ngayon ni Kylie.

“They’re good. They’re happy. May mga nakakalungot na moments minsan, hinahanap nila yung tatay nila.

“Ine-explain ko na, ‘Magkikita rin kayo, don’t worry.’”

Pero kuwento ni Kylie, may mga pagkakataong nakita ng kanilang mga anak ang pagsubok na pinagdaanan nila ni Aljur.

“They witnessed some of it, the last few months of our marriage, which is also isa sa mga dahilan kung bakit nag-choose ako to end it na lang.

“Gusto ko nang iwasan na tumagal na nakikita nila yun because I don’t want them to think na normal yun sa isang relasyon.”

WAS ALJUR WORTH IT?

Binalikan din ni Jessica ang panahong kinailangang iwanan ni Kylie ang kanyang blooming career para bumuo ng pamilya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Nangyari ito noong 2017 nang mabuntis siya kay Alas. Noong panahong ito ay ginagawa ni Kylie ang Encantadia kung saan siya ang isa sa mga pangunahing bida.

Ayon kay Kylie, wala siyang pinagsisisihan sa mga desisyon niya dahil nagkaroon siya ng Alas.

Tanong ni Jessica: “Was Aljur worth it?”

Sagot ni Kylie, “We were so good during that time. Sobrang 'yon yung pinaka the best times ng relationship namin because we’ve been together for ten years and married for three.

“Pero noong mga time na yun, inalagaan niya talaga ako. Na-appreciate ko siya as a husband, as a person, lalo na during those days.”

Wala raw pinagsisisihan si Kylie sa kung anumang namagitan sa kanila ni Aljur.

Katuwiran niya: “Ayaw ko kasing gawing negative lahat, e. There were good moments din naman, e.

“And I don’t want to throw them away kasi kahit papaano, in my kids, there is still a part of their dad.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“I want to see their dad in a good way para, di ba, kapag nakikita ko yung mga anak ko, ‘Uy, tatay niyo yun, you should be proud.’”

Humanga si Jessica dahil sa tatag na ipinapakita ni Kylie kahit sariwa pa ang hiwalayan nila ni Aljur.

Pero pag-amin ni Kylie, dumaan din siya sa paghihinagpis.

“I suffered in silence, e. I suffered really bad in February which is why nakapag-post ako.

“Ayokong mag-stay doon sa suffering and pain and hate kasi lahat 'yan dinaanan ko—naglasing ako, lahat ng ginagawa ng nagmu-move on, I did it.

“But I did it in private para hindi sila [kids] gagaya.”

Aminado si Kylie na “circus” ang nangyayari sa kanila ngayon ni Aljur, lalo pa’t maraming taong nakaabang sa buhay nila.

Sabi pa niya ukol dito, “It’s really sad. Hindi naman ako puwedeng mag-complain kasi artista ako, e, and I’m on social media too... and my cryptic post.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“But tao lang tayong lahat so we gotta take what we get.”

Sa huli, hiniling ni Kylie kay Aljur na sa kabila ng lahat ay, sana, manatili silang maging mabuting mga magulang sa dalawa nilang anak.

Sabi ng Kapuso actress, “Huwag nating kalimutan to be parents sa mga anak natin and sana, ma-save pa natin yung friendship after this.

“Kung gusto nating mag-away or whatever, let’s do it in the right place, huwag na sa public. Yun lang hinihingi ko, please.”

HOT STORIES

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Kylie Padilla on why she broke up with husband Aljur Abrenica: "I felt, like, for the longest time, I felt alone from the marriage. Yung cheating was just the last straw, ang daming nangyari."
PHOTO/S: Kapuso Mo, Jessica Soho (GMA-7) / @ajabrenica on Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results