Watch Now

Pauleen Luna, pinaghandaan ang bikini body sa Amanpulo; almost 25 pounds ang nabawas sa timbang

by PEP Troika
Oct 27, 2021
Bongga ang kakatapos na Amanpulo vacation ng mag-asawang Vic Sotto at Pauleen Luna. Bukod sa instant honeymoon nila ito, nakasama rin nila ang iba pang mga kapamilya. Naipakita rin ni Pauleen ang resulta ng diet at workout niya sa kanyang sexy bikini pictures!
PHOTO/S: @pauleenlunasotto Instagram

GORGY RULA

Ngayong araw, October 27, ang balik nina Vic Sotto at Pauleen Luna, kasama ang anak nilang si Talitha, mula sa ilang araw na bakasyon sa Amanpulo.

Bago sila lumipad pabalik ng Maynila ay nakaka-text ko si Pauleen. Sinabi niya sa aming sumabay lang sila sa honeymoon ng pamangkin ni Bossing Vic na si Mara na kakakasal lang.

"Nag-honeymoon sila dito. Pero kasama kami lahat!" text ni Pauleen sa akin.

Na-enjoy ni Pauleen ang bakasyong ito dahil kasama rin ang mommy at daddy niya na parang nag-honeymoon na rin.

Pero pinaghandaan ni Pauleen itong bakasyon niya para makapag-two-piece bikini siya.

Pinadalhan ko siya ng paborito niyang empanada mula sa Casa Daza, at naloloka raw siya dahil na-tempt pa rin siyang kumain kahit isa.

"Nagda-diet kasi ako. Ayaw ko sana kumain, kasi magbi-beach kami. Dapat makapag-bikini ako!" natatawa niyang pakli.

Kaya tinodo niya ang pagwu-workout ng ilang buwan. Happy siya dahil na-achieve niya ang pagbawas ng timbang.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Almost 25 pounds ang na-lose niya kaya keri na niyang mag-two-piece bikini.

Ang dami namang natuwa at umani ng papuri at likes mula sa followers niya, kaibigan at katrabaho sa showbiz.

Pinanindigan ng EB Dabarkad ang pagiging hot momma.

JERRY OLEA

Sa totoo lang, ang mas nag-enjoy rito ay si Bossing Vic Sotto na natutuwa sa mga bonding nilang mag-anak.

Sabi ni Bossing Vic sa nakaraang mediacon ng Daddy’s Gurl, ang isa sa ikinatuwa niya ngayong pandemic ay natutukan niya nang husto ang paglaki ng anak nilang si Tali.

Ani Bossing Vic, “This is the first time na halos lahat na highlights ng isang bata ay nakita ko.

“Not like with Danica, si Oyo… nang lumalaki most of the time I was out of the house. I was out shooting, taping. Tapos si Vico, si Paulina, I wasn’t there 100 percent.

“This is the first time na naging 100 percent nakita ko yung first step, yung mga ganun—yung first word, kung ano yung una niyang nabasa, yung unang kinanta ni Tali na buo na naintindihan ko.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓


Ano ang reaksiyon ni Oyoboy? Nakaramdam ba siya ng panghihinayang na hindi nila ito na-experience nung bata sila? Nakaramdam ba sila ng selos kay Tali?

Sagot ni Oyo, “Thankful ako sa mga nangyari. Yung nangyari sa amin sa mga kapatid ko, hindi naman kami naging ganito kung hindi dahil sa mga sitwasyon na yun.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“Sa totoo, iba-iba, e. Yung mga nangyayari sa ating mga tao. Pero happy ako, kasi iba yung relationship namin ni Daddy ngayon. Mas matibay, mas masaya kami.

“Kumbaga, mas gugustuhin ko na ganito. Walang regrets, walang halong galit or inis or hate. Wala, e.

“We accepted kung ano yung nangyari sa amin, lahat ng mga kapatid ko. We’re happy na ganun, ganito ang kinalabasan.

“Maaring hindi nagkatuluyan ang nanay namin at si Daddy, pero ang importante, masaya kami ngayon kung nasaan kami,” seryosong pahayag ni Oyo Sotto na aminadong sobrang Daddy’s boy siya.

Co-stars ang mag-amang Vic at Oyo sa Daddy's Gurl kaya naroon din sa mediacon si Oyo.

NOEL FERRER

Masaya tayo at inaayos ng Diyos ang lahat… pati ang bakasyon sa Amanpulo at ang pagbubukas muli ng turismo.

Sana lang talaga, ingat pa rin tayo dahil nandiyan pa rin ang pangamba ng isa na namang surge.

Pero hindi talaga puwedeng i-rule natin ang buhay natin sa takot! Basta vaccinated tayo at sumusunod sa minimum health standard at mga protocols, harinawa’y ligtas tayo.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Balita ko nga na iaanunsyo na darating ang pagkakataon na hindi na kakailanganin ng RT-PCR Test basta bakunado na lahat!

Pero paano na ang mga bakunado ng Sinovac na tulad natin na malapit nang mag-lapse ang effectivity? Good luck na lang?

HOT STORIES

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Bongga ang kakatapos na Amanpulo vacation ng mag-asawang Vic Sotto at Pauleen Luna. Bukod sa instant honeymoon nila ito, nakasama rin nila ang iba pang mga kapamilya. Naipakita rin ni Pauleen ang resulta ng diet at workout niya sa kanyang sexy bikini pictures!
PHOTO/S: @pauleenlunasotto Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results