Paolo Contis, hindi pinanood ang second interview ni Boy Abunda kay LJ Reyes

by PEP Troika
Nov 3, 2021
Tikom-bibig si Paolo Contis sa pahayag ni LJ Reyes na "no efforts" ang aktor na mag-reach out sa partner na ngayon ay nasa New York.
PHOTO/S: @paolo_contis / @iamhearte Instagram

GORGY RULA

Ngayong tuluy-tuloy na ang taping para sa last cycle ng I Left My Heart in Sorsogon, hindi na gaanong nakakapag-check si Paolo Contis sa social media.

Wala siyang kamalay-malay na nag-trending pala siya sa Twitter noong Lunes, November 1 ng gabi.

Hindi raw niya alam kung bakit siya nag-trending sa Twitter, yun pala dahil sa post ng miyembro ng BTS na si J-Hope.

Nag-react kasi ang Pinoy fans ng BTS nang nakita ang post ni J-Hope sa isang museum kung saan may video siya ng isang sculpture na kamukha ni Paolo Contis.

Ang akala ng fans ay si Paolo yun at sangkatutak ang comments gamit ang hashtag #PaoloContis.

Natawa na lang ang Kapuso actor nang may nagkuwento nito sa kanya. Hindi raw niya alam yun, at hindi rin niya kilala kung sino ang nasa sculpture.

Nag-post tuloy si Paolo sa Facebook at Instagram nitong Nobyembre 2, Martes, kung saan ginaya niya ang pose ng sculpture.

Continue reading below ↓


Pagdating sa social media ay maingat pa rin si Paolo. Nag-a-IG Live siya paminsan-minsan na madalas ay kuha sa taping ng I Left My Heart in Sorsogon.

Kahit ang huling interview ni Kuya Boy Abunda kay LJ Reyes ay hindi niya pinanood para wala raw siyang masabi sakaling hingan siya ng reaksiyon.

Continue reading below ↓

Sinabi ni LJ sa panayam na iyon na "no efforts" si Paolo para makausap siya matapos ang kontrobersiyal nilang breakup noong Agosto.

Malapit na ang airing sa GMA Telebabad ang I Left My Heart in Sorsogon, at maaring mauungkat na naman ang isyu pagdating ng promo.

Alam naming keri ni Paolo harapin ang isyu, pero sabi nga nila, "No talk, no mistake."

Marami raw puwedeng pag-usapan sa bagong drama series nila nina Heart Evangelista at Richard Yap.

Sobrang proud si Paolo sa I Left My Heart in Sorsogon, dahil ang ganda raw talaga ng kuwento at nakakamangha raw ganda ng Sorsogon, na ipinagmamalaki ng first lady ng Sorsogon siyempre na si Heart.

Nagpapasalamat silang lahat sa assistance ng Sorsogon Tourism Office, kaya napadali at naging smooth ang taping sa naturang bayan.

JERRY OLEA

Dapat nang ipalabas ang I Left My Heart In Sorsogon ngayong Nobyembre sa GMA Telebabad. Kandidato kasi si Richard Yap bilang representative ng North District ng Cebu City.

Continue reading below ↓

Sa teaser ng nasabing Kapuso series, mukhang si Paolo talaga ang leading man dito ni Heart.

Sorsogon ang setting nito, hindi Baguio. Friends talaga sina Heart at Paolo na parehong matagal na sa showbiz, ngunit ngayon lang nag-partner sa isang romantic series.

Looking forward tayo kung makakatambal din ni Paolo si Beauty Gonzalez. Ano kaya ang magandang project para sa Beauty-Contis tandem?

NOEL FERRER

Akala ko, pagkatapos matalo ni Richard Yap sa 2019 mid-term elections ay nag-shift gears na siya at balik-showbiz na totally.

Oh well, to each his own reason. At least Heart will enjoy great visibility when the teleserye finally shows.

Hindi man siya makapag-ikot ng buong Pilipinas para sa asawang si Chiz na tumatakbong senador, at least ay visible siya ulit sa TV.

HOT STORIES

Use these Lazada vouchers when you shop or order online. Marami pang ibang coupons dito.

We are now on Quento! Download the app to enjoy more articles and videos from PEP.ph and other Summit Media websites.
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Tikom-bibig si Paolo Contis sa pahayag ni LJ Reyes na "no efforts" ang aktor na mag-reach out sa partner na ngayon ay nasa New York.
PHOTO/S: @paolo_contis / @iamhearte Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results