Paolo Contis at Richard Yap, may cryptic statement kaugnay ng kinahaharap nilang mga isyu

by PEP Troika
Nov 5, 2021
paolo contis richard yap
Sa gitna ng kontrobersiya na nauugnay sa personal na buhay nina Paolo Contis (left) at Richard Yap (right), ang leading lady nila na si Heart Evangelista ay may opinyon: "For me, sa lahat na mga public figure, I think it’s important na whatever it is, good or bad, na lumabas, people will understand na you are a person, and you are real."

GORGY RULA

Sa katatapos lang na virtual presscon ng I Left My Heart in Sorsogon, mahigpit na ipinagbiling walang intrigang itatanong sa dalawang leading men ni Heart Evangelista na sina Paolo Contis at Richard Yap.

Parehong nahaharap sa mainit na isyu ang dalawang lead actor—si Paolo sa hiwalayan nila ni LJ Reyes at si Richard sa alleged paternity issue ng nagpakilalang anak umano niya.

Kaya pinagbigyan namin ang pakiusap ng taga-GMA CorpComm na iwasan ang mga isyung hinaharap nila.

Pinagtawanan na lang ni Paolo ang tungkol sa nag-trending siya kaugnay ng tweet ng BTS member na si J-Hope.

Tinanong ko si Paolo kung nae-enjoy ba niya ang kasikatang ito na lahat na galaw niya o kahit anong ipinu-post niya sa social media ay inaabangan at pinapansin ng netizens.

Sagot niya, "As an actor, siyempre mas gusto natin na kung mag-trend ka dahil sa acting ko. Kung ma-bash ka dahil sa acting ko, di ba? Kasi, artista ako, e.

Continue reading below ↓

"Naniniwala ako na we shoud be judged by our profession. Kung mali akong umarte, bilang artista kung pangit ang acting ko, dun niyo ako madya-judge. Kung maganda, 'yon yung maganda.

"Kung nai-enjoy ko siya… hindi naman nai-enjoy. Pero naninibago ako to be honest.

"Kahit anong galaw mo, napapansin siya, nama-magnify siya. So, naninibago ako. Pero sabihing nae-enjoy ko siya, hindi naman.

"Pero tanggap ko ba siya? Yes. I know it’s part of the job. I know it’s ano…

"Again, mas natutuwa ako at mas matutuwa ako tuwing ang napapansin ay ang magandang ginawa mo sa trabaho."

Ito sana ang inaasahang mapansin ni Paolo sa I Left My Heart in Sorsogon dahil gustung-gusto niya ang project at proud siya sa role niya rito bilang si Mikoy.

Kaya tingnan natin kung mapupuri ba natin ang ginawa ni Paolo sa bagong drama series na ito ng GMA-7 na magsisimula na sa November 15, Lunes, pagkatapos ng 24 Oras.

Continue reading below ↓

NOEL FERRER

Dahil kontrobersiyal ang ibang kasama sa I Left My Heart In Sorsogon, lumutang ulit sa pamamagitan ng Ka-Troika nating si Tito Gorgy ang palasak na kasabihang “good or bad publicity is still publicity.”

Pahayag ni Richard Yap, "I guess kahit ano namang issue or whatever, good or bad publicity, yun nga, it means you’re still relevant.

"Kasi nga, kung wala nang pumapansin sa ‘yo, ibig sabihin, hindi ka na naiisip ng mga tao.

"So, I guess, whatever it is, it’s still publicity."

Nagbigay naman si Heart Evangelista ng kanyang opinyon sa tanong na yun.

Aniya, "For me, sa lahat na mga public figure, I think it’s important na whatever it is, good or bad, na lumabas, people will understand na you are a person, and you are real.

"As long as you’re, you know, you are honest of who you are.

"And I feel na at the end of the day, wala naman tayong ideal na role model because perfection is not of this world. Am I right?

Continue reading below ↓

"So, I think, as an artista, I’ve gone through my fair shares also and all of us have gone through our fair shares.

"It’s important that we are just true to ourselves and kung ano ang dapat tularan sa amin is how we will be able to carry on and ride the waves as they crashed into us because this is the real world, this is real life."

Basta sa huli’t huli, matuto tayo sa ating buhay.

Kung may kontrobersiya man, harapin head on. Even silence is an answer…

Pero hindi dapat ito tinatakasan. Pinipili ang mga laban, sa akin lang naman.

JERRY OLEA

Magtatapos ang Kapuso prime-time series na Legal Wives sa Nobyembre 12, Biyernes. Ang kapalit nito umpisa Nobyembre 15, Lunes, I Left My Heart In Sorsogon?!

Where does that leave The World Between Us? Bago mag-season break ang prime-time series nina Alden Richards at Jasmine Curtis-Smith, ini-announce na Nobyembre 15 magpapatuloy ang kuwento nito.

Continue reading below ↓

So, malamang na naurong ang pagpapatuloy ng kuwento ng The World Between Us. Sa Nobyembre 22 na ba ito mapapanood?

At sakaling magbalik na ito, saang timeslot ito ipupuwesto?

At ang umiinit na To Have and To Hold nina Carla Abellana, Rocco Nacino, at Max Collins, will it hold onto its timeslot sa pagbabalik ng epic teleserye ni Alden? Abangan natin ang mga kasagutan!!!

HOT STORIES

We are now on Quento! Download the app to enjoy more articles and videos from PEP.ph and other Summit Media websites.
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Sa gitna ng kontrobersiya na nauugnay sa personal na buhay nina Paolo Contis (left) at Richard Yap (right), ang leading lady nila na si Heart Evangelista ay may opinyon: "For me, sa lahat na mga public figure, I think it’s important na whatever it is, good or bad, na lumabas, people will understand na you are a person, and you are real."
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results