Imelda Marcos, ginawang punchline sa Dynasty; imahe ng dating First Lady, hindi dapat i-romanticize

by PEP Troika
Nov 5, 2021
former first lady
Higit sa pamosong shoe collection at marangyang pamumuhay ni dating First Lady Imelda Marcos, naharap ang pamilya Marcos sa mga kaso ng pang-aabuso nang ipatupad ng dating diktador na si Pangulong Ferdinand Marcos Sr. ang batas militar sa Pilipinas noong panahon ng panunungkulan nito.
PHOTO/S: YouTube

JERRY OLEA

Nabanggit si dating First Lady Imelda Marcos sa Dynasty.

Sa pag-uumpisa ng Episode 6 (“A Little Father-Daughter Chat”) ng fourth season ng American TV series na Dynasty, nasa bedroom ang mag-asawang Fallon (Elizabeth Gillies) at Liam (Adam Huber).

Himutok ni Fallon, “Well, I can’t go in today. I have nothing to wear.”

Sagot ni Liam, “You have more clothes and shoes than Imelda Marcos.”

Kaswal na sabi ni Fallon, “Well, I don’t know who that is but if we were the same size, I would love to raid her closet.”

Nitong Oktubre 22 nag-umpisang mag-streaming sa Netflix ang Season 4 ng Dynasty.

Last year ay pinag-usapan ang pagbanggit kay Madame Imelda sa Episode 3 (“Fairytale”) ng Season 4 ng The Crown, na Nobyembre 15, 2020 nag-umpisang mag-streaming sa Netflix.

NOEL FERRER

Sana, mas marami pang mga makatotohanang depiction ng Marcoses ang maipalabas, at hindi lang yung nagro-romanticize sa kanila.

Continue reading below ↓

Hindi lang yung ginagawa silang nakakaaliw.

Si Imelda ay asawa ng yumaong diktador at Presidente Ferdinand Marcos Sr.

Sana, meron ding platforms na maiparamdam sa pamilya Marcos ang balik ng mga taong namatayan, nanakawan o napatahimik habang sila ay nagpakasasa sa poder.

Sana talaga.

[Higit sa pamosong shoe collection at mga alahas ni Imelda, naharap ang pamilya Marcos sa mga kaso ng pang-aabuso nang ipatupad ni dating Pangulong Marcos ang batas militar noong September 21, 1972. Tumagal iyon hanggang January 17, 1981.

Bagamat 1981 ang official lifting ng martial law, nanatili ang mga Presidential Decrees ni Marcos hanggang 1986.

Tuluyang nabuwag ang diktadurya ni Marcos dahil sa makasaysayang EDSA Revolution o People Power noong February 22 to 25, 1986.

Mula 1972 hanggang 1981, ayon sa 1982 report ng Amnesty International, 70,000 katao ang ikinulong, 34,000 ang tinorture, at 3,240 ang pinatay sa Pilipinas.

Ang Amnesty International ay isang non-profit global movement ng mahigit 7 milyong kataong nangangampanya para sa isang mundo kunsaan ang human rights ay tinatamasa ng lahat.]

Continue reading below ↓

GORGY RULA

Hindi na ako nagulat nang nabanggit sa ganung drama series si Imelda Marcos.

Naaliw lang ako sa buwelta ni Fallon na hindi pa rin niya kilala ang dating First Lady ng Pilipinas.

Itong Dynasty ang nagmulat sa karamihan sa atin sa soap opera, at hanggang ngayon ay ganun pa rin ang look nito na nagpapakita ng magarbo at ekstrabagansyang pamumuhay, at na-associate pa riyan si Imelda.

Sa mga sumubaybay noon ng Dynasty, na kasabayan pa noon ang Falcon Crest at Dallas, puwede niyo pang pagtiyagaang subaybayan ito kahit halatang tinitipid na ang produksiyon at may restrictions na dahil na-shoot na ito sa panahon ng pandemya.

May mga ka-cheapang episode pero nakakaaliw pa rin ang tarayan ng mga karakter dito. Ibang-iba ito sa mga kinagigiliwan nating K-drama.

HOT STORIES

We are now on Quento! Download the app to enjoy more articles and videos from PEP.ph and other Summit Media websites.
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Higit sa pamosong shoe collection at marangyang pamumuhay ni dating First Lady Imelda Marcos, naharap ang pamilya Marcos sa mga kaso ng pang-aabuso nang ipatupad ng dating diktador na si Pangulong Ferdinand Marcos Sr. ang batas militar sa Pilipinas noong panahon ng panunungkulan nito.
PHOTO/S: YouTube
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results