Boobay, inaming may pagnanasa kay Jeric Gonzales

by PEP Troika
Nov 8, 2021
boobay jeric pagnanasa
Boobay on Jeric Gonzales: "Actually po… sobrang saludo ako sa kanya as an actor, and as a friend. Kasi, alam niyo yun… may ibang mundo ako, may ibang nakakatrabaho ako na pag ime-message, hindi namamansin. Pero siya talaga, minsan sa Instagram, nagha-hi. Bumabati."
PHOTO/S: Instagram

JERRY OLEA

Bongga ang papel ni Boobay bilang parloristang si Buday sa pelikulang Broken Blooms. Namumukadkad ang pag-ibig ni Buday sa pamilyadong si Jeremy (Jeric Gonzales), bagamat isa rin siyang ama.

Paano imo-motivate ni Boobay ang sarili sa pagganap bilang tatay? Sa totoong buhay, keri ba niyang bumuntis ng girl?

“Keri naman po basta lasing,” tila lungkut-lungkutan na sambit ni Boobay sa storycon nitong Nobyembre 7, Linggo, na sinundan ng pagtawa.

Pagtatapat ni Boobay, noong high school ay nilabanan niya ang nararamdaman niya. Nasagwaan siya roon, kaya upang makalipad ang kanyang damdamin ay nagpakatotoo siya.

“Wala akong panahon sa ano… make-up-an ko na lang siya!” bulalas pa ni Boobay, na Norman Balbuena sa totoong buhay.

Seksing-sexy si Jeric sa Bench Body photos nito.

Gaano ka-sexy si Jeric para kay Boobay? May pagnanasa ba siya kay Jeric, o wala siyang malisya?

Napangiting hanash ni Boobay, “Actually po… sobrang saludo ako sa kanya as an actor, and as a friend.

Continue reading below ↓

“Kasi, alam niyo yun… may ibang mundo ako, may ibang nakakatrabaho ako na pag ime-message, hindi namamansin. Pero siya talaga, minsan sa Instagram, nagha-hi. Bumabati.

“So… may pagnanasa po.”

Co-stars nina Jeric at Boobay sa Broken Blooms sina Jaclyn Jose, Therese Malvar, Royce Cabrera, Lou Veloso, at Mimi Juareza.

Ididirek ito ni Louie Ignacio, mula sa panulat ni Ralston Jover. Initial venture ito ng BenTria Productions ni G. Benjamin G. Austria.

Ang buod ng istorya, “Broken Blooms explores the travails of a young man dealing with the challenges of a blooming young marriage and his carefree and careless attitude towards morality and friendship, which is tested to the brink at the time the world cringes in the claws of a global pandemic.”

Ang location nila ay ang Stobosa Hillside Colorful Homes — isang dating resettlement site na pininturahan ng matitingkad na primary colors ang mga bahay. Naging major tourist attraction ito sa Trinidad Valley, Benguet.

Continue reading below ↓

GORGY RULA

Nagulat si Jeric Gonzales sa sinabi ni Boobay, pero natawa na lang siya dahil magkaibigan daw sila, at maganda raw yun para sa Broken Blooms na malapit na nilang simulan.

“Surprising po yung sinabi na yun ni Boobay. Hindi ko po alam na may ganun siyang ano sa akin.

“Pero… kilala ko naman si Boobay and friend ko naman siya before pa. So… I know Boobay, mabait siya.

“Magandang ano yun… maganda siyang connection in preparation for our film.

“Kasi ano, e, may something kami in the past, e, ganun,” reaksiyon ni Jeric.

Nasa kuwento raw ng pelikula na may nakaraan sila ni Boobay. Kaya abangan daw sa pelikula kung ano ang namagitan sa kanilang dalawa.

Ayaw lang daw sabihin sa kanya ni Direk Louie Ignacio kung ano ang mga maseselang eksena na gagawin niya, pero nakahanda raw siya.

Tuluy-tuloy ang intermittent diet ni Jeric at regular exercise para ma-maintain ang ganda ng katawan. Lahat daw ay gagawin niya para sa pelikulang ito na maglulunsad sa kanya bilang lead actor.

Continue reading below ↓

“In this stage of my career, siguro wala naman po siguro akong dapat itago sa pagiging daring o paghuhubad.

“Sabi ko nga, basta kailangan sa story at ano ang makakaganda sa film, gagawin ko talaga. Kung ano ang sasabihin ni direk, nandun ang trust ko talaga,” sabi pa ni Jeric.

Aware siyang ibebenta ang ganda ng katawan niya, ang pagpapa-sexy sa pelikulang ito. Kaya hindi na raw siya nao-offend kung hindi lang si Boobay kundi marami pang kababaiha’t kabadingan ang magnanasa sa kanya.

“Natutuwa nga ako, kasi na-appreciate nila ako na napapansin nila ako parang ganun,” parang nahihiya pang sagot sa amin ni Jeric.

NOEL FERRER

Let all the pent up emotions bloom kahit dito sa Broken Blooms nina Boobay at Jeric Gonzales. Pero sa dinami-dami ng pelikulang ganito ang tema, sana may masabi silang bago.

Saan kaya lilinya itong pelikulang ito — sa outputs ba ng Seiko, o Vivamax, o sa mga naging pelikula noon na pam-Viva Hotmen o Crisaldo Pablo o Aureaus Solito o Brillante Mendoza?

Continue reading below ↓

Grabe ka-open ang range, di ba? Hahaha!

HOT STORIES

We are now on Quento! Download the app to enjoy more articles and videos from PEP.ph and other Summit Media websites.
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Boobay on Jeric Gonzales: "Actually po… sobrang saludo ako sa kanya as an actor, and as a friend. Kasi, alam niyo yun… may ibang mundo ako, may ibang nakakatrabaho ako na pag ime-message, hindi namamansin. Pero siya talaga, minsan sa Instagram, nagha-hi. Bumabati."
PHOTO/S: Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results