TV ratings, bahagyang bumaba nitong weekend; Vice Ganda, balik-It's Showtime

by PEP Troika
Nov 8, 2021
tv ratings weekend
(Clockwise) Vice Ganda returns to It's Showtime; Julie Anne San Jose and Rayver Cruz in The Clash; Kathryn Bernardo and Daniel Padilla are featured in ABS-CBN Christmas 2021 Station ID; the cast of "Oh My Oppa" episode of Daig Kayo ng Lola Ko.
PHOTO/S: GMA Network / Kapamilya Channel

GORGY RULA

Parang naglabasan ang karamihan ng mga tao sa kanilang bahay noong nakaraang weekend kaya bumaba ang viewership ng mga programa sa TV noong Sabado at Linggo, Nobyembre 6 at 7.

Noong Sabado ay bahagyang bumaba ang rating ng mga programa sa primetime. Maaaring sa labas nag-dinner ang karamihan kaya konti lang ang mga nagbukas ng TV sa kanilang tahanan.

Ang 24 Oras Weekend ay naka-10.4%, samantalang 1.1% naman ang Rated Korina sa A2Z.

Sumunod ang Pepito Manaloto, Ang Unang Kuwento na bumaba rin sa 12%. Ang katapat nito sa A2Z na PBB Kumunity, na maingay sa social media, ay naka-2.2%.

Ang The Clash, na mas matindi na ang labanan ng Pares vs. Pares at may pakilig pa ang main hosts na sina Julie Anne San Jose at Rayver Cruz, ay nakapagtala ng 13.9%.

Medyo mababa pa rin ang rating ng mga programa nung Linggo. Posibleng nag-lunch ang maraming pamilya sa labas kaya medyo mababa rin ang mga programa nung tanghali.

Continue reading below ↓

Naka-3.7% ang live episode ng All-Out Sundays, at 2.4% ang ASAP Natin ‘To na simultaneous na napapanood sa A2Z, TV5, Kapamilya Channel, at Jeepney TV.

Sumunod ang GMA Blockbuster na naka-3.6%, at 1.4% ang FPJ Da King.

Pero bahagyang tumaas pagdating sa Dear Uge, na naka-4.2%. Malaki ang itinaas nito sa episode noong October 31. Naka-1% naman ang katapat nito sa A2Z na Ipaglaban Mo.

Ang bongga rin ng Regal Studio Presents, na consistent na mataas ang rating at naka-4.4% ito. Sumunod ang Amazing Earth ni Dingdong Dantes na tumaas din sa 8%.

Tuluy-tuloy nang mataas ang sumunod na 24 Oras, na naka-12.9%.

Ang unang installment ng “Oh My Oppa” sa Daig Kayo ng Lola Ko, na pinagbidahan ni Sanya Lopez, ay naka-13%.

Ang The Clash ay 15.5%, at 17.6% pa rin ang Kapuso Mo Jessica Soho.

Mataas din ang 4.9% na nakuha ng The Boobay and Tekla Show. Kuwela ang guesting ng bida ng To Have and To Hold stars na sina Max Collins at Rocco Nacino.

Continue reading below ↓

JERRY OLEA

Wala nang curfew sa Metro Manila umpisa Nobyembre 4, Huwebes. Ibinaba sa Alert Level 2 ang National Capital Region (NCR) umpisa Nobyembre 5, Biyernes.

Nabalitaan nating dumagsa ang mga tao sa ilang malls. Maging noong weekend, sandamukal ang namasyal sa halip na tumutok sa mga programa sa TV.

First celebrity evictee si John Adajar sa PBB Kumunity Season 10 noong Sabado night. Sa tingin ba ninyo, nabulabog doon sina Marites at Tita Mosang? Kinikilig ba sila sa JulieVer?

pbby kumunity eviction

Continue reading below ↓

In fairness, teaser pa lang ng Regal Studio Presents episode na "Karinderya Queens" ay nakakaaliw na. Nagkabugan ang dalawang dalagang Ilocana mula sa Pangasinan, sina Dayanara (Maxine Medina) at Sushmita (Casie Banks). Level up ang kanilang cooking inang rivalry sa pag-eksena ng sarap-sarapang tricycle driver na si Dante (Derrick Monasterio).

karinderya queen daig kayo ng lola ko

Continue reading below ↓

Siyempre pa, patok sa fans ng First Yaya ang pag-uumpisa ng four-part episode na “Oh My Oppa” sa Daig Kayo ng Lola Ko. Co-stars dito ni Sanya sina Gil Cuerva, Derrick Monasterio, Jon Lucas, at Ashley Ortega bilang Fifi.

Opo, si Marriam ng Legal Wives, nagmaganda na naman. Fifi ng ina mo!

oh my oppa gma

Continue reading below ↓

Inaasahan nating mas iinit ang mga kaganapan para sa Kapuso at Kapamilya televiewers this week.

This Tuesday, November 9… mega-welcome kay Sharon Cuneta sa FPJ’s Ang Probinsyano ng ABS-CBN, at ang happy-to-be-back na payanig ng isang super-sikat na aktor sa GMA.

Nag-iingay rin ang It’s Showtime sa mga pasabog ngayong Nobyembre.

Nobyembre 8, Lunes, nagbalik sa programa ang Unkabogable at Phenomenal star na si Vice Ganda matapos ang kanyang sold-out U.S. tour.

vice ganda it's showtime

Continue reading below ↓

Nobyembre 15-19, Lunes hanggang Biyernes, wildcard special ng mga Reinanay sa "Reina ng Tahanan" contest. Grand finals nito sa Nobyembre 20, Sabado.

Nobyembre 22, Lunes, mag-uumpisa ang ikaanim na season ng "Tawag ng Tanghalan."

Nobyembre 27, Sabado, nakatakda ang "Magpasikat" showdown ng It’s Showtime hosts.

Siyempre pa, magpapasiklaban din ang mga Kapamilya at Kapuso sa Christmas station ID.

Nitong Nobyembre 8, Lunes ng gabi, ipinarinig na ang “Andito Tayo Para Sa Isa’t Isa” na siyang tampok na kanta sa 2021 Christmas ID ng mga Pilipino, na ilulunsad sa Nobyembre 12, Biyernes, sa TV Patrol.

Kinukwento sa awitin kung paano nalampasan ng mga Pilipino ang sari-saring problema, kabilang ang pandemya, mga bagyo, pagbaha, pagsabog ng bulkan, at lindol — sa pamamagitan ng pananampalataya sa Diyos, paghugot ng lakas sa isa’t isa, at pagkakaisa sa pag-ibig.

Tampok sa recording and lyric video na ipinalabas sa iba’t ibang platform ng ABS-CBN sa cable at online sina Ogie Alcasid, BGYO, Kathryn Bernardo, Andrea Brillantes, Sharon Cuneta, Darren Espanto, Seth Fedelin, Sarah Geronimo, Belle Mariano, Martin Nievera, Daniel Padilla, Zsa Zsa Padilla, Donny Pangilinan, Inigo Pascual, Piolo Pascual, Erik Santos, KZ Tandingan, Gary Valenciano, Regine Velasquez-Alcasid, at Vice Ganda.

Continue reading below ↓

abs-cbn christmas station id

Maaari nang bumili ng limited edition “Andito Tayo Para Sa Isa’t Isa” Christmas shirts at face masks para sa pamilya at panregalo ngayong Pasko. Pumunta lang sa authorized partners na Shirts and Prints PH sa Facebook at E-commerce stores para sa Andito shirts, at InstaMug naman sa Facebook at Instagram para sa Andito Masks.

Continue reading below ↓

NOEL FERRER

Oo, buhay na buhay ang publicity machines ng GMA-7 at Kapamilya network… pero without the ABS-CBN franchise, hindi pantay ang status.

At nasaan na ang TV5 in the scheme of things? At nasaan din ang nagsusubok bumongga na Net 25?

Bakit, hindi ba sila significant at in-the-running for the people’s attention?

HOT STORIES

We are now on Quento! Download the app to enjoy more articles and videos from PEP.ph and other Summit Media websites.
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
(Clockwise) Vice Ganda returns to It's Showtime; Julie Anne San Jose and Rayver Cruz in The Clash; Kathryn Bernardo and Daniel Padilla are featured in ABS-CBN Christmas 2021 Station ID; the cast of "Oh My Oppa" episode of Daig Kayo ng Lola Ko.
PHOTO/S: GMA Network / Kapamilya Channel
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results