Ariel Rivera, inihayag ang pagmamahal sa Lunch Out Loud isang buwan bago ang biglaang pag-alis sa show

by PEP Troika
Nov 9, 2021
Ariel Rivera on Lunch Out Loud
Nakakabigla ang pag-alis ni Ariel Rivera sa Lunch Out Loud dahil noon lamang nakaraang buwan ay sinabi niya, "I fell in love with the show. I fell in love with my cast mates, and that’s why I was here, I want to stay."
PHOTO/S: Jerry Olea / Lunch Out Loud

JERRY OLEA

Nakakalungkot ang pagkawala ni Ariel Rivera sa Lunch Out Loud (LOL).

Nagdiwang pa naman ng unang anibersaryo ang nasabing noontime show ng Brightlight Productions sa TV5 noong Oktubre 18-23, Lunes hanggang Sabado.

Sa set visit noong Oktubre 11, kinumusta ni ka-Troikang Gorgy si Ariel sa adjustment nito sa noontime show.

"Mahirap, mahirap. Actually, ayoko talaga ng daily show ever since," pag-amin ni Ariel.

"When I was at Sa Linggo nAPO Sila—it was every Sunday— they asked me, ako yung first option nila maging daily.

"Kasi, galing ako sa Sa Linggo nAPO Sila. Ayoko ng daily talaga."

Umere ang Sunday noontime musical-variety show na Sa Linggo nAPO Sila mula Disyembre 1989 hanggang Enero 1995 sa ABS-CBN. Pinalitan ito ng ASAP.

Naging daily show na kasi iyong ‘Sang Linggo nAPO Sila na umere mula Enero 1995 hanggang Nobyembre 1998.

Pero sa kaso ng Lunch Out Loud, napamahal daw kay Ariel ang daily noontime show.

Continue reading below ↓

Pagpapatuloy ni Ariel kaugnay sa pagho-host ng LOL, "When I accepted this job, it was really for KanTrabaho.

"Pero ang totoo niyan, I fell in love with the show. I fell in love with my cast mates, and that’s why I was here, I want to stay.

"Kasi, nakakapagod talaga yung daily show. Pero when you work with these people…

"I’m not a showbiz person—kahit last episode mo na, kahit walang bayad yun, ano kami, happy pa rin kahit pagod ka!"

Ang "these people" na tinutukoy ni Ariel ay ang co-hosts na sina Billy Crawford, Alex Gonzaga, Bayani Agbayani, K Brosas, Wacky Kiray, KC Montero, Laboching, at Jeff Tam.

lunch out loud hosts

Continue reading below ↓

GORGY RULA

Ang image ni Ariel ay parang hindi siya nakikipagkengkoyan, nakikipaglaro sa mga katrabaho, sumasayaw.

Parang ang serious niya.

"Actually, I’m not. I’m not," mabilis na pagkontra ni Ariel.

"I’m just guarded with who I am, ‘no? Pero hindi.

"When I’m with family, when I’m with close friends, I’m as crazy as the next guy.

"Ayoko lang ipaalam, that’s why you don’t see much of me on the press, kasi ayoko nang ipakilala kung sino ako.

"It’s private life, e, ‘no? So, yung ginagawa ko, what we do outside, here in the studio, or outside when we’re together, yun talaga ako."

So, yung ginagawa niya sa LOL, siya talaga yun?

"Ako talaga 'yan!" nakangiting bulalas ni Ariel.

Pinatotohanan ng co-hosts nina K, Bayani, KC, Wacky Kiray, Jeff, at Laboching na kengkoy talaga si Ariel.

Sabi pa ni Ariel, "Yung samahan namin talaga, it’s genuine love for each other. And love of work.

Continue reading below ↓

"We’re grateful we have work, pero we have genuine love for one another, and sincere thankfulness for the job we have."

NOEL FERRER

Bakit kaya umalis si Ariel sa daily show? Iyan pa rin ang tanong ko.

Kilala ko iyan at mahal ko iyan.

Kasi, kung titingnan, stable job at kung mahal naman niya ang mga kasama niya doon, okay iyan. May iba pa sigurong rason.

HOT STORIES

Use these Lazada vouchers when you shop or order online. Marami pang ibang coupons dito.

We are now on Quento! Download the app to enjoy more articles and videos from PEP.ph and other Summit Media websites.
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Nakakabigla ang pag-alis ni Ariel Rivera sa Lunch Out Loud dahil noon lamang nakaraang buwan ay sinabi niya, "I fell in love with the show. I fell in love with my cast mates, and that’s why I was here, I want to stay."
PHOTO/S: Jerry Olea / Lunch Out Loud
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results