Jerald Napoles, Paolo Gumabao, Bela Padilla big winners sa 28th Pinoy film festival ng FACINE

by PEP Troika
Nov 9, 2021
Jerald Napoles, Paolo Gumabao, and Bela Padilla big winners 28th FACINE
Sina Jerald Napoles, Paolo Gumabao, at Bela Padila ang nagkamit ng top acting awards sa katatapos na annual film festival na isinagawa ng Filipino Arts and Cinema International o FACINE.

JERRY OLEA

Tabla sina Jerald Napoles (Ikaw at Ako at ang Ending) at Paolo Gumabao (Lockdown) bilang Best Lead Actor Gold Award sa 28th Annual Filipino International Cine Festival ng Filipino Arts and Cinema International o FACINE.

Ginanap ang virtual film festival mula Nobyembre 5-7, 2021 sa pamumuno ng organisasyong nakabase sa San Francisco, California, USA.

Ibinahagi nina Jerald at Paolo ang parangal sa isa’t isa nitong Nobyembre 9, Martes ng gabi, sa Facebook at Instagram.

Sabi ni Jerald, "Thank you very much to everyone who appreciated us and congratulations to Team #Lockdown and Team #IkawAtAkoAtAngEnding and all the films that were selected.

"This is my first Lead Actor award and my first International Film Festival award. May we be blessed with a lot more bro Paolo. To God Be The Glory!!"

Continue reading below ↓

Bahagi ng post ni Paolo, "Wow! I’m just lost for words… Winning a Best Actor Award has been my dream since I was just a little kid and now that it’s here I can’t help but feel grateful for everyone who stood by me in my journey.

"Thank you Direk Joel Lamangan and Sir Jojo Barron for giving me the opportunity of playing this amazing role that pushed me to my limits. I’m sharing this award with my idol (I’m a huge fan) @iamjnapoles who is commonly known for his comedic style but in this film(Ikaw at Ako at Ang Ending) displayed depth and vulnerability in his craft.

"Congratulations brother @iamjnapoles and Congratulations to team #ikawatakoatangending! Sana magkatrabaho tayo soon kapatid! God Bless you and your whole team!"

Continue reading below ↓

Si Bela Padilla ang tinanghal na Best Lead Actress Gold para sa On Vodka, Beers and Regrets.

Walong pelikulang Pilipino ang naglaban-laban sa FACINE 28. Pinalabas sa website ng organisasyon ang mga pelikulang ito.

Maliban sa Ikaw at Ako at ang Ending; Lockdown; at On Vodka, Beers and Regrets, kalahok dito ang Isa Pang Bahaghari; Kung Saan Man Tayo, Love and Pain in between Refrains, Midnight in a Perfect World, at Nerisa.

Eight Filipino films showcased at 28th FACINE

Continue reading below ↓

Tabla bilang Best Film Gold ang Lockdown at Midnight in a Perfect World.

Best Director Gold si Joel Lamangan para sa Lockdown.

Best Secondary Actor Gold si Jim Pebanco para sa Lockdown, at Best Secondary Actress Gold si Rio Locsin para sa On Vodka, Beers ang Regrets.

Gold, Silver, Bronze o Special Citation ang awards para sa iba’t ibang kategorya.

Ang tatlong hurado ng FACINE 28 ay sina Fay Darnawi (Indonesian by birth), Fiel Zabat (Fil-Am), at Abdul Zainidi (from Brunei).

Ang founder-artistic director ng FACINE ay si Mauro Feria Tumbocon Jr.

Siyanga pala, streaming na sa Vivamax umpisa noong Nobyembre 5, Biyernes, ang mga pelikulang Lockdown, Barumbadings, Babae at Baril, X-Deal, at Judge Max Asuncion: Hukom Bitay.

Mapapanood na rin doon ang episode 3 ng Di Na Muli, episode 22 ng Encounter, at Kagat ng Dilim: Salakay.

Tweet ng Vivamax noong Nobyembre 6, Sabado, 5:30 p.m., ang #1 Top Content of the Week ay ang 2011 movie na X-Deal nina Paloma, Jamilla Obispo, at Jon Hall.

Continue reading below ↓

Pangalawa ang Lockdown, at pangatlo ang Barumbadings nina Jeric Raval, Baron Geisler, at Mark Anthony Fernandez.

vivamax top 10

Simula Nobyembre 19 ay available na sa U.S. at Canada ang Vivamax.

Maliban sa Pilipinas, available ngayon so far ang Vivamax sa Middle East, Europe, Hong Kong, Japan, Singapore, Malaysia, Indonesia, Thailand, South Korea, Taiwan, Brunei, Macau, Vietnam, Maldives, Australia at New Zealand.

Continue reading below ↓

NOEL FERRER

Ano po ang FACINE? Ano ang mas prestigious, ito o ang International Film Festival Manhattan, o ang ating sariling Star or Film Academy Awards, o ang regional Urduja Awards?

Ang daming award-giving bodies, ‘no, with only a handful of really good movies that can withstand history.

GORGY RULA

Ang pagkakaalam ko, mga grupo ng mga kababayan natin ang bumubuo ng mga ganitong festival.

Sa bio ng FACINE sa Facebook, nakasaad na layunin nitong mag-promote ng Filipino independent films sa San Francisco, U.S.A.

Okay naman yun at congratulations sa lahat na mga nagwagi.

Para sa kategoryang Lead Actor, wagi ng Silver sina Oliver Aquino (Love and Pain in between Refrains), Phillip Salvador (Isa Pang Bahaghari), at JC Santos (On Vodka, Beers and Regrets).

Para sa Lead Actress, naka-Bronze si Jasmine Curtis-Smith (Midnight in a Perfect World), at special citation sina Elora Españo (Love and Pain in Between Refrains) at Kim Molina (Ikaw at Ako at ang Ending).

Continue reading below ↓

Para sa Secondary Actor, Silver si Michael de Mesa (Isa Pang Bahaghari), at special citation si Dino Pastrano (Midnight in A Perfect World).

Sa Secondary Actress, Silver si Bing Pimentel (Midnight in a Perfect World), at Bronze sina Sheree Bautista (Nerisa) at Elizabeth Oropesa (Nerisa).

Paliwanag ng artistic director na si Mauro Feria Tumbocon Jr. sa Facebook, “Deviating from all film groups manner of selecting winners, FACINE re-considers its process of selection as not exclusive to one film, but more than one, if need be, thus mitigating the idea of competition, but more of a continuing conversation, as explained in the last festival in 2019.

"Hence, the categorization to levels of valuation -- Gold, Silver, Bronze, Special citation. In other words, this allows for revaluation, space for debate."

Kung anu’t ano man, ang pinakamahalaga ay ang pagbubukas ng ating mga sinehan umpisa Nobyembre 10, Miyerkules.

Kumilos ang iba't ibang LGU para i-inspect ang mga sinehan kung nasusunod ba ang mga protocols. Ipinost ng CEAP (Cinema Exhibitors Association of the Philippines) sa kanilang Facebook page ang mga sinehan na mag-o-open, maging ang trailers ng Hollywood films na Dune at A Quiet Place II na ipapalabas this Wednesday.

Continue reading below ↓

Maliban sa Yorme: The Isko Domagoso Story na may December 1 playdate, meron na bang local movie na ipapalabas sa ating mga sinehan?

HOT STORIES

Use these Nike promo codes when you shop or order online. Marami pang ibang coupons dito.

We are now on Quento! Download the app to enjoy more articles and videos from PEP.ph and other Summit Media websites.
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Sina Jerald Napoles, Paolo Gumabao, at Bela Padila ang nagkamit ng top acting awards sa katatapos na annual film festival na isinagawa ng Filipino Arts and Cinema International o FACINE.
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results