Paulo Avelino at Jake Ejercito, nagku-compare notes tungkol sa pagiging ama? Paolo Contis, planong dalawin ang anak sa U.S.?

by PEP Troika
Nov 10, 2021
paulo jake paolo fathers
ALL SINGLE DADS: (from left) Paulo Avelino, Jake Ejercito, and Paolo Contis
PHOTO/S: Instagram

JERRY OLEA

Parehong single father ang leading men ni Janine Gutierrez sa Marry Me, Marry You na sina Paulo Avelino at Jake Ejercito.

Sa recent interview ni Boy Abunda kay LJ Reyes, nagpasalamat ang Kapuso actress dahil nag-reach out sa kanya ang ex na si Paulo at handang tumulong.

Kumusta na ang bonding ni Paulo sa anak nila ni LJ na si Aki?

“Sa ngayon, nasa New York rin siya kung saan nanggaling si Janine. Happy naman siya, nag-aaral na siya ngayon doon,” sabi ni Paulo sa virtual mediacon nitong Nobyembre 10, Miyerkules.

“And… ahhh… ayun, phone calls every now and then kung kailan siya free, since baligtad din ang oras.

“Minsan, masyado nang late din para makausap ko siya. Pero… usually ang bonding namin, parang… gaming din talaga.

“Lumaking mahilig din sa games ang anak ko, siguro nagmana sa tatay.”

Ano naman ang reaksiyon kay Jake ng anak niyang si Ellie sa mga eksena niya sa teleserye?

Continue reading below ↓

Napakunot-noo si Jake, “She’s back kasi in Siargao, e, ever since we first aired, ‘no? So, I’m not sure kung napapanood niya, e.

“Whenever she’s there, lagi lang siyang nasa labas, nasa beach… I think napanood niya yung episode recently wherein sumayaw si Cedric. And as usual, tinawanan lang niya ako!” natawang bulalas ni Jake.

Continue reading below ↓

Mag-best friends ang papel nina Paulo at Jake sa teleserye, kaya marami silang eksena together. Kapag break sa lock-in taping, nagku-compare notes ba sila kaugnay sa kani-kanyang anak?

Tugon ni Paulo, “Ahhm, hindi naman po. Mas nagkukuwentuhan lang po kami tungkol sa mga anak namin.

“Parang… ‘Oy, si Ellie, nandito.’ Casual lang, pero hindi naman nagko-compare notes! Ha! Ha! Ha! Nagkukuwentuhan lang tungkol sa ginagawa ng mga anak namin,” natatawang sabi ni Paulo.

Umayon si Jake sa sinabi ng co-actor.

Siyanga pala, mag-uumpisa ang ikalawang season ng Marry Me, Marry You sa Nobyembre 15, Lunes, sa bago nitong timeslot na 8:40 p.m. sa Kapamilya Channel, A2Z, at TV5.

GORGY RULA

Napapanood ko ang Marry Me, Marry You at magaling ang halos lahat ng cast.

Surprisingly, napaarte nila rito si Jake bilang si Cedric na hindi sumusuko sa panunuyo kay Camille (Janine Gutierrez).

Magaling dito si Paulo Avelino.

At sa tingin ko, sila ni Paolo Contis ang maaaring maglaban sa acting award sa susunod na taon. Trailer pa lang kasi ng I Left My Heart in Sorsogon ng GMA Network ay magaling na si Paolo.

Continue reading below ↓

Tinitiyak kong mag-e-excel dito si Paolo, lalo na’t gustung-gusto nito ang role na ginagampanan niya bilang si Mikoy, at inspired siya sa kuwento ng naturang drama series.

Ako, willing akong tumaya kay Paolo dahil ginalingan naman niya talaga. Kahit sa mga eksena nila ni Heart Evangelista ay nagkakaroon sila ng chemistry.

Abangan natin ang pagsisimula ng I Left My Heart in Sorsogon sa November 15, Lunes, pagkatapos ng 24 Oras, katapat ang FPJ’s Ang Probinsyano.

Pero pagdating sa pagiging ama, wala yatang problema sina Jake at Paulo sa kani-kanilang anak. Hindi ko lang natitiyak kung ano naman ang plano ni Paolo.

Narinig ko noon na balak dalawin ni Paolo si Summer sa New York sa darating na Pasko. Pero kapag tinatanong ko siya ngayon tungkol dito, hindi na niya ako sinasagot.

Alam ko ring naghihintay lang siya ng tamang timing kung paano kakausapin si LJ Reyes para matuloy ang pagpunta niya sa Amerika.

Continue reading below ↓

Pero sabi uli ni Paolo sa akin, kung ano man ang mga personal na plano niya, hindi na muna niya sasabihin. Mas gusto niyang tahimik na lang muna.

Ang pakiusap niya ay tungkol na lang daw sa I Left My Heart in Sorsogon ang pag-usapan.

NOEL FERRER

Paulo Avelino versus Paolo Contis sa acting awards? Masaya tayo riyan.

Paulo at Paolo, pasiklaban sa magagandang proyekto na magpapalabas sa kanilang kahusayan sa pag-arte!

Sa larangan ng pag-ibig, ipahinga na lang muna ang isyung iyan… okey na lang mag-bonding at chill sa kaibigan o kakilala — as a friend.

Sa Baguio man iyan o sa Siargao, sa Sorsogon o sa New York, o saan man!

HOT STORIES

Use these Nike promo codes when you shop or order online. Marami pang ibang coupons dito.

We are now on Quento! Download the app to enjoy more articles and videos from PEP.ph and other Summit Media websites.
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
ALL SINGLE DADS: (from left) Paulo Avelino, Jake Ejercito, and Paolo Contis
PHOTO/S: Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results