Julie Anne San Jose, umiiwas nang matukso kay Rayver Cruz dahil kay Janine Gutierrez?

by PEP Troika
Nov 15, 2021
julie anne rayver the clash
Julie Anne San Jose on Rayver Cruz: "Talagang comfortable lang talaga kami sa isa’t isa and yun talaga ang isa sa factors para magkaroon ng chemistry ang isang team-up. I am thankful to Rayver. Kasi ano siya, e, he’s such a good sport, and we’ve always been, like, comfortable with each other ever since."
PHOTO/S: Screen grab from YouTube

GORGY RULA

Madalas palang tinutukso sina Julie Anne San Jose at Rayver Cruz kapag nasa taping sila ng The Clash.

Marami kasi ang natutuwa sa tandem ng dalawa bilang Clash Masters ng singing competition ng GMA-7. Minsan ay may pakilig sila, kaya tuloy natutukso sila sa taping.

Pero ngayon ay umiiwas na raw si Julie Anne sa mga tuksuhan dahil nahihiya siya kay Janine Gutierrez, ang girlfriend ni Rayver.

Nakatsikahan namin si Julie Anne sa virtual mediacon ng musical trilogy niyang Limitless.

Nilinaw niyang hindi siya naaasiwa kapag natutukso sila dahil magkaibigan daw talaga sila ni Rayver. Kampante raw siyang katrabaho ang co-host niya sa The Clash.

Natutuwa ang mga taga-The Clash kina Julie at Rayver dahil napakabait daw ng dalawa na kahit pagod na, walang karekla-reklamo kapag may ipinapagawa pa sa kanila sa taping.

Special guest ni Julie Anne si Rayver sa second episode ng Limitless na pinamagatang "Heal" na kinunan sa mystical island na Siquijor.

Continue reading below ↓

“Wala naman talaga dapat na awkwardness, kasi we’re more of a tandem than a love team,” sabi ni Julie Anne.

“Saka talagang comfortable lang talaga kami sa isa’t isa and yun talaga ang isa sa factors para magkaroon ng chemistry ang isang team-up.

“I am thankful to Rayver. Kasi ano siya, e, he’s such a good sport, and we’ve always been, like, comfortable with each other ever since.

“We’ve been very good, close friends…he’s one of my closest friends that I have in my circle.

“Comfortability, sobrang importante din ‘yan kasi nagri-reflect din ‘yan sa trabaho, and how we execute kung ano man yung pinapagawa sa amin,” sabi pa ng Limitless Star.

Magkasama sina Julie Anne at Rayver sa second leg ng Limitless concert na mapapanood sa November 20.

Continue reading below ↓

JERRY OLEA

Batid ng maraming mamamayang Pilipino na si Rayver ay irog ni Janine. Kaya sadyang mahiwaga ang tambalang JulieVer, at ang limitless smiles ni Julie para kay Rayver ay sakdal talinhaga.

Huwag sanang umabot sa bangis ni Medusa o bagsik ni Valentina ang mga pakilig na binasbasan ng mga makamandag na nilalang sa Siquijor.

Mapaglaro minsan ang tadhana. Malay mo, malay ko, malay nating lahat… ang-kasukat pala ni Julie Anne sa pagiging multimedia star ay nandiyan lang.

NOEL FERRER

Sana talaga, makahanap ng totoong ka-love team si Julie Anne na sa kanya talaga.

Ito, ha, walang magbabalat-sibuyas… hindi ba puwedeng Julie Anne at Alden na lang para hindi kung kani-kanino sila ipinapares na committed na?

Bakit kaya sila nagsosolo pa? Hindi kaya sila ang itinadhana?

Limitless ang possibilities, ha! Ano sa tingin ninyo?

HOT STORIES

We are now on Quento! Download the app to enjoy more articles and videos from PEP.ph and other Summit Media websites.
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Julie Anne San Jose on Rayver Cruz: "Talagang comfortable lang talaga kami sa isa’t isa and yun talaga ang isa sa factors para magkaroon ng chemistry ang isang team-up. I am thankful to Rayver. Kasi ano siya, e, he’s such a good sport, and we’ve always been, like, comfortable with each other ever since."
PHOTO/S: Screen grab from YouTube
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results