Yorme movie, makikipagbakbakan sa Hollywood film na Eternals sa takilya

by PEP Troika
Nov 18, 2021
mccoy de leon xian lim yorme
McCoy de Leon (left) and Xian Lim (right) play the teenager and adult Isko Moreno, respectively, in the musical film Yorme: The Isko Domagoso Story.

JERRY OLEA

Makikipagbakbakan ang musical film na Yorme: The Isko Domagoso Story sa Eternals sa Disyembre 1, Miyerkules.

E, ano kung nasa pelikulang Eternals ang sampung superpowered na sina Ajak (Salma Hayek), Sersi (Gemma Chan), Ikaris (Richard Madden), Kingo (Kumail Nanjiani), Sprite (Lia McHugh), Phastos (Brian Tyree Henry), Makkari (Lauren Ridloff), Druig (Barry Keoghan), Gilgamesh (Don Lee), at Thena (Angelina Jolie)?!

Marvelous in its own way ang Yorme kung saan title role sina Raikko Mateo, McCoy de Leon, at Xian Lim, at mismong si Mayor Isko ay narrator.

Aba! Nag-reunion sa Yorme ang That’s Entertainment members! May cameo role sina Bryle Mondejar, Jojo Abellana, Jennifer Mendoza, Jovit Moya, Manolet Ripoll, Jojo Alejar, Lovely Rivero, Keempee de Leon, Ricky Rivero, Karen Timbol, Jeffrey Santos, at Maricar de Mesa.

Gumanap bilang parents ni Isko ang dating magka-love team na sina Tina Paner at Monching Gutierrez.

yorme movie

Continue reading below ↓

Monching Gutierrez and Tina Paner

Pumapel si Jestoni Alarcon bilang Daddy Wowie Roxas, ang discoverer at talent manager ni Isko.

Malaki ang role ni Janno Gibbs bilang star builder na si Kuya Germs, ang namayapang Master Showman ng local showbiz.

Agaw-eksena ang production numbers ni Janno sa mga kantang "Palakpakan" at "Bakit Lahat Gustong Mag-artista?" suot ang kumikinang na coats.

yorme movie

Continue reading below ↓

Janno Gibbs as Kuya Germs

Ayon kay Direk Joven Tan, madali niyang napakiusapan ang mga dating kasamahan ni Isko sa That’s. Na-excite daw ang mga ito na mapabilang sa nasabing musical.

Ang Yorme ay prinodyus ng Saranggola Media Productions, at distributed by Viva Films.

Aprubado na ng MTRCB ang Yorme. Nakakuha ito ng PG (Parental Guidance) rating.

Inaayos pa ang premiere night nito sa Nobyembre 30, Martes, Araw ni Bonifacio.

GORGY RULA

Sa huling panayam namin kay Direk Joven Tan sa aming radio program sa DZRH, masaya niyang ibinahagi na napanood na ni Mayor Isko Moreno ang buong pelikula, at parang bumalik daw kay Yorme ang kanyang nakaraan lalo nung kabataan niya.

“May mga eksena na parang umiiyak pero pinipigil,” pakli ni Direk Joven.

“Tapos, may mga eksenang tuwang-tuwa siya, kasi nakikita niya… kasi kinuha namin ang ibang teachers niya na buhay pa.

“Dun kami nag-shoot sa mismong school, e. Nag-research kami. 'Uy, nandiyan pa ba yung teacher na ganyan?'

Continue reading below ↓

“Yung classmates niya na nanunukso sa kanya before. So, natatawa siya pag naalala niya yung mga eksena. 'Ah, tama! Ganyan nga!'

“Mga pangalan ng mga binebentahan niya ng mga pagpag. So, nandun lahat na mga elements na hinahanap niya.”

mccoy de leon yorme movie

McCoy de Leon

Nilinaw rin ni Direk Joven na binuo nila ang proyektong ito bago pa magpandemya at wala pa raw noon sa plano ni Mayor Isko na tumakbong Pangulo ng bansa.

Continue reading below ↓

Maganda lang daw talaga ang kuwento ni Isko na nakakapagbigay ng inspirasyon sa taumbayan, dahil kuwento ito ng tagumpay ng isang taong nagsimula sa wala, pero nakamit ang tagumpay dahil sa sipag at buong pananalig sa Diyos.

Pahayag ni Direk Joven, “Huwag po natin siyang tingnan na it’s a political tool. Kasi siguro, nagkataon lang na election time ngayon. Pero lagi naman tayong nanonood ng mga progress stories. Gusto nating makapulot ng aral sa mga pinagdaanan sa buhay ng iba-ibang tao.

“Siguro, panoorin natin yung pelikula para makapulot tayo ng kung anong inspirasyon ni Yorme para tumayo, bumangon, at maabot yung mga pangarap niya.”

Bukod sa siya nagdirek, si Direk din ang nagsulat ng kuwento nito, at lumikha ng 15 songs na ginamit para sa pelikulang ito.

yorme movie

Continue reading below ↓

Direk Joven Tan (in Looney Tunes shirt) and McCoy de Leon (in driver's seat of a pedicab) with the production crew of Yorme

Siyanga pala, saan ba ang premiere night nito… sa SM Manila, sa Robinson’s Manila, o sa bagong ayos na Metropolitan Theatre?

Hopefully, malalaman natin ang sagot diyan bukas!

NOEL FERRER

Si Xian Lim ang gumanap na present-day Isko Moreno sa musical film na Yorme: The Isko Domagoso Story.

Na-inspire ba si Xian na maging mayor o public servant sa hinaharap?

“Sana! Ha! Ha! Ha! Kung mabibigyan ng pagkakataon, ang saya po noon,” lahad ni Xian.

“Of course, I think, to be an inspiration to many and to be able to create change is very important. I think if there’s anything na napulot ko rito sa proyekto na ito, it’s the ability to inspire and change.”

xian lim yorme movie

Continue reading below ↓

Xian Lim as adult Mayor Isko Moreno

Reaksiyon ni Xian sa nagsasabing baka magamit ang pelikula sa political career ni Isko, “Actually, pumasok ako sa project na ito as an actor lang po talaga. Hindi ko po iniisip yung mga ganung bagay.

“Para sa akin po, nandito lang ako para sa ganda ng proyekto and to inspire people na makakapanood. Yon kasi yung kailangan natin sa mga panahon ngayon, e.”

HOT STORIES

Use these Klook promo codes when you shop or order online. Marami pang ibang coupons dito.

We are now on Quento! Download the app to enjoy more articles and videos from PEP.ph and other Summit Media websites.
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
McCoy de Leon (left) and Xian Lim (right) play the teenager and adult Isko Moreno, respectively, in the musical film Yorme: The Isko Domagoso Story.
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results