PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Derek Ramsay on relationship with Austin and Elias

Derek sobrang saya at kuntento sa married life nila ni Ellen.
by PEP Troika
Published Dec 7, 2021
Derek Ramsay and Ellen Adarna's wedding
Wala pagsidlan ang saya ni Derek Ramsay sa natagpuang one happy family nila ng asawang si Ellen Adarna. Ikinuwento ni Derek na ang binata niyang anak na si Austin ay sobrang lapit sa anak ni Ellen na si Elias.
PHOTO/S: @patdy11 via @maria.elena.adarna Instagram

NOEL FERRER

Isang napakasaya at napakapayapang Derek Ramsay ang nakausap ko sa kanyang birthday interview noong Biyernes, Disyembre 3, sa Level Up sa Radyo Katipunan.

Pareho raw sila ng asawang si Ellen Adarna na coming from big families (5 siblings sila sa kani-kanyang pamilya) at ang mga ito ang pinaka-priority nila.

Ikinasal ang couple sa isang mountain resort sa Bataan noong November 11.

Hindi pa nagbabalik-telebisyon si Derek, na dapat sana'y bibida sa ongoing Kapuso prime-time series na To Have and To Hold.

Aside from making life plans, cherishing really loyal friends, and making time for recreation, self-care, sleep, and rest, family first muna kay Derek ngayon.

At nasabi nga ni Derek, especially now that he's married, family really takes priority, and Ellen does that too effortlessly. Manghang-mangha raw si Derek at how devoted Ellen is as a wife and as a mother.

Kita ang saya ni Derek sa kanyang married life, at kung gaano niya na-appreciate ang presensiya ni Ellen sa mga simpleng bagay tulad nang walang issue kung kinukunan niya itong natutulog.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Ani Derek, "We don’t care if we showed our flawed selves."

Tatawa lang daw si Ellen at ang sasabihin lang ay, "Buwisit ka, walang pores." Tatawa lang daw sila talaga!

Nabanggit ni Derek that he would be venturing into a construction/building industry at super-excited siya rito.

"I’m a sponge. I’ll never stop learning.

"I’ve always been a risk-taker but Ellen has given me the courage to sign up with this company," saad niya sa papasuking negosyo.

Saan nila planong mag-honeymoon ni Ellen?

Sagot ni Derek, "I would love to go to Africa for our honeymoon and we’re taking Elias with us.

"If we are there and something miraculous happens, we will always say, 'I hope Elias [was] here.'"

Hindi raw nila maiiwan ang bata kahit sa honeymoon dahil gusto nilang masubaybayan ang paglaki nito.

At kung gaano napamahal kay Derek ang three-year-old son ni Ellen na si Elias, pakiramdam ng aktor ay mas na-bless siya sa samahan nila ng 18-year-old son na si Austin.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Naiyak pa si Derek nang i-describe niya ang panganay na anak na lagi palang ipinagdarasal na makahanap ng partner na tatagal at magiging kasundo ng ama.

Mataandaan noong April 2021 ay ipinost ni Derek sa Instagram ang unang pagkakataong tinawag siyang "dad" ni Austin sa loob ng apat na taong permanenteng nasa poder na niya ito.

Nakakatuwa lang na magkasundung-magkasundo at gumawa talaga ng paraan ang panganay nitong makagaanan ng loob si Elias. Sobrang tuwa talaga ni Derek dito!

Para sa kaibigan nating Derek, happy birthday!!! Keep the love and peace in your life!!!

Ang saya talagang makausap si Derek ulit!

GORGY RULA

Nakakapanghinayang na may mga nakalagpas kay Derek na projects ng GMA-7.

Dalawang drama series na ang hindi natuloy, at ewan ko lang saan ang problema.

Sayang yung To Have and To Hold dahil maganda ang kuwento at bagay sana talaga sa kanya ang role na napunta kay Rocco Nacino.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Kung hindi ako nagkakamali, next year ay matatapos na ang kontrata ni Derek sa GMA-7 at isa pa lamang teleserye ang nagawa niya, ang The Better Woman nila ng ex-girlfriend na si Andrea Torres.

Sa takbo ng mga pangyayari, baka hindi na magkaroon ng renewal. Ang laki rin kasi ng mga nabago sa mga plano dahil sa pandemic kaya naiba na rin ang priorities ng aktor.

Nabanggit noon ni Derek na gusto niyang mag-venture sa construction business at subukan ang isa pa niyang hilig, ang interior designing.

Pero may mga pending movie projects pa. Excited siya sa gagawin niyang international film na kukunan dito.

Kasali na raw ba si Ellen Adarna sa pelikula? Paano kaya ang gagawin din niyang pelikula sa Star Cinema?

JERRY OLEA

"You make my mornings more beautiful. (heart emoji) I love you my forever Gor (heart emoji) Husband Birthday Dump (heart emoji)"

Iyan ang Instagram post ni Ellen pagsapit ng Disyembre 7, Martes, kaarawan ni Derek.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Iyong “Gor” ay pinaikli kayang “Gorilla”? Makapal na kasi ang buhok at stubble ng aktor.

Derek Ramsay and Ellen Adarna's son Elias

Nawa’y forever na nga ang pagmamahalan nina Derek at Ellen!

HOT STORIES

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Wala pagsidlan ang saya ni Derek Ramsay sa natagpuang one happy family nila ng asawang si Ellen Adarna. Ikinuwento ni Derek na ang binata niyang anak na si Austin ay sobrang lapit sa anak ni Ellen na si Elias.
PHOTO/S: @patdy11 via @maria.elena.adarna Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results