PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Kirst Viray happy for Kiray Celis's love life

Kirst Viray, gustong magpa-manage sa GMA Artist Center.
by PEP Troika
Published Dec 10, 2021
kirst viray kiray celis
Kirst Viray: “Masaya ngayon si Kiray, sobrang in love siya, unlike before. Kasi, yung ex niya… lagi sila noong nag-aaway. Tapos, di ba, yung dating business nila… kumikita naman. Pero baka ibenta niya yung shares niya, para wala na raw conflict sa kanya.”
PHOTO/S: Instagram

JERRY OLEA

Masaya ang model turned actor na si Kirst Viray para sa kaibigang si Kiray Celis. Kita ni Kirst na tunay ang kaligayahan ni Kiray sa kasalukuyang kasintahan nito.

May communication pa sila ng comedienne. Pumunta na ba si Kiray sa Mangan-tila Pigar-pigar restaurant ni Kirst sa Sct. Torillo St., Quezon City?

“Lately lang, mga two months ago, pumunta siya,” sabi ni Kirst sa Buhay party-list event nitong Disyembre 8, Miyerkules ng gabi, sa 101 Hotel Manila, malapit sa SM Mall of Asia.

“Tapos, pag may mga gathering sa bahay nila, pumupunta ako… Yung boyfriend niya, nakikita ko sa bahay niya.

“Masaya ngayon si Kiray, sobrang in love siya, unlike before. Kasi, yung ex niya… lagi sila noong nag-aaway.

“Tapos, di ba, yung dating business nila… kumikita naman. Pero baka ibenta niya yung shares niya, para wala na raw conflict sa kanya.”

Hindi dumating sina Kirst at Kiray sa puntong nagsosyo sa negosyo, pero hindi isinasara ni Kirst ang posibilidad.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Kumusta na ang pigar-pigar resto niya kung saan kasosyo sina Ahron Villena at Bidaman finalist Jervy de los Reyes?

Napangiti si Kirst, “Nakaka-survive naman. Last month, humina. Ngayon, pumi-pick up na naman.

“Nagdagdag ng tao para sa marketing, pero si Jervy, umalis. Magdu-Dubai sana siya, kaya sa akin pina-take over yung barbecue stand niya.

“Magsu-shoot sana siya ng BL sa Dubai, tapos raraket siya doon. Kaso, hindi siya natuloy.

“Ewan ko kung anong nangyari. Nagbabarista siya ngayon sa bagong coffee shop sa tapat ng GMA.”

Nagtayo rin si Kirst at mga kasosyo ng restaurant sa San Juan, La Union pero isinara muna nila iyon.

“Isinara namin, sayang. Patay pa kasi ang negosyo roon. Next year pa namin balak buhayin,” pagbuntong-hininga ni Kirst.

“Kasi, kung hindi namin isasara, lugi kami sa renta.”

May offers kay Kirst na magbida sa BL (boys’ love) series pero hindi pa niya matanggap dahil sa morality clause sa kontrata ng huling patalastas na ginawa niya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“Baka mademanda ako pag nag-BL ngayon. Tapusin ko lang yung kontrata hanggang February next year,” sabi ni Kirst, na labing-isa ang mga alagang pusa.

GORGY RULA

Nginitian lang ako ni Kirst nang tinanong ko kung gimmick lang ba yung sa kanila ni Kiray noon.

Hanggang ngayon ay friends pa rin sila ni Kiray, at happy siya sa love life nito. Nagkakilala na raw sila ng kasalukuyang boyfriend ng komedyana.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Sana matuloy ang pagiging Kapuso ni Kirst dahil gusto na rin niyang ipagpatuloy ang kanyang showbiz career.

Sa pagkakaintindi ko, okay na sana siya sa GMA Artist Center pero may conflict pa sa Star Magic. Pero ngayon ay okay na raw siya, at gusto na rin niyang ma-handle ng GMA Artist Center ang kanyang career.

Sana matuloy iyon para posibleng magsama sila ni Kiray sa isang Kapuso show.

NOEL FERRER

Tulad ng lagi kong sinasabi, water will truly find its level. Sana, manatiling maligaya at mapayapa sina Kirst at Kiray!

HOT STORIES

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Kirst Viray: “Masaya ngayon si Kiray, sobrang in love siya, unlike before. Kasi, yung ex niya… lagi sila noong nag-aaway. Tapos, di ba, yung dating business nila… kumikita naman. Pero baka ibenta niya yung shares niya, para wala na raw conflict sa kanya.”
PHOTO/S: Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results