PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

MMFF Fluvial Parade of Stars pushes through despite bad weather

Alamin ang mga eksenang nangyari sa kauna-unahang MMFF Fluvial Parade of Stars...
by PEP Troika
Published Dec 19, 2021
mmff 2021 fluvial parade
Ilan sa mga eksena sa kauna-unahang MMFF Fluvial Parade of Stars na ginanap ngayong Linggo ng hapon, December 19, sa Pasig River.
PHOTO/S: Facebook

NOEL FERRER

Safe at matagumpay na nairaos ang kauna-unahang fluvial parade ng Metro Manila Film Festival (MMFF) ngayong Linggo, December 19, 2021.

Nagsimulang mag-assemble ang mga tao sa Guadalupe Ferry Statio bandang 1 p.m.

Excited ang lahat ng representatives ng mga pelikula sa pangunguna ni Direk Louie Ignacio (ng Huling Ulan ng Tag-Araw) at nina Direk Jun Lana with Direk Perci Intalan (ng Big Night).

Sumunod na ang ibang entries, except yung mga nagpasabing hindi makakadalo sa fluvial parade ngunit nasa culminating show naman sa Circuit Makati, gaya nina Kim Chiu (ng Huwag Kang Lalabas), Toni and Alex Gonzaga (ng The ExorSis), at Daniel Padilla (ng Kung Maupay It Panahon).

Nasa rules kasi na kapag hindi nakapag-participate ang isang produksiyon sa Parada at Awards Night ay may fine ito at hindi makakasali sa susunod pang MMFF.

Iba rin ang pinagdaanan ng MMFF — nag-indie na, nagdelubyo at balahaw, COVID and pandemya, ngayon naman Omicron at bagyong Odette pero tuluy na tuloy pa rin ang taunang film festival.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Tunay ngang hindi kumpleto ang Kapaskuhan kung wala ito.

Grabe ang pagod namin, pero matatahimik ka na lang at masasabi mo sa sarili mo na we made it through the rain talaga!!!

GORGY RULA

Mabuti na lang at kahit paano ay tumila na rin ang ulan. Pero iba pa rin talaga kung sa kalsada ito ginawa dahil kahit maulan, tiyak na maglalabasan pa rin ang mga tao.

Pero ang kainaman lang nito, hindi naglikha ng matinding traffic. Kaya nairaos naman.

Kapansin-pansin sa Facebook live ng MMFF na karamihan sa mga comment ay inaabangan ang paglutang ng float ng Kun Maupay It Panahon dahil kay Daniel Padilla.

May ilan ding nagpu-post ng #NeliaKillerNurse, na malamang nagtatrabaho rin ang nasa promo ng bawat pelikula.

Nung nakatsikahan namin ang preggy na si Winwyn Marquez sa presscon ng Nelia nung Sabado, December 18, sinabi niyang hindi siya tiyak kung makakasama siya sa parada dahil sa maselang kalagayan niya ngayon. Lalo na’t masama pa ang panahon, hindi na talaga siya pinayagan ng kanyang doktor.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Pero ang saya naman ng float ng Nelia dahil ang kakisigan nina Raymond Bagatsing, Shido Roxas, at ang baguhang si Juan Carlos Galano ang rumampa, kasama pa ang kaseksihan ni Ali Forbes.

Nagpa-abs pa si Juan Carlos nang hinubad niya ang suot na Nelia T-shirt at ipinamigay sa mga tao.

juan carlos galano mmff parade

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Juan Carlos Galano

Pero karamihan ng mga artista ay humabol na sa Circuit.

Kagaya ni Kim Chiu na all-out ang suporta para sa promo ng horror trilogy nilang Huwag Kang Lalabas. Mukhang pinaghandaan nila ang kanilang float na hindi lang basta simpleng ferry boat.

Nasa float naman ng Huwag Kang Lalabas ang supporting cast na sina James Blanco, James Teng, Dave Bornea, Ayeesha Cervantes, at ang direktor ng pelikula na si Adol Alix Jr.

huwag kang lalabas mmff 2021 fluvial parade

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Kahit paano ay naging masaya naman ang mga tao, lalo na ang mga nag-abang sa Circuit dahil doon nagdatingan ang ilang big stars.

JERRY OLEA

Kailangan nating suportahan ang pagbubukas muli ng mga sinehan. Matagal- tagal na rin kasing walang trabaho ang mga kasama natin sa mga cinemas.

Ito na ang tanong: lalabas ka ba para manood ng pelikulang Pilipino at tumulong sa ng nang pelikula. Kita-kits sa 47th MMFF!

HOT STORIES

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Ilan sa mga eksena sa kauna-unahang MMFF Fluvial Parade of Stars na ginanap ngayong Linggo ng hapon, December 19, sa Pasig River.
PHOTO/S: Facebook
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results