JERRY OLEA
Disyembre 26, huling Linggo ng 2021, nag-umpisa ang sitcom ni John Lloyd Cruz na Happy ToGetHer, bago mag-Kapuso Mo, Jessica Soho sa GMA-7.
Co-stars ni Lloydie sina Miles Ocampo, Jayson Gainza, Ashley Rivera, Jenzel Angeles, Eric Nicolas, Janus del Prado, Kleggy Abaya, Vito Quizon, Leo Bruno, Wally Waley, at Carmi Martin.

Happy ToGetHer
Ngayong Enero 3, unang Lunes ng 2022, magpapasiklab ang Chinoyserye ni Barbie Forteza na Mano Po Legacy: The Family Fortune. Mapapanood ito mamayang 9:35 p.m., pagkatapos ng The World Between Us sa GMA Telebabad.
Co-stars dito ng Kapuso Primetime Princess sina Sunshine Cruz, Maricel Laxa, Boots Anson-Roa Rodrigo, David Licauco, Nikki Co, Rob Gomez, Dustin Yu, Darwin Yu, Almira Muhlach, David Chua, at Casie Banks.

Mano Po The Legacy
Sa Enero 10, magpapakitang-gilas muli si Jo Berry bilang Little Princess.
Sa Enero 17 mag-uumpisa ang second season ng Prima Donnas, kung saan may bagong mukha ang kasamaan. Good-bye, Aiko Melendez… hello, Sheryl Cruz?!
Sa Pebrero 14 naman raratsada ang Artikulo 247 nina Rhian Ramos, Benjamin Alves, Mark Herras, at Kris Bernal.
Kabilang pa sa aabangan ng mga Kapuso ang The Fake Life, Raising Mamay, Apoy sa Langit, Abot-Kamay na Pangarap, Frozen Love, Return to Paradise, Underage, Heaven in My Heart, Nakarehas na Puso, Family Feud, Running Man Philippines, Sing for Hearts, The Best Ka, Agimat ng Agila (Season 2), at syempre pa, ang Voltes V Legacy.
Para sa mga Kapamilya, mas hopeful ang taong 2022 kung saan mas marami ang “2”!
Sa darating na weekend, Enero 8 at 9, nagbabalik ang I Can See Your Voice hosted by Luis Manzano.
Ngayong Enero rin magpapagigil ang kabitseryeng The Broken Marriage Vow nina Jodi Sta. Maria, Zanjoe Marudo, Sue Ramirez, at Zaijian Jaranilla.

The Broken Marriage Vow
Magpapakilig naman ang 2 Good 2 Be True nina Kathryn Bernardo at Daniel Padilla, Love In 40 Days nina Loisa Andalio at Ronnie Alonte, at My Papa Pi nina Piolo Pascual at Angelica Panganiban.

Pinakaaabangan siyempre ang fantaserye ni Jane de Leon. Lilipad na… Mars Ravelo’s Darna!
Bida sina Liza Soberano at Enrique Gil sa pelikulang The BreakUp Trip, at ikinakasa na ang kanilang teleserye.
Handog din ng ABS-CBN ang Flower of Evil nina Piolo Pascual at Lovi Poe, ang teleserye ni Ivana Alawi, at The Rebirth of Cattleya Killer.
Pang-iWantTFC ang He’s Into Her (Season 2) nina Donny Pangilinan at Belle Mariano; Lyric and Beat nina Seth Fedelin at Andrea Brillantes; Bola Bola nina Francine Diaz at Akira ng BGYO; Sleep With Me nina Lovi Poe at Janina Gutierrez; Misis Piggy ng mag-inang Sylvia Sanchez at Ria Atayde; The Goodbye Girl nina Elisse Joson, Loisa Andalio, Barbie Imperial, Maris Racal at Angelica Panganiban; Tara G nina Anthony Jennings at Daniella Stranner; at Click Like Share (Season 3).
Para sa mga Kapatid, mamahalin, kagigiliwan at aabangan ang bagong seasons ng Rolling In It Philippines ni Yassi Pressman at Masked Singer Pilipinas ni Billy Crawford.
Pampa-good vibes ang lifestyle-travel show ni Ethel Booba na Lakwatsika. Magpapaandar ang The Biggest Search at The Comeback.
May bagong kuwelanobela na pupukaw sa puso ng buong pamilya, ang Nurse Lovely. Magpapakilig naman ang For Your Eyes Only. Good vibes ang hatid ng sitcom ni Maja Salvador tungkol sa buhay-showbiz, ang Oh My Korona.
Tuluy-tuloy pa rin ang kasiyahan sa Lunch Out Loud, ang kantahan sa Sing-Galing, at ang inspiring teleserye na Niña Niño.
GORGY RULA
Maganda at pursigido ang TV5 sa pag-produce ng mga bagong pasabog nila sa 2022. Pero sana, lalo pang palakasin ng TV5 ang kanilang signal, lalo na sa ilang probinsiya na nagrereklamo pa ring mahina roon ang naturang network.
Mabuti at binigyan ng programa sina Anthony Jennings at Daniella Stranner ng Kapamilya channel. Promising ang mga batang ito, pati sina Jeremiah Lisbo at Kaori Oinuma na bida rin sa Love at First Stream.

Pursigido rin ang Net 25 na magpasabog sa mga bagong programang aabangan sa 2022.
May comedy show tuwing weekend ang Quizon family na sina Eric, Epi, at Vandolph kasama ang asawa nitong si Jenny Quizon. Kakaibang comedy show na may gags, sketches at iba pa sa programang Quizon Comedy Theater.

Meron din show si Aga Muhlach, ang Bida Kayo Kay Aga, na mapapanod tuwing Linggo ng 6:00 p.m.

Meron pang magazine format na show tampok ang mga bagong mukha ng Net 25 na pinamagatang Kada 25. At may daily shopping program naman na ihu-host ni Jojo Alejar ang Shopping All the Way.
Gusto ko rin sanang malaman kung matutuloy pa ba ang mahigit isang taon nang pinaplanong noontime show sa PTV 4 na Good Laffternoon.
Ang ALV Productions ang isa sa producers nito. Pero abala pa si Arnold Vegafria sa political career niya.
Ewan ko kung matutuloy pa ito. Hopia pa naman dito ang ilang stand-up comedians na magiging bahagi sana ng programang ito.
NOEL FERRER
Ang tanong: telebisyon pa rin ba ang pangunahing pang-aliw ng mga naka-quarantine na mga kababayan natin?
Ang sagot: oo naman!
Pero unlike before, hindi na appointed viewing ito, kundi mas watch at your convenience. Not necessarily through TV na kundi kahit sa kahit na anong gadget.
Truth be told, malaki talaga ang nabawas na audience sa TV nang mawalan ng franchise ang ABS-CBN.
Nadagdagan naman kahit papaano ang viewers ng GMA-7 at TV5, pero we lost more viewers to streaming. At hindi lang basta streaming sites, ha, kundi sadly, yung pirated streaming sites.
With movies still sidetracked sa pagsirit muli ng COVID cases, panibagong adjustments na naman ang kailangang gawin both sa viewing at lalo na sa production.
Paano kaya makakabangon ang ating industriyang kailangan talaga ng major ayuda?
Use these Adidas PH promo codes when you shop or order online. Marami pang ibang coupons dito.
