PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Liz Alindogan, pinatulan ang nang-okray sa kanyang TikTok videos

Liz Alindogan: "lahat ba na nag tiktok Para sa sikat Lang?"
by PEP Troika
Published Jan 4, 2022
liz alindogan tiktok
Liz Alindogan who called her "laos" after watching her TikTok videos: “Buraot bigay mu sa akin g cash mu padalhan kita ng pang gastos at pang kain bka nalilipasan k parati ng gutom at bitter ka sa buhay. Lahat tatanda at pwede maging Laos, di ko nman sinasabi na sikat ako, nag tiktok Lang nman ako..."
PHOTO/S: TikTok

JERRY OLEA

Maraming naaliw sa pagti-TikTok ng 1980s sexy star na si Liz Alindogan, pero meron ding nang-okray.

Sinabihan si Liz ng isang netizen na may username na Bawal Buraot na kesyo matanda na siya at matagal nang laos.

@lizalindogankho

Wow happy Christmas ##fyp??Wow done wt washing of plates happy si nanay hahaha

? Title - Meghan Trainor

Patola si Liz at nag-post sa Facebook nitong Enero 4, Martes ng umaga: “Buraot bigay mu sa akin g cash mu padalhan kita ng pang gastos at pang kain bka nalilipasan k parati ng gutom at bitter ka sa buhay.

“Lahat tatanda at pwede maging Laos, di ko nman sinasabi na sikat ako, nag tiktok Lang nman ako at na feature pa ako sa tv patrol Kay Marc Logan wt views of 900th for that one video only, in just few days.

“Kung mag stop na sa career at age 22 at the peak of ur career. Eh tlgang mawawala k na sa circulation choice ko yun.

“Tama na siguro ang almost 93 movies na nagawa ko,, in 6yrs,,, ang impt until now masaya contented, buo pamilya professionals & tapos na sa school ang mga anak.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“Maganda buhay, healthy my naipon, my work pa rin at kinuha ng viva as viva contract artists doin movies again if I Iike the role & want to accept it, and have other work esrning. as president of our family Corp, etc , and most impt nasa panginoon!!

“At dami blessings, anu problema mu buraot?? lahat ba na nag tiktok Para sa sikat Lang?? ..sorry ha. Or baka gusto mo ba maranasan sumikat.??”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Nagkomento sa FB post ni Liz ang dalawang kaibigan niya na kakontemporaryo.

Sabi ni Sarsi Emmanuelle (Jennifer Papillero sa totoong buhay), “Oh no! Don't stoop down sissy! You're far beyond from her... JESUS LOVES YOU!”

Reply ni Liz, “Minsan sis kailangan malaman ng mga Yan Para di manlait ng kapwa ng free Lang,, aftr I said it di ko na sya pansin,, di na naman pag stoop down sa level nya eh freedom ko yun to answer her, aftr one and last freedom ko to say my piece aakyat na ako sa level ko atleast flexible ako.

“Sya Kaya makaka akyat sa level ko?! Hahaha that's my point sis ang mga Yan Kaya libreng Libre to say anything they want below kasi sanay na di naman Sila pinapatulan

“Kaya ako pinapatulan ko kaht sa palengke pag may nang ba bastos papatulan ko pag uwi ko iba na ako atleast nasupla ko NG Mas grabe pa sa sinabi nya

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

“Kesa pabayaan ko lang bastusin ako or anyone, si Jesus nung naiinis na sa mga bastos at walang modo na mga tao aba pinag papatulan nya Para Alam nila ang Mali nila pinag hhampas nya mga gamit etc etc.

“Eh bastos, titingnan mu lang Para di bumaba sa kanila. Bbabain kita aftr that ssakay na ako sa magara Kung sasakyan. Of course I know love ako ni God.. Pero di free na mag pa bastos.”

Pag-ayon ni Sarsi, “May point ka. Easy lang sis. Jealousy, envy, hatred ang mga nasa puso ng tao na yan. Not even happy in their own life, kaya ibang tao ang pinag kaka busyhan.”

Second the motion ng Urian at FAMAS winner na si Dexter Doria, “You go gurl!”

Komento naman ni Angela Perez, “Wag mo sila pansinin dahil ganyan talaga ang mga taong pinamamahayan ng inggit sa katawan. Just do what makes you happy as long as wala ka tinatapakang tao.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Tugon ni Liz, “Angela Perez Tama ka dear friend love u... Pero papatulan ko muna Sila NG one last time and that's it di ko na pansin nyan for life

“Magsalita pa Yan ng 100 X WALA NA AKONG PAKI. DI MAN LANG AKO MAGAGALIT AT MAKAKALIMUTAN KO NA YAN sanay pa nman ako ng switch off and switch on if I like.. Hahaha

“PERO DI KO SYA BBGYAN NG WHOLE FREEDOM. SUSUPLAHIN KO NG ISANG BESES LANG. FREEDOM KO DIN YUN HAHAHA

“Sa parlor sa grocery or mall anywhere sa hotel pag my nang bastos sa akin naku hharapin ko tlga KHT sino pa Yan.. SUSUPLAHIN ko para Alam nya di nya freedom mang bastos.

“Kung di PA sya tumigil at pinahaba pa nya ayun nasabi ko na gusto ko then di ko na sya nkkita dedma then I smile wt my sweetest smile di tapos.,

“Sya na yung super galit I give her or him.. Her own dose of medicine then dedma pipito pito na ako.. . Hahaha”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Ang sagot ni Angela, emojis na thumb up at laughing.

Si Liz ay isa sa leading ladies ni Dolphy sa pelikulang Dolphy’s Angels (1980), na nagtampok din kina Carmi Martin, Anna Marie Gutierrez, at Yehlen Catral.

Naging leading lady rin siya ni Fernando Poe Jr. sa Ang Panday (MMFF 1980).

Gumanap si Liz bilang lola ni Julia Barretto sa drama series ng TV5 na Di Na Muli (Setyembre-Disyembre 2021).

GORGY RULA

Kapag active ka sa social media, ihanda mo na ang sarili mong ma-bash ka at mapulaan ng mga nagmamagaling. Iyon na ang role ng mga bashers.

Kung may mga positive posts, meron ding negative. Kung may maganda, may pangit.

Kaya ituloy lang ni Liz kung masaya siya sa ginagawa niya.

Si Gina Pareño na may 1.7M followers na sa Tiktok, mahigit 10M na ang likes. Ang daming natutuwa sa kanya, kaya ganado siyang mag-iindak sa mga TikTok posts niya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Kaya keber! Ituloy lang ang pagti-tiktok ng mga oldies!

NOEL FERRER

I still remember Liz Alindogan bilang isa sa mga Super Angels ng Ginebra San Miguel noong kapanahunan ninyo, Tito Gorgy!

Huli ko siyang nakausap sa birthday party ng yumaong Direk Maryo J. de los Reyes at very game siyang impromptu ba napakanta ng kanyang signature "Cloud Across The Moon" promo song with matching indak at halakhak.

Kaya hindi na ako nagulat na mahumaling din siya sa TikTok kasi napakasaya at sigla lang ng kanyang presensya at disposition.

Go, go, Liz!!! Ipagpatuloy mo ang pagpapakita at pagpapasaya mula sa angkin mong alindog!!!

HOT STORIES

Use these Shopee vouchers when you shop or order online. Marami pang ibang coupons dito.

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Liz Alindogan who called her "laos" after watching her TikTok videos: “Buraot bigay mu sa akin g cash mu padalhan kita ng pang gastos at pang kain bka nalilipasan k parati ng gutom at bitter ka sa buhay. Lahat tatanda at pwede maging Laos, di ko nman sinasabi na sikat ako, nag tiktok Lang nman ako..."
PHOTO/S: TikTok
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results