PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Bambbi Fuentes introduces newbies Leone Adriano, Khai Flores

Apo ni Rosanna Roces, pinasok na rin ang pag-aartista.
by PEP Troika
Published Jan 19, 2022
Leone Adriano, Khai Flores, Bambbi Fuentes
Beauty expert Bambbi Fuentes (not in photo), pinasok na rin ang talent management via Dragon Artists Management. Kabilang sa mga inilunsad niyang talents ay sina Leone Adriano (left) at Khai Flores (right).
PHOTO/S: Courtesy of Bambbi Fuentes

GORGY RULA

Dala ng pandemya, naisip ng kilalang beauty expert na si Bambbi Fuentes na magtayo ng sariling talent management group.

Noong kasing nagsimula ang pandemya, naapektuhan ang mga beauty salon na pansamantalang nagsara.

Ito ang dahilan kaya nag-decide siyang ituloy ang pagma-manage ng mga bagong talents. Kasama ang kaibigan ni Bambbi na si Ms. Tine Areola, binuo nila ang Dragon Artists Management.

"It all started last year, naisip namin kasi wala kaming pasok most of the time, kasi lockdown. We thought of managing potential artists.

"Matagal na kasi akong inaalok na mag-manage. Sumikat na nga ang dalawang tinanggihan ko, kasi feeling ko hindi pa ako hinog to manage during that time.

"Kaya tanggi ako nang tanggi," pahayag ni Bambbi.

LEONE ADRIANO

Merong siyang binuong Dragon Boys, kung saan kabilang dito ang guwapitong bagets na si Leone Adriano.

Si Leone ang 14-year-old apo ni Rosanna Roces. Anak siya ng bunsong anak ni Rosanna na si Onyok Adriano.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Napasama si Leone sa isang indie film, ang Tuloy Bukas Ang Pinto, at na-enjoy raw nito ang pag-arte.

Pahayag ni Leone, "Malaki po ang maitutulong ng pagpasok ko sa showbiz na makilalang apo ni Rosanna Roces, at anak po ni Onyok, pero gusto ko rin po na makilala rin ako sa sarili kong pangalan balang-araw.

"Simula po nung bata pa lang ako, gusto ko na po talaga mag-artista. Support naman po ako ng aking lola, at minsan po isinasama niya po ako sa kanyang shooting.

"Lagi pong sinasabi ng lola ko na laging mabait at maging humble at gawin ang aking best."

Leone Adriano

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

KHAI FLORES

Marami nang talents na tini-train at dini-develop ng Dragon Artists Management, at isa sa ginu-groom nilang aktor ay ang 19-year-old na baguhang si Khai Flores.

Kasama si Khai sa pelikulang Sugat sa Dugo. Pinagbidahan ito ni Janice de Belen, na nanalong Best Actress sa 2021 International Film Festival Manhattan Autumn.

Kuwento ni Khai sa PEP Troika, na-starstruck siya kay Janice nang una silang nagkita sa shooting ng pelikula.

Mahalaga raw ang role niya rito bilang si Jack, at nasalang agad siya kasama si Janice.

"Nasa hospital po yung scene namin ni Ms. Janice, hindi po ako makatingin sa kanya nang maayos, kasi ang galing po niya. Sobrang idol na idol po siya ng lola ko since bata pa siya.

"Nasa elementary po ako nun, ang sikat na nun ng SiS na show niya. Napapanood ko po iyon dahil sa lola ko.

"Ang masasabi ko lang po kay Ms. Janice, swabeng aktres po niya at ang dami ko na pong natutunan sa kanya. Isa po run is respect your co-actors," saad ni Khai.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Khai Flores

Pursigido si Bambbi at ang buong team ng Dragon Artists Management na tumuklas ng bagong talents, kahit nasa pandemya pa rin tayo.

Tuluy-tuloy pa rin naman ang tapings kung saan may nakukuha nang talents sa kanila.

May mga naka-lineup na rin silang pelikula na gusto nilang simulan, kagaya nitong Sugat sa Dugo, kung saan si Bambbi ang nagsulat ng kuwento at siya ring executive producer.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Bambbi Fuentes and the stars of Dragon Artists Talent Management

HOT STORIES

NOEL FERRER

Show business will always need new artists, at sana nga ay maka-discover si Bambbi ng magtatagumpay at magtatagal.

Hindi ko alam pero hindi ba na-associate din si Bambbi sa isang boy group noon?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Malamang na may mata siya talaga sa pag-discover ng star. I’m sure he will also learn the hard tasks of talent development, brand essence, and career strategic planning!

Welcome to our fold, Bambbi!

JERRY OLEA

Napakarami pa ring gustong mag-artista, kahit sa panahon ng pandemya. Ang daming nawalan ng trabaho dahil sa COVID-19 kaya andaming naghahanap ng ikabubuhay.

Shortcut ang pagiging artista, sa tingin ng iba. Pero mas mahigpit ang kumpetisyon ngayon.

Kung ako ay isang baguhan na nangangarap mag-artista, ang nanaisin ko ay maging Kapuso.

Pero kahit walang prangkisa ang ABS-CBN, andami pa ring gustong mag-PBB.

Good luck sa mga baguhang tulad nina Leone at Khai, maging sa kaibigan nating si Bambbi sa bagong larangang pinasok niya!

HOT STORIES

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Beauty expert Bambbi Fuentes (not in photo), pinasok na rin ang talent management via Dragon Artists Management. Kabilang sa mga inilunsad niyang talents ay sina Leone Adriano (left) at Khai Flores (right).
PHOTO/S: Courtesy of Bambbi Fuentes
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results