JERRY OLEA
Buhay na buhay pa po si Kris Aquino!
Fake news po ang kumalat na pumanaw na si Kris o naghihingalo na.
Nag-post si Kris sa Instagram nitong Enero 24, 2022, Lunes ng gabi, upang linawin ang bali-balita.
Kalakip nito ang screenshot ng online novena mass nila, kasama ang kanyang mga pinsan sa Cojuangco clan at ilang malapit na kamag-anak, para sa pagpanaw ng kanyang pinsan noong nakaraang linggo.
Saad ni Kris sa caption, “This was taken by bimb last night while we were praying w/ the rest of our Cojuangco cousins & the Teopaco family’s closest friends during the Zoom novena Mass for my cousin Marla who passed away Friday, January 21.
“Bimb wanted to send the pic to his Ninay/ kuya josh’s pretty ninang because he felt so bad that we are unable to be with them during their time of grief… we are strictly adhering to the 14 day CDC recommended quarantine and our final & definitive PCR won’t be until January 26. Kuya because he had moved to 1 of our leased condo units was cleared earlier, on Jan 22.
“@boss1020 is my closest cousin & apart from my Ate, the one who knows all my life’s pain & secrets… the one aware of what my plans are & what my real physical condition is, because she’ll be the one i know who shall be looking after my 2 sons should anything happen to me."
Kasunod nito ay pinabulaanan ni Kris ang kumakalat na maling balitang nasa ospital siya o nasa Amerika at nasa kritikal na kundisyon.
Saad niya, “it’s been disturbing that since Friday so many have been spreading fake news about me being either in St Luke’s BGC or the States but always with the same theme, that i’m in the ICU and in critical condition. NONE OF THAT IS TRUE.
“ayaw akong tigilan ng #fakenews and parang sobrang excited yung mga trolls na within 1 year both Noy & me would pass away.
“Sorry to disappoint pero buhay at ilalaban pa na mapahaba ang oras ko because kuya josh & bimb still need me.
“To all my REAL friends who have gone out of their way to reach out, send me food, fruits, flowers, balloons and just so much na nahihiya na ko- because they want to make make me feel their love & affection- you have my lifelong loyalty & gratitude.
“i have a lot more to say, perfect timing because birthday ng mom ko tomorrow January 25… my nurse has been signaling me, time for my meds, time for my shots (bad urticaria flare now) and lights out soon. Good night but definitely it’s not yet goodbye.”
NOEL FERRER
Patuloy tayong nananalanging sana maging maayos at mabuti na ang kalagayan at kalusugan ni Kris Aquino.
Gusto rin nating alalahanin, lalo na ngayon, si dating Pangulo Cory Aquino na ipinaglaban natin sa EDSA bilang pagtatapos ng isang mapaniil at corrupt na rehimen.
Sana, magsilbi itong inspirasyon para magawa natin ang ating dapat makamit sa ating lipunan ngayon.
GORGY RULA
Idagdag na rin natin Sir Noel na ngayong Martes, January 25, ang kaarawan ng dating Pangulong Cory Aquino.
Sa totoo lang, sobrang gamit na gamit ang kalagayan ngayon ni Kris Aquino sa social media. Ang daming accounts sa TikTok na nakailang parts na sila sa pagpu-post ng fake news tungkol kay Kris.
Ang galing pa nilang mag-edit at napapagtagni-tagni nila ang mga nakaraang interviews ni Kris. Pati ang mga dating nakarelasyon ng actress-host ay ginagawan pa ng kuwentong naikokonek sa kalagayan niya ngayon.
May isang kilala natin na parang ang saya pang nagba-blind item na naghihingalo na raw itong kilalang female personality. Sana, huwag ito mangyari sa kanila o sa miyembro ng pamilya nila.
Marami naman ang nag-aalala sa kalagayan ngayon ni Kris. Mas marami pa rin ang nagmamahal sa kanya at patuloy na nagdarasal na gumaling siya at malagpasan niya ito.
