GORGY RULA
Patuloy pa rin ang pamba-bash kay Kelley Day dahil sa pagkakasangkot nito sa isyung hiwalayan nina Tom Rodriguez at Carla Abellana.
Ito ay sa kabila ng itinanggi na ng Kapuso actress-beauty queen ang paratang na siya ang third party sa balitang hiwalayan ng mag-asawa.
Read: Kelley Day denies being third party in Tom Rodriguez-Carla Abellana rumored breakup
Apektado na rin ang ina ni Kelley na si Lenie Day kaya sinagot nito ang ilang namba-bash sa kanyang anak.
May isang netizen, na tila isang teacher, ang nagsabing masamang tao raw si Kelley na idol pa naman daw ng mga estudyante niya. Sinabi pa ng netizen na hindi niya matu-tolerate ang adultery at hindi raw niya ito ituturo sa mga estudyante niya.
Sagot ng ina ni Kelley: “Grabe ka din mag-judge, ano po mam teacher po ba kayo? Pakibasa po ang statement ni Kelley at wala pong katotohanan ang tsismis at FYI nasa London po siya para sa funeral ng lola niya and to support her father at ang kapatid niya. Konting respect po sa kapwa natin. Salamat po.”


Sinagot siya ng netizen na nagkuwento raw ang isang estudyante niyang naging janitress umano sa GMA-7. Sinigawan daw ni Kelley ang janitress dahil sa hindi lang daw nalinis ang mesa niya.

Si Kelley na mismo ang sumagot sa netizen.
Sabi ng Kapuso actress: “Never po ako sumigaw sa isang janitress, kahit saan, sa buong buhay ko.
“I never had anything with Tom either. I hope that when the truth comes out, your students will learn not to trust everything they read online.”

Marami naman ang nagtatanggol sa Kapuso beauty queen-actress, at nagpapasalamat sa kanila ang ina ni Kelley sa suportang ibinigay sa kanyang anak.
Nasa Tarlac ang ina ni Kelley at hindi na ito sumama sa London. Abala ito sa ipinapatayo niyang bahay doon para kay Kelley.
Tiyak daw siyang babalik ang kanyang anak sa susunod na buwan, dahil wala raw itong itinatago at lalong hindi ito buntis.
JERRY OLEA
Meron na bang nagkumpirma sa kampo ni Tom o Carla kaugnay sa tsismis na hiwalay na sila?
“Silence means yes” ba sa usaping ito? As in pregnant silence?
Nanganak nang nanganak tuloy ang mga tsismis, at kahit minsan nang itinanggi ni Kelley na buntis siya, tuluy-tuloy ang paglobo ng tsikang nagdadalantao ang Kapuso actress.
Masakit ito para kay Kelley at sa kanyang butihing ina, lalo pa’t may kasintahan si Kelley na yayamanin, pogilicious, at anak ng isang dating aktres.
Mabait kay Kelley sina Tom at Carla. Dumalo si Kelley sa kasal ng mga ito noong Oktubre, di ba?
Wagas ba ang kanilang pag-ibig? Walang pag-iimbot, at walang pagkukunwari?
Ang sabi nga sa kanta, “Gaano kadalas ang minsan mo akong saktan?/ Kahit minsan lang, sa ‘kin para bang walang katapusan/ Gaano kadalas ba ang puso'y namamatay?/ Gaano kadalas, gaano kadalas ang minsan?”
NOEL FERRER
Mismo!!! Let us see kung aabsweltuhin siya ni Carla. Dahil sa isyung ito, walang ibang mahalagang boses kundi ang kina Tom at Carla.
Ang tanong kay Kelley ay kung masaya ba siya talaga sa boyfriend niyang anak pa man din ng matitinong tao, bakit may mga isyung ganitong lumalabas?
Dapat behaved siya pati sa kanyang public pronouncements.
