Watch Now

Dingdong Dantes, ipinamalas ang husay sa pag-arte sa kanyang dual role sa AlterNate

by PEP Troika
Jan 31, 2022
dingdong dantes alternate
Dingdong Dantes on his dual role in AlterNate: "Gusto ko kasi parati ako natsa-challenge at nahihirapan sa ginagawa ko, and masasabi ko isa ito sa pinakamahirap talaga."
PHOTO/S: GMA Network

GORGY RULA

Maraming pumuri sa galing ni Dingdong Dantes sa episode ng I Can See You: AlterNate noong Biyernes, January 28, 2022.

Ang haba ng eksena nila ni Jackie Lou Blanco na gumaganap na ina niya.

Sa nasabing eksena, napilitan ang bulag na si Nate (Dingdong) na aminin sa kanyang ina na nandun siya nang aksidenteng namatay ang kanyang amang si Ricky Davao.

Sa eksenang yun ay naguguluhan si Nate dahil tila bumubulong sa kanya ang boses ng namatay na ama na sinusumbatan siya sa pagkamatay nito. Gulung-gulo si Nate hanggang sa nasakal niya ang kanyang ina.

Magkakaiba ang ipinapakitang karakter dito ni Dingdong sa dual roles na ginagampanan niya bilang ang kambal na sina Michael at Nate. Napapag-iba niya ang dalawang karakter.

dingdong jackie lou alternate

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Aminado si Dingdong na nahirapan siya sa AlterNate, pero na-enjoy raw niyang gampanan ito.

Saad niya, “Gusto ko kasi parati ako natsa-challenge at nahihirapan sa ginagawa ko, and masasabi ko isa ito sa pinakamahirap talaga.

“Kasi ini-enjoy ko yun, and at the same time nangyari lahat ng ito dahil sa collaboration namin lahat sa set.

“So, kumbaga, na-co-create namin lahat ng characters ng bawat isa dahil sa commitment ng bawat ng bawat isa.

“Imagine, na-lock-in kami for 30 days, and simula pa lang ng quarantine, talagang pinaglalaruan na namin yung characters namin, and it was a very, very great experience.

“Kung kaninong character ako mas nag-enjoy sa pagganap? I must say pareho, kasi siyempre mag-eekspiremento ka dun sa isa, tapos ganun din sa isa. They were equally as difficult and as exciting to portray,” pahayag ni Dingdong sa nakaraang virtual mediacon ng AlterNate.

Pinuri rin ni Dingdong ang leading lady niyang si Beauty Gonzalez dahil nagagawa nitong pag-ibahin ang atake ng karakter niya depende kung si Michael o si Nate ang kanyang kaeksena.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Sabi pa ni Dingdong, “Minsan nga nahuhuli ako na nagugulat dahil sa ibinibigay niyang mga nuances na iba-iba. Kasi siyempre, iba ang ibibigay niya kay Nate, iba ang ibibigay niya kay Michael.

“I guess dun talaga papasok yung teamwork. Parang sayaw din iyan, e. Hindi mabubuo ang isang eksena pag hindi isasabuhay ang isang karakter kung nasa isang eksena.

“Kumbaga, sabi nga acting is reacting. So, I’m very lucky na nagawa ko itong napakahirap na dalawang roles na ito sa harap ng isang napakagaling na aktres.”

Malaking bagay rin ang tulong ng stand-in ni Dingdong sa taping. Kaya talagang nagpapasalamat ang GMA Primetime King na pumayag ang aktor na ito para mag-stand-in sa buong taping ng AlterNate.

Ngayong Lunes, January 31, ay ipakikilala na sa 24 Oras kung sino ang aktor na nag-stand-in para kay Dingdong Dantes.

NOEL FERRER

Finale week na pala agad ng AlterNate! Sana mas mapahabaan pa ito kasi baka ito ang puwedeng tumapat sa FPJ’s Ang Probinsyano kung stature lang ng bida ang pagbabasehan.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Oh well, ganyan na yata ang attention span ng mga tao sa free TV ngayon. Forever nagbabago at hindi na nagtatagal.

At least, through this, nabibigyan ng bagong episodes ang mga tao (at hindi reruns lamang), may bagong trabaho at nagagamit ang guaranteed income ng mga artista.

Kung ito ba ang pumapasa sa kanilang panlasa at kailangan nila sa kanilang buhay, ibang usapin na rin yun.

Good luck sa finale week ng AlterNate!

JERRY OLEA

Wagi sa ratings ang I Can See You: AlterNate na pumalit sa The World Between Us.

Narito ang combined ratings (GMA, GTV) ng AlterNate last week, January 24-28, ayon sa AGB Nielsen: 8.7% (Monday), 9.6% (Tuesday), 8.8% (Wednesday), 9.2% (Thursday), at 9.5% (Friday).

Kahit wagi sa ratings ang I Can See You: AlterNate ay hindi ganun karami ang sumusubaybay rito. Hindi siguro type ng ibang televiewers na may pagka-dark ang story nito.

Sa pagwawakas ng AlterNate, pupuwesto sa timeslot nito ang Mano Po Legacy: The Family Fortune, na susundan ng Season 3 ng Koreanovela na The Penthouse.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Hopefully ay mag-improve ang ratings ng Chinoyseryeng Mano Po Legacy sa Year of the Tiger. Sana rin ay bumaba na ang nadadagdag na COVID-19 cases sa bansa.

Sa pilot week kasi ng Chinoyserye ni Barbie Forteza ay pataas nang pataas noon ang bagong dagdag na coronavirus cases.

Last week, kinabog ng panghapong Little Princess ni Jo Berry ang Mano Po Legacy ng Kapuso Primetime Princess.

Two weeks na lang ang I Left My Heart In Sorsogon at magpapakilig na muli sina Melody (Sanya Lopez) at President Glenn Acosta (Gabby Concepcion) sa First Lady.

Abang-abang tayo kung papantay man lang ba ang ratings ng First Lady sa First Yaya!

HOT STORIES

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Dingdong Dantes on his dual role in AlterNate: "Gusto ko kasi parati ako natsa-challenge at nahihirapan sa ginagawa ko, and masasabi ko isa ito sa pinakamahirap talaga."
PHOTO/S: GMA Network
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results