PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Enchong Dee posts bail for cyber libel charge in NBI

Enchong Dee, boluntaryong sumuko sa NBI.
by PEP Troika
Published Feb 1, 2022
Enchong Dee
Enchong Dee voluntary surrenders to NBI and posts bail for cyber libel following complaint filed by DUMPER Partylist Representative Claudine Bautista-Lim.
PHOTO/S: @mr_enchongdee Instagram

NOEL FERRER

Boluntaryong sumuko si Enchong Dee sa National Bureau of Investigation (NBI) sa Quezon City nitong Enero 31, 2022, Lunes ng hapon,

Kaugnay ito ng cyber libel complaint na isinampa ni DUMPER Party-list Representative Claudine Bautista-Lim laban sa aktor noong August 23, 2021.

Pormal na kinasuhan ng piskalya si Enchong sa Davao Occidental noong November 16, 2021.

Kung anuman ang kahihinatnan nito, makikita natin ang pagpapakatotoo ni Enchong at hinaharap ang kanyang naging pagkakamali.

Napag-alaman nating bailable ang kasong ito, hassle nga lang.

Last weekend, bali-balitang lumabas ang warrant of arrest laban kay Enchong.

Ibig sabihin, sa kusa niyang pagpiyansa sa kanyang kasong cyber libel ay hindi na umabot sa puntong siya ay naaresto.

JERRY OLEA

Ayon sa source ng PEP Troika ay nakapagpiyansa si Enchong ngayong Lunes ng gabi, January 31.

Non-working holiday (Chinese New Year) ngayong Martes, February 1, 2022.

Kung hindi nakapagpiyansa si Enchong at sakaling siya ay naaresto sa araw ng holiday, baka magpalipas siya ng gabi sa detainment.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Sinubukan ng PEP Troika na hingan ng opisyal pahayag ang Star Magic, ang ABS-CBN talent management arm, na nangangalaga sa showbiz career ni Enchong.

Agad naming ibabahagi ang pahayag ng Star Magic sa oras na matanggap namin ito.

Walang opisyal na pahayag si Enchong mula pa nang maiulat na umakyat sa korte ang kasong cyber libel sa kanya.

August 14, 2021 nang makiisa si Enchong sa netizens na binabatikos ang anila'y marangyang kasal ni Representative Claudine Bautista-Lim sa childhood friend nitong si Jose French "Tracker" Lim.

Tweet ni Enchong: "The money for commuters and drivers went to her wedding. Let’s not prolong this conversation and don’t say otherwise."

Umalma si Bautista-Lim nang makarating sa kanya ang tweet ni Enchong, pati na rin ang batikos sa kongresista ng ilan pang artista na sina Pokwang, Ogie Diaz, at Agot Isidro.

Noong August 18, 2022, humingi ng paumanhin si Enchong kay Bautista-Lim via Twitter at inaming "reckless" ang tweet niya laban sa kongresista.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Hindi tinanggap ni Bautista-Lim ang paumanhin ni Enchong.

Sa ulat ng Rappler noong December 2021, nakasaad na na-dismiss ang cyber libel complaint na isinampa ng kongresista kina Agot, Pokwang, at Ogie.

Ayon sa resolusyon ng prosecutors ng Davao Occidental, nakasuhan si Enchong dahil nakitaan ng malisya ang "reckless and irresponsible tweet" ni Enchong na may ginawang "malversation of public funds" si Bautista-Lim.

Ang Davao Occidental ay hometown ni Representative Claudine Bautista-Lim at mister na si Jose French "Tracker" Lim, at sinasabing naroon sila nang maganap ang isyu tungkol sa kanilang kasal.

Ang ama ni Claudine na si Claude Bautista ang gobernardor sa Davao Occidental.

GORGY RULA

Talagang ang pagsuko ang mabuting gawin, dahil hindi ito puwedeng iwasan ni Enchong.

At napag-usapan ang kasong cyber libel, ito rin ang kasong isinampa ng aktor at pulitikong si Jayke Joson laban kay Annabelle Rama.

Pormal na naghain si Jayke ng kasong cyber libel sa NBI laban kay Annabelle. Kasama niyang naghain ang mga abogado niyang sina Atty. Larry Gadon at Atty. Ramon Esguerra.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Inireklamo ni Jayke si Tita Annabelle dahil sa umano'y mga malisyosong tweets ng talent manager-celebrity mom noong naglabas si Jayke ng reklamo laban kay Senator Manny Pacquiao.

Nag-tweet si Tita Annabelle ng mga akusasyon laban kay Jayke.

Ayon kay Jayke, wala siyang balak magpaareglo kay Annabelle dahil tinawag pa raw siya nitong magnanakaw.

HOT STORIES

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Enchong Dee voluntary surrenders to NBI and posts bail for cyber libel following complaint filed by DUMPER Partylist Representative Claudine Bautista-Lim.
PHOTO/S: @mr_enchongdee Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results