PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Enchong Dee camp denies actor is evading arrest

"He voluntarily submitted himself to the authorities and posted bail."
by PEP Troika
Published Feb 1, 2022
PHOTO/S: YouTube (Enchong Dee)

JERRY OLEA

Hindi nagtago si Enchong Dee! Hindi siya nagtangkang takasan ang pag-aresto sa kanya!

Ito ang nilinaw ng law firm na Castillo Laman Tee Pantaleon & San Jose, na may hawak ng P1-billion cyber libel case na isinampa ni DUMPER Representative Claudine Bautista-Lim laban sa aktor.

Narito ang kabuuan ng statement ng nasabing law firm na ipinadala sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) ngayong Pebrero 1, Martes ng hapon:

“Contrary to certain media reports, Enchong Dee has been attending to his professional and personal commitments in the past couple of days and has not made any attempt to evade arrest.

“More importantly, as a show of respect for the rule of law, he voluntarily submitted himself to the authorities and posted bail.

“Moving forward, Enchong will take all the appropriate and necessary legal steps to defend himself against the pending lawsuit.”

enchong dee statement

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

GORGY RULA

Iyon na lang ang aasahan natin mula sa kampo ni Enchong dahil ang payo raw sa aktor ay huwag na lang magsalita.

Iyon naman talaga ang dapat niyang gawin. Huwag na siyang magsalita, lalo na’t nasa korte na ang kaso.

Alam kong mahirap ito para sa aktor, pati sa kanyang legal counsel, dahil kailangan pa nilang magbiyahe pa-Davao Occidental para dumalo sa hearing.

Ang narinig ko, pinapayuhan si Enchong na kumuha na rin ng abogado niyang naka-base sa Davao bukod sa kanyang legal counsel dito.

Sana matapos na ito at kung meron mang mediation, sana’y maayos na nila roon para hindi na tumagal ang kaso.

NOEL FERRER

Buo pa rin ang paggalang natin kay Enchong Dee bilang tao at aktor. This will come to pass.

Kung ang mga katulad niya ay nakukuhang aminin ang nagawa, sana ay ganoon din ang mga nagkakalat ng mga maling balita, nagma-malign ng pagkatao, at parang galing ng pusali ang mga lenggwaheng ginagamit para lang ipagtanggol ang mga amo nilang ewan.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Mas masahol pa kay Enchong ang pinaggagagawa ng mga yun!

HOT STORIES

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
PHOTO/S: YouTube (Enchong Dee)
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results