PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Gigo de Guzman on moving on after Christine Dacera case dismissal

Gigo, inaming nagkaproblema sila sa pera dahil sa pagkamatay ng kanyang ina.
by PEP Troika
Published Feb 10, 2022
gigo de guzman
Gigo de Guzman: "Patahimikin na po natin si Christine. Patahimikin na po natin ang nanay ko at lahat na nadamay sa trahedyang ito. Kasi, hindi naman po dapat lumaki ang problemang ito. Napalaki lang po."
PHOTO/S: PEP.ph

GORGY RULA

Nakiusap si Gigo de Guzman na patahimikin na silang mga isinangkot sa kaso ng pagkamatay ni Christine Dacera noong January 1, 2021.

Ibinasura na ng Makati Prosecutor's Office ang lahat ng kasong isinampa laban sa kanilang magkakaibigan, pati ang kontra demanda nia, kaya sana ay tama na raw ito.

Wala na raw sanang gawing aksyon ang kampo ni Christine Dacera.

“Right now, hindi na po namin iniisip 'yan. Pero pag sila po mag-motion for reconsideration, kami rin po magpa-file. Pag sila nag-petition, kailangan po namin sumagot.

“Kami po, nananahimik na po kami. Iyan po ang totoo, pero pag sila po umatake, kailangan po namin sumagot,” pahayag ni Gigo nang nakapanayam namin sa DZRH nung Miyerkules, February 9, 2022.

Dagdag niya, “Patahimikin na po natin si Christine. Patahimikin na po natin ang nanay ko at lahat na nadamay sa trahedyang ito.

“Kasi, hindi naman po dapat lumaki ang problemang ito. Napalaki lang po.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“Kawawa po si Christine, honestly. Patahimikin na po natin. Ipagdasal na lang po natin silang lahat, at mag-move on na rin po tayo.”

Bahagi ng pagmu-move on ni Gigo ay ayaw na niyang sagutin pa ang mga sinasabi ng ina ni Christine na si Sharon Dacera.

Sinagot lang niya ang patutsada ni Sharon tungkol sa tipong nakarma raw sila dahil sa pagkamatay ng ina ni Gigo na si Claire dela Fuente, ng ama ni Valentine Rosales, at ng isa nilang abogado.

Read: Gigo de Guzman dismayed by Sharon Dacera's "below-the-belt" comment; in tears over "poor handling" of Christine Dacera case

Tapos na raw iyon at ayaw na niyang magsalita tungkol dun.

“Ako, hindi ko na lang papatulan, except by saying na napakababaw. Napaka-low ng sinabi niya. Dahil dun, hindi ko na lang siya bibigyan ng dignidad by replying.

“Tao na po mismo ang huhusga sa kanya. Kasi, ipinapakita niya sa lahat ng tao na kung anong klase siyang tao, dahil sa sinabi niya.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Talagang nasira raw ang buhay nila kaya gusto na nilang bumangon at ituloy ang buhay.

Iyon naman daw ang turo ng kanyang ina, na dapat maging matatag sa kabila ng mga pagsubok na hinarap nilang magkapatid.

“Right now po, ang dami po naming pinagdadaanan, Dahil sa pagpanaw ng nanay ko, nagkaroon po kami ng problema sa pera.

“Marami ho kasing investment na hindi natuloy dahil sa pagkawala niya. So, hindi ho nabalik yung pera. Hindi natuloy ang mga proyekto. So, marami ring utang.

“Kami ng kapatid ko, hirap kami po for a couple of months. Walang trabaho kasi nagtatrabaho po kami para sa nanay namin.

“Nung nawala po, naghanap kami ng trabaho, pero wala hong gustong tumanggap sa akin, kasi may kaso pa ho.

“Tapos, medyo inabandona na kami ng iba naming kamag-anak dahil wala na kaming pera.

“Buti na lang ho, marami kaming super matalik na mga kaibigan na tinulungan kami, pinakain kami, binigyan ako ng trabaho, binigyan ako ng pag-asa, suporta lahat.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

“Blessing naman po ang mga kaibigan ko,” seryosong pahayag ni Gigo.

JERRY OLEA

Pitong buwan na raw nagtatrabaho si Gigo sa isang kaibigan ng pamilya.

Thankful din siya sa iba pang kaibigan ni Claire kagaya nina Imelda Papin, Eva Eugenio, at Pilita Corrales na lagi naman daw silang tsini-check.

“Gusto na nga po nila magplano ng isang benefit concert para sa nanay ko. But, unfortunately, masasagasaan po yung concert nila sa U.S. this coming March or April.

“Hindi ko lang po alam, pero ginagawan po nila ng paraan, sila lang daw po ang bahala. Supportive po sina Tita Pilita, Tita Imelda, si Tita Eva.”

NOEL FERRER

Napabalita noong may isang producer na balak mag-produce ng pelikula tungkol kuwento ng buhay ni Christine Dacera.

Ano ang reaksiyon ni Gigo?

“They have all the right to produce the film about Christine. Siyempre, may buhay naman po si Christine kung gustong malaman ng mga tao ang kanyang kuwento, of course po,” tugon ng anak ni Claire.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“Pero pagdating po sa amin, siyempre meron po kaming… may rights po kami.

“Pag hindi po sila nagpaalam, at hindi po namin na-approve or gumagawa lang po ng kuwento, dun po kami sasagot. Hindi po puwede ang ganun.

“Kahit sino naman po, ayaw ang sisiraan ka lalo na sa pelikula. Lalo na ngayon na wala talagang ebidensya na may nangyari. May desisyon na. Ilang beses na natalo sa korte. Ano pa po ang gusto nilang gawin?

“Pero kung ang istorya po ay tungkol kay Christine, of course, okay yun. Pag i-approach po kami, willing po kami mag-participate at magkuwento kung ano po yung nalalaman namin.

"Pero iyon po ang dapat. Patas po pareho."

Kung sakaling magkainteres ang Magpakailanman o Maalaala Mo Kaya na gawin ang kuwento nila ni Claire, okay naman daw siya at marami raw ikukuwento tungkol sa buhay nilang mag-ina.

HOT STORIES

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Gigo de Guzman: "Patahimikin na po natin si Christine. Patahimikin na po natin ang nanay ko at lahat na nadamay sa trahedyang ito. Kasi, hindi naman po dapat lumaki ang problemang ito. Napalaki lang po."
PHOTO/S: PEP.ph
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results