First Lady, extended ng 6 weeks dahil sa mataas na ratings

by PEP Troika
Feb 21, 2022
Sanya Lopez, Gabby Concepcion, First Lady
Ayon sa source ng PEP Troika, magkakaroon ng third lock-in taping ang First Lady para sa additional six weeks sa orihinal na season duration na ito ay eere sa GMA-7.
PHOTO/S: Screengrab from First Lady

GORGY RULA

Nakapagtala ng 13.7% ang rating ng First Lady noong nakaraang Biyernes, February 18, 2022. Ang combined ratings ng FPJ's Ang Probinsyano ay 9.6% that day.

Ang average rating ng First Lady sa pilot week nito ay 14.4%, at 10.3% naman ang sa Ang Probinsyano.

Read: Are Sanya Lopez, Gabby Concepcion hoping to surpass success of First Yaya with First Lady?

Kaya ang saya ng buong cast at production staff ng drama series ng GMA-7.

Ang latest na nasagap ng PEP Troika, mag-e-extend daw ng anim pang linggo ang First Lady dahil sa magandang performance nito sa rating.

Maganda rin ang feedback na sinasabi ng iba na mas interesting daw ito kesa sa Season 1 na First Yaya.

Wala pa namang kinukumpirma ang production staff ng First Lady, pero ang narinig namin, nagpapa-schedule na raw sila ng isa pang lock-in taping dahil sa extension ng airing.

Naka-lock-in pa sila ngayon na dapat ay hanggang ending na. Pero dahil mae-extend, magbi-break lang sila sandali at babalik para sa third lock-in taping.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Madalas ay 13 to 14 weeks ang isang season ng drama series, pero itong First Lady ay maaring madagdagan pa raw ng anim pang linggo.

Titiyakin daw nilang lalo pang pagandahin ang kuwento at baka may madadagdag pang bagong character.

Ngayong gabi, February 21, ay mapapanood na si Alice Dixson bilang si Atty. Ingrid Domingo na dagdag pahirap pa sa journey ni Melody (Sanya Lopez) bilang First Lady ni President Glenn Acosta (Gabby Concepcion).

JERRY OLEA

Strike while the iron is hot! Number 1 prime-time series ang First Yaya last year, kaya nagkaroon ng clamor na ipagpatuloy ang love story nina Melody at PGA (President Glenn Acosta).

At heto, nakaisang linggo pa lang sa ere ang second season na First Lady, extended na agad!

Pinusuan agad ng televiewers, at napatunayang mainit pa rin ang chemistry nina Gabby at Sanya! If ever… magkakaroon pa kaya ng third season ang kanilang tandem?!

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

NOEL FERRER

Walang duda, mas matagumpay ang First Lady kaysa sa mga naunang attempt ng GMA-7 na tapatan ang FPJ’s Ang Probinsyano.

Pero bakit nananatiling malakas pa rin ang teleserye ni Coco Martin kahit taon na ang binibilang nito?

Dahil sa premium na ginagastusan sa artista, sa promo, sa staff, pati na ang execution ng mga eksena, big scene kung big scene talaga at walang shortcut.

At sa larangang digital, tanggapin natin na maliban sa free TV, everything is going digital, kaya dapat makaungos din doon ang First Lady kung kakayanin.

In terms of brand building, masasabi nating super successful na ang First Lady kung magiging household name na si Sanya Lopez at pagkakatiwalaan ng premium brand endorsements kung sakali (which she deserves, ha).

If not, mananatili lang ito sa level ng hype.

HOT STORIES

We are now on Quento! Download the app to enjoy more articles and videos from PEP.ph and other Summit Media websites.
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Ayon sa source ng PEP Troika, magkakaroon ng third lock-in taping ang First Lady para sa additional six weeks sa orihinal na season duration na ito ay eere sa GMA-7.
PHOTO/S: Screengrab from First Lady
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results