JERRY OLEA
Bandang hatinggabi nitong Pebrero 24, 2022, Huwebes, bago matulog ay nag-post si Kris Aquino sa Instagram ng pasasalamat sa lahat ng nagmamahal, nagmamalasakit, at nagdarasal para sa kanya at sa mga mahal niya sa buhay.
Ipinost din niya iyon sa Facebook.
Ani Kris, “8 months ago, my brother died, at some point, i’ll be ready to share our journey, and how profoundly his death changed me and my priorities.
“Most important lessons: we can’t change the past, today is all we have, because tomorrow is never promised. FAMILY should always come first.
“Fulfill your promises because you are only as good as the words you honor, and alagaan, pasalamatan, mahalin yung mga taong tapat at totoong may malasakit sa yo.
“Ang pinaka importante, unahin ang iba (especially yung mga mahalaga sa puso mo) bago ang sarili.”
Huwag ipagtaka na mag-o-offline muna si Kris.
Paliwanag niya, “Kailangan ko maging rested & as stress free as possible until Sunday kasi may susubukang treatment… praying very hard na kayanin ng katawan, kasi ito yung magiging paraan para maging mas okay ang quality of life ko.
“1st dose ito, pero alam ko yung possible risks involved. Please pray for the doctors & nurses na magaalaga sa kin.
“The whole process will take about 4 hours plus observation time. 3 days rest before and 3 days rest after. i have faith in God’s plan and His timing.”
Nakiusap si Kris, “Please wag natin i-claim that i’ll be healed, wag natin Syang pangunahan. i continue praying for the Faith to continue Hoping that i’ll get healthy enough for those who still need and Love me. Good night.”
Read: Kris Aquino, nananatiling positibo sa kabila ng lalong pagpayat
GORGY RULA
Tatlumpu’t anim na taon nang nakaraan, isa si Kris Aquino sa prominent figures ng EDSA People Power.
Ang lakas-lakas ng pamilya Aquino at lalong pumailanlang ang kanyang showbiz career. Si Kris ang isa sa lalong nagpatingkad ng kulay dilaw nung panahong iyon.
Ngayon ay hindi na kailangan ni Kris makipaglaban sa bayan, kundi para sa kanyang kalusugan. Napakarami pa rin ang nagdarasal para sa kanya.
Maganda ring magpahinga muna siya sa social media para sa gagawing treatment. Sana, maging successful itong bagong treatment sa kanya at malagpasan niya ito.
Iyon pa rin ang hiling ko para sa kanya, na sana makabalik na siya sa trabaho, at magkaroon na siya ng show.
Sa palagay ko naman, kapag magsisimula na ang AMBS ni dating Senator Manny Villar, na maaring pamunuan ni Willie Revillame, iku-consider siyang magka-show sa naturang network dahil close naman silang dalawa.
NOEL FERRER
I wish Kris well. I will continue praying for her. She deserves to be well.
