JERRY OLEA
“I’m so happy!” bulalas ni Kris Aquino sa video clip na ipinost sa kanyang Facebook at Instagram account nitong Pebrero 23, 2022, Miyerkules ng gabi.
Sa video clip, kinukunan ang 86-pound na si Kris ng dugo sa St. Luke’s Medical Center BGC (Bonifacio Global City, Taguig City).
Nine (9) vials ang nakatakdang kunin ng med tech sa kanya, pero sinabi ni Kris na gawin nang sampu.
Kuwento pa ni Kris, “i spent the whole afternoon here in our unit in consultation with 2 young doctors — for their privacy i won’t name them — they are sisters in law who are both allergy specialists…
“marami akong health problems at present but para ma-confirm how serious they are, kailangan unahin namin yung pinakamalaking hadlang, my allergies and my chronic urticaria.
“Hindi kasi alam how i’ll react to the dyes needed for tests like CT SCAN, MRI, and lahat ng may -gram sa ending.
“For us na lang yung autoimmune + other health issues ko, better for me to FOCUS on what’s GOOD: cancer is ruled out, kidney function is okay, sugar is fine (meaning no diabetes), and so far liver function is okay considering all my maintenance meds…”
Nagpasalamat si Kris sa lahat ng nagdarasal para sa kanya, maging sa umaasam na bumuti ang kanyang kalagayan.
Pagpapatuloy ni Kris, “Let’s continue praying not just for me BUT for all my loved ones: my family- my sisters, brothers-in-law, mga pamangkin and PLEASE, my 2 sons, Kuya Josh & Bimb.
“Please pray also for my closest cousins & my trusted friends from all colors of the (rainbow emoji) and my exceptionally loyal Doctors, my nurse, and my TEAM @home who worry, and do everything possible to keep me safe & Covid free…
“My prayers & sympathy to all those my cousin Charlie Cojuangco left behind, (most especially to my Manang Lisa.)
“We just finished this blood test 30 minutes ago to see kung viable candidate ako for the treatment i want to try, before we go abroad. Thank you, Jessica- my favorite med tech from St. Luke’s BGC. Sobrang daming dapat ma THANK YOU but aangal kayo na ang haba ng caption ko. So for now, God bless us, Good Night & #lovelovelove”
NOEL FERRER
Nakakapanibago ang hitsura ni Kris pero ang disposyon niya ang nakakamangha at masigla pa rin!
Patuloy nating ipinagdarasal siya na sana ay nasa mabuting kalagayan at maging payapa at maligaya lagi.
Kung ano man ang kanyang pinagdaraanan sa kanyang health at buhay personal, sana ay humantong ito sa mabuti at hindi masakit at mahirap pa sa kanya. All the best, Kris!
GORGY RULA
As of this morning ng Huwebes, February 24, mahigit 453,000 na ang nag-like at mahigit 2,000 ang nag-comment sa Instagram post ni Kris. Sa Facebook, mahigit 4.7K na ang comments.
Lahat naman ay nagdasal sa tuluy-tuloy niyang paggaling. Nakakabahala na nga ang pagpayat niya.
Pero ang isa sana sa hiling ko para kay Kris ay makakabalik siya sa trabaho. Sa tingin ko, lalo siyang magpupursiging gumaling kapag merong trabaho o show na naghihintay sa kanya.
Sana makakabalik na siya dahil ang saya pa rin talaga ng showbiz kapag may Kris Aquino tayong napapanood.
Patuloy pa rin ang aking pag-alay ng dasal sa tuluyang paggaling ng taong naging bahagi rin ng aking pagsisimula sa showbiz!
