PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Myrtle Sarrosa grateful to GMA-7 for projects coming her way

Myrtle, masaya para kay Jennylyn Mercado.
by PEP Troika
Published Mar 2, 2022
myrtle sarrosa
Myrtle Sarrosa on her projects with GMA-7: "Medyo madami-dami ang ginagawa ko ngayon, e. Meron ako ngayon hosting for iBilib. Alam ko matutuloy pa rin yung series namin with Jennylyn. Kontrabida naman yung role ko dun."
PHOTO/S: @myrtlegail on Instagram

GORGY RULA

Masaya si Myrtle Sarrosa sa paglipat niya sa GMA-7 dahil hindi siya nababakante.

Minsan nga, nahihiya siyang magsabi sa handler niya kung puwedeng huwag munang tumanggap ng project dahil sunud-sunod ang kanyang mga ginagawa.

Bukod sa mga guesting at sa katatapos lang na Nagbabagang Luha, kasali rin si Myrtle sa Love. Die. Repeat nina Jennylyn Mercado at Xian Lim. Pero natigil lang sila sandali dahil sa kalagayan ni Jennylyn.

Naniniwala si Myrtle na matutuloy pa rin ito kapag okay na ang Kapuso Ultimate Star.

“Medyo madami-dami ang ginagawa ko ngayon, e. Meron ako ngayon hosting for iBilib.

“Alam ko matutuloy pa rin yung series namin with Jennylyn. Kontrabida naman yung role ko dun.

“Tapos sunud-sunod nga po ako ngayon. Ako na nga nahihiya sa GMA kapag parang gusto ko tumanggi,” sabi ni Myrtle.

Masaya raw siya para kay Jennylyn dahil noon pa man ay sinasabi raw nitong gusto na niyang magka-baby uli.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Ayon kay Myrtle, “Naniniwala ako na it’s God-given. Deserved ni Jen na maging masaya.

“Parang nakukuwento rin niya sa amin before na gusto na rin niyang magka-baby.

“Nung sinabi sa amin, parang medyo napa, 'Ah! Mapu-pause yung taping.'

“Tapos sabi namin, deserved naman niya talaga. Kaya masaya na rin kami.

"Sobrang sweet nga ni Jen, e. Nagmi-message pa ‘yan minsan sa posts ko.

"Parang gusto ko nga magbigay ng maraming stuffed toy, para marami na silang laruan."

Ang latest na itinuturing na blessing ni Myrtle ay ang pag-renew ng kanyang kontrata sa Sisters Sanitary Napkins.

Bahagi ng kanilang pag-promote ay nag-iikot sila sa mga eskuwelahan para mabigay ng talk si Myrtle para sa mga kabataan. Pero ngayon ay hindi na nila nagagawa dahil sa pandemic.

Mabuti at may pagka-techie si Myrtle kaya siya ang nag-a-assist para makapag-promote ng produkto sa social media.

“Nakakatuwa din na ang knowledge ko sa digital at social media, nakatulong ako para sa Megasoft,” pakli ni Myrtle nang nakatsikahan ko sa contract renewal niya nung Martes, March 1, sa Annabel’s Restaurant.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Ito ang isa sa forte ni Myrtle dahil nakilala siya ng mga kabataan na mahilig sa online gaming. Doon niya napapasok ang cosplaying niya, at hanggang ngayon ay pinagkakakitaan pa rin niya ang pagku-cosplay.

Kuwento niya, “Nakakatuwa kasi isa sa mga milestones ko recently, umaabot ako ng 11K viewers sa pag-i-stream ako.

“Naglalaro ako ng games. Minsan may mga viewers sa iba’t ibang bansa, Meron sa U.S., sa Malaysia, Singapore, Thailand.

“Nagugulat na lang ako talaga na nare-recognize na ako sa ibang bansa, for gaming and cosplay na rin.

“Siguro na-appreciate nila yung craft ko na nagagawa ko sa pag-cosplay,” masayang kuwento sa amin ni Myrtle.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Minsan nga raw ay nakalaro pa niya si Alden Richards na online gaming din ang nakahiligan.

“Kami dati nina Alden, naglalaro kami sa RO [Ragnarok Online]. Magkaiba lang ng server… yung server kasi magkaiba lang kami ng channel sa game. Sayang hindi kami magkalaro ngayon sa isang game.

“Nagkalaro lang kami, siguro two years ago pa,” napapangiting pahayag ng Kapuso actress.

Kaya hindi maiwan-iwan ni Myrtle ang pagku-cosplay dahil nga sa waging-wagi pa rin siya hanggang ngayon, at kilalang-kilala siya ng mga kabataang gamers.

NOEL FERRER

Well, good at sunud-sunod ang projects ni Myrtle. At least, may exposure at kumikita siya.

Pero tumatatak ba? Kumusta ang quality ng work na kasama siya? Does she stand out at nagkakaroon ng sariling brand?

She is kasi one of the more learned ones sa stable of stars ng Kapuso network having finished a degree in UP. Pero nagagamit ba niya ang kanyang expertise?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Sana… but I doubt!

Sana maaayos siya para ma-achieve niya yung gusto niyang maging sexy at edgy actress. Kaya ba?

JERRY OLEA

Big winner si Myrtle sa PBB Teen Edition 4 noong 2012.

Noong Disyembre 2017 ay nasabi sa amin ng multi-awarded director na si Maryo J. de los Reyes na balak niyang ipalunsad si Myrtle sa isang pelikula ng Regal Entertainment.

Makabuluhang sex drama iyon na kukunan sana sa Singapore, at inaayos ni Direk Maryo J. ang casting.

Excited si Myrtle nang makausap namin sa pa-New Year party ni Direk Maryo noong first week ng Enero 2018 sa Mowelfund Plaza.

Kaso, bago magtapos ang buwan na iyon ay binawian ng buhay si Direk Maryo.

Hanggang ngayon ay inaasam naming may direktor o prodyuser na magtitiwala ng makabuluhang pelikula na bida si Myrtle.

HOT STORIES

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Myrtle Sarrosa on her projects with GMA-7: "Medyo madami-dami ang ginagawa ko ngayon, e. Meron ako ngayon hosting for iBilib. Alam ko matutuloy pa rin yung series namin with Jennylyn. Kontrabida naman yung role ko dun."
PHOTO/S: @myrtlegail on Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results