PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Aljur Abrenica update on co-parenting status with Kylie Padilla

Aljur Abrenica, parang alam na alam ang mga ginagawa ni Kylie Padilla.
by PEP Troika
Published Mar 2, 2022
Aljur Abrenica, Kylie Padilla
Aljur Abrenica, kinumpirmang maganda ang pakikitungo nila ni Kylie Padilla sa isa't isa: "Okay kami, lalo na sa mga bata." Kamakailan, ni-like pa ni Kylie ang video kung saan makikita si Aljur at rumored girlfriend na si AJ Raval.
PHOTO/S: @ajabrenica / @giestillmanofficial Instagram

GORGY RULA

Ang saya at ang aliwalas ng mukha ni Aljur Abrenica sa presscon ng back-to-back grand finales ng Sing Galing, ang Original Videoke Kantawanan ng Bansa. Ginanap ang media event sa Manila Metropolitan Theater noong Martes, March 1, 2022.

Hindi nakadalo sa presscon ang ilang finalists sa "Sing-lebrity" edition, pero hindi naman namin gaanong nakatsikahan nang matagal-tagal ang mga naroon sa presscon.

Ang bilis nga ng tsikahan namin ni Aljur nang bumaba lang siya sandali sa stage para mag-CR.

Bago siya bumalik sa stage ay kinumusta ko sa kanya ang estranged wife na si Kylie Padilla.

"Okay kami, lalo na sa mga bata," pakli ni Aljur.

Mas okay raw sila ngayon, at wala silang problema sa oras na ibinibigay nila sa kanilang dalawang anak.

Aware ang aktor na nasa lock-in taping ngayon si Kylie, kaya may sapat siyang oras para makasama ang kanyang mga anak.

"Oo, nasa taping siya. Ginagawa niya ang Bolera," sabi ni Aljur, na parang alam na alam ang lahat ng ginagawa ni Kylie.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Ang tinukoy ni Aljur na Bolera ay ang upcoming Kapuso teleserye na pagbibidahan ni Kylie.

Mukhang maganda ang pakikitungo nila sa isa't isa, lalo pa't ni-like pa ni Kylie ang video ni Aljur kasama si AJ Raval na nauugnay sa aktor.

Nagmadaling umakyat si Aljur sa stage, kaya ewan kung narinig niya ang pahabol kong tanong kung makakaramdam ba siya ng selos sakaling magkaroon ng love life si Kylie.

Hindi na niya ito nasagot, parang wala na siyang narinig.

Pero sabi lang ni Aljur, mas okay ngayon lalo na’t marami naman siyang ginagawa.

Bago para sa kanya ang pagsali niya sa Sing Galing, at hindi raw niya akalaing umabot siya sa grand finals.

Wala siyang gaanong nararamdamang pressure sa laban na haharapin niya. Basta ang mahalaga ay lalo siyang nahasa sa pagkanta.

"Ang experience dito is something new para sa akin. Hindi naman ako madalas na kumakanta sa TV, sa mga ganitong programa, competition pa.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"Dito na-explore ko ang bagong experience, and important yung pagiging excited. Lagi akong excited kapag merong Sing Galing.

"Something new siya, and something to explore more sa singing," saad ng aktor.

Si Aljur ang tinagurian nilang “Ultimate Star Hunk” na isa sa finalists sa "Ultimate Pa-Sing-Katan" na gaganapin sa Manila Metropolitan Theater sa darating na March 5.

Makakalaban niya sina Pepe Herrera, Patrick Quiroz, Boobsie Wonderland, Jerald Napoles, at Chuckie Dreyfuss.

JERRY OLEA

Kinilala si Aljur bilang Ultimate Hunk sa finale ng 4th season ng StarStruck noong Marso 25, 2007.

Ang kisig-kisig pa rin ni Aljur, wagas na hunkilicious, maski itanong pa ninyo kay AJ Raval.

Dalawang pelikula ni Aljur ang hinihintay natin na maipalabas, ang erotic thriller na Manipula katambal si Ana Jalandoni, at ang action extravaganza na Mamasapano: Now It Can Be Told na sabi-sabi’y pupulbusin nang lubos ang yumaong Presidente Benigno “Noynoy” Aquino III.

NOEL FERRER

Naaawa at naninibago ako sa estado ni Aljur ngayon.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

From a big winner sa StarStruck ng GMA-7, heto siya ngayon bilang one of the finalists sa Sing Galing ng TV5.

It’s good for the show definitely. I remember, kasama rin si Aljur sa finals ng Celebrity Talentadong Pinoy at natalo pa siya roon last year nina Joj and Jai Agpangan para sa premyong PHP100,000.

Sana naman, manalo na siya rito to keep his premium. Or whatever it is, at least ba visible at may ginagawa pa rin siya despite the pandemic?

Good luck, Aljur!

HOT STORIES

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Aljur Abrenica, kinumpirmang maganda ang pakikitungo nila ni Kylie Padilla sa isa't isa: "Okay kami, lalo na sa mga bata." Kamakailan, ni-like pa ni Kylie ang video kung saan makikita si Aljur at rumored girlfriend na si AJ Raval.
PHOTO/S: @ajabrenica / @giestillmanofficial Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results