GORGY RULA
Kakaiba kay Kris Bernal ang Kapuso afternoon drama series na Artikulo 247, na nag-umpisa ngayong Lunes, Marso 7, 2022, pagkatapos ng Little Princess.
All-out kontrabida siya rito, at bago ito sa kanya.
Binanggit ni Kris sa mga nakaraan niyang interview na gusto niyang gumanap ng kakaibang role dahil dahil hindi na siya bagets, may asawa na kahit mukha pa rin siyang bagets.
Ito na kayang role niya bilang si Klaire Almazan/Carmen Villarama sa Artikulo 247 ang gusto na niyang gawin?
Sagot ni Kris, “Hindi pa naman ito yun. Pero siyempre, gusto ko pa rin in the future na makagawa pa rin ako ng mga ginagawa ko before.
“Babalikan ko yung mga roles na ginagawa ko before. Gusto ko pa rin yung mga love teams, ganyan. Gusto ko pa rin, mga love story, may ganun pa ako.
“Gusto ko pa rin gumawa ng action, ganyan. May mga ganun pa akong nakikita for myself.
“Pero ito nga yung sa mga yun na okay, na-enjoy ko magkontrabida,” saad ni Kris.
Samantala, mina-manage na si Kris ng ALV Talent Management at mas gusto raw muna nilang exclusive sa kanila ang aktres.
Nagpapasalamat din sila sa GMA-7 na binibigyan pa rin nila ng programa si Kris kahit wala na itong exclusive contract sa Kapuso network.
Read: Kris Bernal, binigyan pa rin ng lead role ng GMA-7 kahit di na exclusive Kapuso star
JERRY OLEA
Yung ibang mga artista, may kontrata sa movie company or TV station pero hindi nabibigyan ng project.
Si Kris Bernal, hindi man ni-renew ng Kapuso Network ang kanyang kontrata ay pinagkatiwalaan pa rin ng bonggang papel na Klaire Almazan/Carmen Villarama sa kabitseryeng Artikulo 247.
Gandang-ganda si Kris sa role na ibinigay sa kanya. Hindi dekorasyon lang, kundi tatatak sa televiewers.
Sa istorya, napatay ni Klaire ang asawang si Alfred (Victor Silayan) nang mahuli itong nakikipaglampungan sa mistress na si Jane (Rhian Ramos).
Subaybayan natin ang bagong hitad sa Kapuso afternoon prime! Hindi basta-basta magpapakabog si Kris Bernal kay Sheryl Cruz ng Prima Donnas, o kay Geneva Cruz ng Little Princess.
NOEL FERRER
OK pa rin ba ang mga kabitserye these days? After Ang Sa Iyo Ay Akin, parang naitodo na ng mga tao ang panonood ng mga kabitserye.
Paano kaya iibahin ito ni Kris Bernal with Rhian Ramos, Victor Silayan, Benjamin Alves, and Mark Herras? Wait and see tayo.