PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Kris Bernal grateful to GMA-7 for giving her lead role

Kris, mas marami pang kissing scenes sa leading men kumpara sa kanyang mister.
by Jojo Gabinete
Published Mar 1, 2022
kris bernal
Kris Bernal: "Nakabalik ako sa GMA and ang ganda-ganda ng role na ibinigay nila sa akin. Ang ganda-ganda ng show."
PHOTO/S: @krisbernal on Instagram

Hindi na exclusive contract star ng Sparkle (dating GMA Artist Center) si Kris Bernal kaya nagpapasalamat siya dahil sa oportunidad na ibinigay sa kanya ng dating mother studio para maging isa sa mga bida ng Artikulo 247, ang afternoon drama series ng GMA-7 na mapapanood simula sa March 7, 2022.

Pahayag ni Kris, “Thankful and grateful to GMA kasi nabigyan uli ako ng bagong show.

"Nakabalik ako sa GMA and ang ganda-ganda ng role na ibinigay nila sa akin. Ang ganda-ganda ng show."

Ipinagmalaki ni Kris ang pagganap niyang kontrabida sa kauna-unahang pagkakataon sa isang TV series.

“It’s actually my first full-time contravida role. Almost same with Impostora, pero kasi I can say na this is more difficult for me.

"Parang may emotions na kahit ako, na-surprise ako na kaya ko palang gawin.

“May emotions na nailabas ako na hindi ko pa nagawa before, maybe because I’m used to be the goody-goody one.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“Ako lagi yung bida, ako yung kawawa, so parang lahat bago sa akin. Ako na ngayon yung nananakit, pero na-enjoy ko siya actually.

“Na-realize ko na nga na parang my acting skill was put to test. Na-challenge talaga ako.

"Pero very thankful nga kasi may soap uli ako sa GMA."

Nakausap ng entertainment press si Kris sa mediacon ng Artikulo 247 ngayong Martes, March 1, 2022.

Hindi lamang ang GMA-7 ang pinasalamatan ni Kris dahil pinuri rin nito ang kanyang asawang si Perry Choi na buong-buo ang suporta sa acting career niya.

Ikinasal ang dalawa noong September 2021 pero matagal na nagkawalay dahil sa lock-in taping ni Kris para sa Artikulo 247.

Biro nga ni Kris, mas marami pa ang kanyang kissing scenes sa leading men niya kesa kay Perry.

“Binilang ko nga, parang mas marami pa yung halikan ko sa kanila kesa sa asawa ko,” pakli ni Kris.

“Pero ang asawa ko, hindi siya nangingialam sa trabaho ko.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

"Sabi ko nga, I just follow kung ano yung hinihingi ng direktor, kung ano yung hinihingi ng script.

"And as long as in-approve naman ng production, mabilis akong kausap. 'Sige, gawin ko ‘yan.'”

Sina Mark Herras, Mike Tan, Benjamin Alves, at Victor Silayan ang mga pangunahing aktor, samantalang si Rhian Ramos ang pahihirapan ni Kris sa kuwento ng Artikulo 247.

HOT STORIES

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Kris Bernal: "Nakabalik ako sa GMA and ang ganda-ganda ng role na ibinigay nila sa akin. Ang ganda-ganda ng show."
PHOTO/S: @krisbernal on Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results