JERRY OLEA
Inamin ng Tiktokerist na si Lloyd Aaron Agustin na may minor celebrities na nag-reach out sa kanya at gustong magpatulong para mag-set up ng private channel.
“Paano ko ba sila ide-describe? Ha! Ha! Ha! Yung hindi mahahalata, yung sakto lang. Ha! Ha! Ha! Ha!” natatawang sabi ni Lloyd sa virtual tsikahan noong Pebrero 19, Sabado
“Hindi content creator, e. Mga sumali rin ng competition, ganyan, sa TV show. Ha! Ha! Ha! Ha! Hindi nanalo, ganun. Ha! Ha! Ha! Ha!”
Ang Bidaman finalist na si Jervy de los Reyes ay tumigil na sa pagbebenta ng videos kung saan pinapaligaya nito ang sarili.
Noong nakaraang linggo ay kumalat sa socmed ang video ng isa pang Bidaman finalist habang nagbabayabas ito.
“Ang patunay na siya iyan ay ang guhit sa kanyang tiyan!” sabi ng isang kilalang Kapamilya vlogger.
Pinagpiyestahan na rin sa Twitter, Messenger, at Telegram ang video clips ng winner ng isang competition sa isa pang pakontes sa TV sa ibang network naman.
Hindi maipagkakaila ng winner na male TV personality na siya iyon dahil sa kanyang mga tattoo.
A few years ago, may kumalat nang video ang male TV personality na nagma-masturbate habang may ka-chat online.
Na-depress noon ang male TV personality. Pero this time, pinagkakakitaan na niya ang pagiging adult content creator.
Ipinahiwatig ng male TV personality sa Twitter na meron siyang “only fans” account.
GORGY RULA
Hindi lang itong mga produkto ng all-male groups ang kinakalakal ang kanilang katawang lupa kundi pati ang iba pang baguhang artista na ilu-launch ng isang TV network.
Meron ngang pa-shopping lang sa mayayamang bading, okay na!
Pahirap nang pahirap na ang buhay, lalo na’t patuloy sa pagtaas ang gas, asahan na nating meron pang magbababa ng underwear para sa kanilang private channel sa Only Fans, Just For Fans, Telegram o kung saan man.
Sa totoo lang, isyu pa ba ito?
Sa ibang bansa ay normal nang ginagawa ito ng ibang male models at struggling actors para lang may dagdag na kita.
Nakakatawa nga sa account ng ilang guwapo at kilalang male models sa Amerika, nabubuking ang ibang taga-showbiz na nagpa-follow doon.
May aktor at talent manager na masipag mag-subscribe sa private channel ng mga kilala at super hunk na male models sa Amerika.
NOEL FERRER
Naku, ito ang kasama sa pelikula ni Perci Intalan na nagtemang horror na gustong mag-Only Fans dahil level up na ang mga ganitong activities during the pandemic.
Kakaiba na nga ngayon ang mga panoorin. To each his own. Choose your own adventure baga.
Hindi bagay sa mga convent-bred!
