Paolo Contis, nag-react sa hirit na bisitahin niya sana si Summer sa New York

by PEP Troika
Mar 16, 2022
Paolo Contis
"Jusko! Di na nagbabago yung joke ni Nanay! Luma na! Hahaha!" komento ni Paolo Contis (left photo) sa hirit ni Lolit Solis na sana ay mag-ipon siya para mabisita ang anak na si Summer. Ang dating live-in partner ni Paolo na si LJ Reyes (right photo, in tweed jacket) ay nakabase ngayon sa New York kasama ang mga anak na sina Summer at Aki.
PHOTO/S: @paolo_contis Instagram / Nice Print Photo

GORGY RULA

Hindi na nag-celebrate si Paolo Contis ng kanyang ika-38 kaarawan nung nakaraang Lunes, Marso 14, 2022.

Pero natutuwa siyang marami pa rin ang hindi nakalimot bumati sa kanya.

Siyempre, hindi ako sinagot ni Paolo nang tinanong ko kung bumati ba ang mga anak niya. Pero sa ilang palitan namin ng mensahe sa Messenger, ramdam na ramdam kong nami-miss na niya ang kanyang mga anak.

Dalawa ang anak niya sa dating asawang si Lian Paz—sina Xonia at Xalane, at isa naman sa dating live-in partner na si LJ Reyes—si Summer.

Sobrang close sila ni Summer, na nakikita sa mga content nila sa kanilang YouTube channel, kaya tingin daw ni Paolo ay hinahanap siya ng kanyang anak.

Kasalukuyang nasa Amerika si Summer, kasama si LJ; habang ang mga anak nila ni Lian ay nasa Cebu.

Gusto lang daw muna ni Paolo mag-focus sa trabaho para kahit paano ay pansamantala niyang nakakalimutan ang pagka-miss sa kanyang mga anak.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Pagkatapos ng I Left My Heart in Sorsogon, balik-All Out Sundays siya para sa comedy segment ng naturang Sunday noontime show.

Regular taping pa rin siya sa Bubble Gang na lagi pa ring mataas ang rating.

Pero ang isa sa ikina-excite ni Paolo ay kinuha siyang mag-endorse ng Ako Bicol Party-list. Hindi nga raw siya makapaniwalang sa kabila ng mga isyung kinasangkutan niya, ipinagkatiwala sa kanyang mag-endorse ng party-list.

Kaya pala napapadalas ang bakasyon niya sa Albay kasama ang kanyang kuya.

"Malaking tulong ang I Left My Heart in Sorsogon. Nagustuhan nila ang role ko dun, si Mikoy. Si Mikoy daw ang ipalit kay Manoy," text ni Paolo sa amin.

Si Manoy ay ang namayapang Eddie Garcia na dating nag-endorse ng naturang Ako Bicol.

"Pero taga-Bicol talaga kami. Taga-Virac, Catanduanes ang mama ko,” pakli ni Paolo.

Kaya isa ito sa pinagkakaabalahan niya, ang mag-iikot sa Kabikulan. May producer din daw na interesadong igawa siya ng pelikula na kukunan sa Catanduanes. Pero hindi pa naman daw sure yun.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

"Excited ako diyan. Sana matuloy," sabi pa ni Paolo.

May movie offer din siyang isang comedy na pelikulang ipu-produce ng OctoArts at meron pa siyang isa na isu-shoot sa Japan.

Kaya bukod sa matagal na niyang birthday wish, nagpapasalamat si Paolo sa Diyos na hindi siya pinababayaan. Nagpapasalamat din siya sa tiwalang ibinigay sa kanya ng GMA-7, kaya tuluy-tuloy ang trabahong dumarating sa kanya.

JERRY OLEA

Ang biro ni Manay Lolit Solis na manager ni Paolo, birthday wish niyang makaipon ito ng pamasahe papuntang New York, USA para madalaw ang anak nila ni LJ Reyes na si Summer.

"Jusko! Di na nagbabago yung joke ni Nanay! Luma na! Hahaha!" halakhak ni Paolo.

Pambawi ni Manay Lolit, "Kung saan maligaya si Paolo, maligaya na ako! Ha! Ha! Ha! Ha!

"Alam mo, si Paolo, isa sa mga alaga kong napakabait. Kahit anong ginagawa ko, tahimik lang siya."

At any rate, noong kaarawan ni Paolo ay may kumalat na tsismis na break na raw sila ni Yen Santos.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Ayaw itong sagutin ni Paolo, dahil obvious namang wala pa silang inaamin ni Yen.

"Hay! Lahat na lang pinag-uusapan magka-content lang! Kaloka!" sabi ni Paolo.

Read: Paolo Contis tinotodo ang bakasyon sa Bicol; kuya ang kasama at walang "friend"

NOEL FERRER

Belated Happy Birthday, Paolo!

Sana, kasabay ng pag-unlad sa buhay at career, napalalim pa ang kanyang EQ para naman mas lumalim at magtagal na ang kanyang mga relasyon.

Naging pattern na kasi kay Paolo ang ganung cycle ng relationships.

Hindi naman niya ginusto yun, oo, pero magandang makita niya kung ano ang dapat mabago o puwedeng mag-break ng chain ng kanyang fleeting relationship na nadadalas na sad ending.

Time to change the ending, or totally revise and improve the story!!! We’re praying for you, Pao!

HOT STORIES

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
"Jusko! Di na nagbabago yung joke ni Nanay! Luma na! Hahaha!" komento ni Paolo Contis (left photo) sa hirit ni Lolit Solis na sana ay mag-ipon siya para mabisita ang anak na si Summer. Ang dating live-in partner ni Paolo na si LJ Reyes (right photo, in tweed jacket) ay nakabase ngayon sa New York kasama ang mga anak na sina Summer at Aki.
PHOTO/S: @paolo_contis Instagram / Nice Print Photo
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results