GORGY RULA
Nairita si Paolo Contis nang nakarating sa kanya ang Facebook post ng isang netizen kung saan naka-quote ang Kapuso actor na kesyo inamin nitong nagdadalantao si Yen Santos.
Obvious namang fake news ito para marami ang mag-share sa post.
Nakarating sa amin ang FB post na yun at finorward namin kay Paolo upang kumpirmahin kung totoo ba yun o hindi.
“Kalokohan!” sagot ni Paolo nang ifinorward ko sa kanya ang naturang FB post.
Hindi naman nagpa-interview si Paolo. Ang duda niya, kinuha lang yun sa nakaraang interview ng aktor nang inamin niyang nagdadalantao si LJ Reyes. Pinalitan na lang sa title na si Yen Santos ang tinutukoy na buntis.
Sa huling check ko, hindi na available ang Facebook account ng netizen na hindi namin kilala.
Ilang beses ko nang hiningan ng pahayag si Paolo tungkol sa kanila ni LJ, at kung nagkausap ba sila ng mga anak niya nung nakaraang Pasko, pero ayaw na niyang sumagot.
NOEL FERRER
Sapat nang sabihin ni Paolo na kalokohan ang bali-balita tungkol sa kalagayan ni Yen. Magandang pagtatama yun ng balita.
At least may pagtatanggol din iyun sa pagkakalat ng fake news against Yen at sa kanya na rin.
Bakit kaya kung usaping pamilya na niya, tikom na ang bibig at no comment na talaga si Pao? It’s complicated ba talaga o deadma is the best answer kapag LJ at anak ang topic?
Mauunawaan naman natin, pero tumitikom si Paolo kapag usaping pamilya na.
JERRY OLEA
Halatang fake news ang nasabing payanig sa Facebook, na ang tanging ebidensiya ay litrato ni Yen na kesyo may umbok sa tiyan nito. Di ba pwedeng busog lang, o kaya dahil sa anggulo o lighting kaya ganoon?
Noong Agosto 19, 2021 pa nag-streaming sa Netflix ang pelikula nina Yen at Paolo na A Faraway Land, kaalinsabay ng pagputok ng paghihiwalay nina Paolo at LJ.
Huwag na sanang manganak pa ng kung anu-anong kalokohan ang fake news sa kalagayan ni Yen.