JERRY OLEA
Nagte-training na ang Hipon Girl na si Herlene Budol para sa pagsali niya sa beauty pageant.
Read: Herlene "Hipon Girl" Budol maagang namulat sa mapait na katotohanang di panghabampanahon ang showbiz
"Baka po ano, lumaban po tayo nang patas," sambit ni Herlene sa virtual mediacon ng rom-com digital series niyang Ang Babae sa Likod ng Face Mask nitong Miyerkules ng umaga, Marso 16, 2022.
Nagsasanay na si Herlene sa Kagandahang Flores (KF). If ever, magpaparetoke ba siya ng mukha o katawan?
"Kung magpaparetoke po, siguro ano lang… enhance lang, gluta-gluta [glutathione] lang, ganun," matamang tugon ni Herlene.
"Tapos, gawa tayo ng thread… baka naman! Sponsor! Ha! Ha! Ha!
"Ayoko din po kasing magsinungaling, di ba? Kasi, gusto ko din maranasan ang mga epek ng contest.
"Thread po, yung parang sinulid na ano… nanonood ako nun sa YouTube para lang… pag gumanda ako, baka magulat sila! Charot! Ha! Ha! Ha!"
Tila ang tinutukoy ni Herlene na "thread" ay ang nose thread lift procedure na pampatangos ng ilong.
Minahal ng mga tao ang pagiging totoo ni Herlene. Dahil bida na siya sa digital series, iiwan ba niya ang training para maging beauty queen?
Pag-amin ni Herlene, "Kung ako po, yung pagte-training po kasi… commit… commitment ko po yun, e. Committed ba o commitment?
"Parang ano po… anong tawag dito? Pinag-aaral din nila ako ng English. Kasi, hindi pa po ako marunong mag-English.
"Tapos, ahh, ahhmm… lahat po kasi, pinag-aaralan dun, e. Parang hindi lang po siya para sa pageant. Para ma-build din po yung pagkatao ko din.
"Ahh, kung paano pong magsalita. Kung paano po makikapwa, kung paano po mag-communication.
"Saka hindi ko lang po siya gusto, e, committed po talaga ako na gawin yun para din po sa ikakabago ng ano ko… may madagdag pala po, hindi mabago. May madagdag sa knowledge ko po."
Labintatlong (13) episodes ang digital series na Ang Babae sa Likod ng Face Mask, na magpa-pilot sa Marso 26, Sabado, ng 6:00 p.m. sa Puregold Channel sa YouTube.
Inspired ng pelikulang Blusang Itim (minus the fantasy element) ang nasabing serye, kung saan leading man si Kit Thompson at kontrabida si Kiray Celis.
Nasa cast din sina Mickey Ferriols, Hasna Cabral, at VJ Mendoza, sa direksyon ni Victor Villanueva. Konsepto at iprinodyus ito ni Chris Cahilig para sa Puregold.
GORGY RULA
Sobrang saya raw ni Herlene nang mapanood ang trailer ng Ang Babae Sa Likod ng Face Mask during the virtual mediacon.
"Ito po yung unang-unang serye ko na bida po ako na mahaba!" bulalas ni Hipon Girl.
"Kaya maraming salamat po, binigyan ninyo ako ng chance. Kinilabutan ako kasi ganun ang pagka-edit.
"Hindi ko in-expect na ang ganda nung kalalabasan nung ginawa ko na mga akting, tulong niyo po.
"Kulang talaga ako sa confidence kaya para siguro din sa akin yung Babae Sa Likod ng Face Mask, kasi ano, e… ahh, relate na relate ako.
"Kasi, hindi naman ako ganun ka-fresh. Kaya kumakapit din lang talaga ako sa face mask!
"Simula nung nagkapandemya, talagang nag-thank you ako. Ay! Hindi ako magli-lipstick, hindi ako magkikilay. Deadma ako!
"Basta ako, mamamalengke ako nang fresh, ganun. Kasi, naka-face mask na.
"Kaya parang naka-relate talaga ako. Kaya sinabi ko na nasa panahon talaga ‘tong istoryang ito na andaming makaka-relate."

Kinilabutan daw si Herlene at nagtaasan ang mga balahibo nang mapanood niya ang trailer ng kanyang digital series.
"Kaya pala ayaw ipasa sa akin. Kasi nga, surprise. Ang ganda po!" sambit ni Herlene.
Komento naman ni Kit Thompson sa trailer, "Grabe, ang ganda! First time ko rin siyang nakita. Pinapanood ko siya, nakangiti lang ako the whole way…
"Actually, medyo naluha ako nung pinapanood ko. Sobrang tuwa ko dahil ang ganda talaga, kakaiba!
"It’s so fresh to see this, you know, and I just wanna thank siyempre my directors, si Direk Vic and Direk Chris. Grabe! Di ko na-expect na ganito pala.
"And you know, of course, Puregold… for creating such wonderful content. Thank you!"
Itong Ang Babae Sa Likod ng Face Mask ang ikalawang digital series ng Puregold Channel sa YouTube. Nauna rito ang GVBOYS na pinagbidahan nina Jerome Ponce, Nikko Natividad, at Dave Bornea.
Reminiscent naman iyon ng Kapamilya sitcom na Palibhasa Lalake (Marso 1987-Nobyembre 1998).
NOEL FERRER
First and only choice si Herlene na magbida sa seryeng Ang Babae Sa Likod ng Face Mask.
Kuwento ng producer na si Direk Chris Cahilig, "When I talked to Miss Ivy [Piedad, marketing manager ng Puregold] and the team, nag-present kami ng napakaraming konsepto for the series.
"Tapos parang… may mga shortlisted. Plus meron akong isang lumang concept na kinausap ko na actually si Herlene noong October last year pa about it, Ang Babae Sa Likod ng Face Mask nga.
"And then, nung isinama ko siya sa pinitch ko na story… unanimously, yun ang napili ng ating mga friends sa Puregold.
"So, it was really meant, I think, na para kay Herlene ito. Moment niya talaga ito! Kasi, kumbaga, the script was conceptualized and written for her."
