GORGY RULA
Ang daming natuwa sa pagdalo ni Jake Ejercito sa nakaraang rally ni Vice President Leni Robredo sa Pasig nung nakaraang Linggo, March 20, 2022.
Hiningan ng PEP Troika ng reaksiyon ang half-brother ni Jake na si senatorial candidate at dating Senator Jinggoy Estrada.
Si Jinggoy ay kabilang senatorial lineup ng kumakandidato rin sa pagkapresidente na si Ferdinand "Bongbong" Marcos Jr.
Sina Jinggoy at Jake ay mga anak ni dating Pangulong Joseph "Erap" Estrada. Ang ina ni Jinggoy ay si dating Senator Loi Ejercito at ang ina ni Jake ay ang dating aktres na si Laarni Enriquez.
Ayon kay Jinggoy, hindi ito isyu sa kanilang pamilya.
“My brother is old enough to decide what he wants to do.
“I’m not convincing him to support Bongbong Marcos. If he has another candidate in mind that he thinks that can help our country, that is his decision.”
Pagdating sa kandidatura ni Jinggoy, nandiyan daw ang suporta ni Jake.
“Of course, kapatid ko yun e,” bulalas ng actor-politician.
“We don’t talk about politics. That is his decision… kahit magkaibang partido kami, iba ang sinusuportahan niya, iba ang sinusuportahan ko… may the best man win.
Dagdag pa niya, “I believe BBM can lead our country. He is more than qualified to lead our country, that is my opinion.
“If he thinks Leni is more qualified, that is his own opinion. He’s old enough to decide what is right and what is wrong.
“His sister, si Jerika, is for Bongbong. So, quits lang,” pahayag ni Jinggoy nang nakausap ko sa telepono nung Lunes, March 21.
JERRY OLEA
Nagpapasalamat si Jinggoy sa kanyang mga anak dahil solid ang suporta ng mga ito sa kanyang kandidatura.
Sinasabi ni Jolo Estrada noon na mabuti't walang ibang tumatakbo sa pamilya. Kaya naka-focus sila ngayon sa pagtulong sa kanyang ama.
“I’m very grateful especially to my daughter [Janella] that she decided not to run. Instead, she’s going to help me in my Senate comeback bid,” sabi ni Jinggoy.
NOEL FERRER
In the spirit of family unity, sana ay isama nila sa hinagap nila ang qualified din na kapatid nilang si JV Ejercito. We’ll see!
